Joeryl's P. O. V
2 months before the night.
Habang busy ako sa pagsusulat ng notes para sa darating naming thesis ay napapansin ko ang pagkataranta ni Elizabeth.
"Oh? Sabeth, anong problema mo?" irita kong tanong.
Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya at tila ba aligaga ito.
"Shhh! Pinipigilan ko!" aniya.
"Ang ano?"
"Umiyak?"
Agad akong tumayo at niligpit ang mga notebook ko na nasa lamesa at nilagay iyon sa bag ko. Pinanood lamang ako ni Sabeth. Sinakbit ko ang bag ko at hinawakan ang kamay niya.
"Tara," sambit ko sabay hila sa kaniyang kamay.
Wala siyang nagawa kundi ang sumama sa akin. Dinala ko siya sa likod ng cafeteria. Tahimik rito at puno ng mga sirang upuan. Hinila ko ang isang upuan na sa tingin ko ay pwede pa gamitin.
"Upo," utos ko kay Sabeth.
Naupo naman siya at bumuntonghininga. Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha niya. Bagamat sanay na ako sa ganitong pamamaraan niya ng pag-iyak ay nalulungkot rin ako. Bihira lang magkaroon ng problema si Sabeth, palaging ako ang umiiyak. Ngayon ay nasasaktan ako bilang kaibigan na makita siyang ganito.
"Eryl..." humihikbi niyang sambit.
"Just talk if you feel okay," naupo ako para pantayan siya ay saka niyakap, "Ilabas mo lang lahat."
"Eryl... S-sinabi ni M-mama--" nahinto siya dahil sa pag hikbi niya.
Tinapik ko ang kaniyang likod, "Na ano?"
"A-anak ako sa l-labas," lumuluha niyang sambit.
Kahit ako ay pakiramdam ko, huminto ang mundo ko. Hindi nag si-sink in sa akin ang sinabi niya. They were the complete and happy family. Ang saya ng relasyon ng pamilya nila at hindi ko kailan man naisip ang ganito. Ang sakit lang para sa kaniya na malaman niyang, anak siya sa labas. Isa sa magulang niya ang hindi niya biological parent.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Nag text si Mama sa akin... Huwag daw akong umuwi dahil umalis siya, naghiwalay sila ni Papa dahil nalaman ni Papa na anak ako ni Mama sa labas, na hindi si Papa ang tunay kong ama. Galit daw sa akin ang mga kapatid ko, lalo na kay Mama. Hindi ko na alam... Hindi ko matanggap," tahimik na ang kanyang pag iyak habang kinukwento iyon sa akin.
"Nandito lang ako. Kaibigan mo ako, hindi kita iiwanan," sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
Ilang sandali lamang ay kumalma na siya. Narinig ko naman ang pag tunog ng telepono ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakita kong tumatawag si Lawrence.
"Oh? Kamusta?" sagot ko sa tawag nito.
"Labas kayo ni Sabeth. Kain tayo dito sa isawan," aniya.
"Sige. Wait, on the way na."
Pinatay ko na ang tawag at nakita ko namang nagpopolbo na si Sabeth para hindi mahalata ang pag-iyak niya.
"Huwag mo muna isipin. You only live once, enjoy-in natin," sabi ko.
Pumunta na kami sa labas ng University kung saan mayroong nagtitinda ng mga street foods. Nakita agad namin si Lawrence kasama ang mga barkada niyang kumakain.
"Sagot ko!" ani Lawrence.
"Wow! Anong meron?" tanong ko at kumuha ng isaw na luto na saka sinawsaw sa suka na maanghang.
"Sweldo ni ate Ciarly, binigyan ako pera," aniya habang kumakain, "Woo~ anghang!"
"Masarap naman sili," kumento ko.
"Kadiri talaga kayo, puro kayo sili," ani Sabeth at matamlay na kumuha ng cup para sa sawsawan niyang suka na walang sili.
"May problema ba baby girl?" pangaasar ni Ken kay Sabeth.
Inirapan ko si Ken. Ayoko sa lahat ng tropa ni Lawrence ay si Ken, bukod sa playboy ay palakol ang grado. Mabuti na lang at hindi nahahawa si Lawrence sa kanila.
Nakilala ko si Lawrence noong first year highschool kami. Naging mag seatmate kami at puro asaran, kaya nagkasundo kami lalo na sa kopyahan. Ako din ang lumakad kay Lawrence sa una niyang girlfriend noong grade 9 kami. Ang problema, napaka-arte nung babae, napaka moody akala mo mayaman si Lawrence, lahat gusto, kapag hindi nabigay, mag-aaway sila. In the end nag break din sila.
Si Elizabeth naman ay class president noong high school kami. Lagi siyang nasa honor kaya kilalang kilala siya ng mga teachers tapos ako 'tong palaging umaasa sa kaniya. Naging close lang kami noong nag senior high school dahil kami lang ang magkakilala, the rest ay new classmates.
"Libre mo din kami tol?" ani James, tropa ni Lawrence.
"Hindi, 'yung girls lang," sagot ni Lawrence dahilan para mapasimangot si James.
"Nga pala, Sabeth. Mamayang 7 pm yung rampa namin doon sa baranggay, may pa inom don. Labas tayo sama ng loob," sabi ko.
Lumawak naman ang ngiti ni Sabeth sa sinabi ko. Narinig iyon ni Lawrence dahilan para sabihin niyang gusto niya ding sumama.
***************
Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay saktong nakarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang pageant.
Isa lang ang pangarap ko sa buhay. Maging isang model at artista. Ako kaya ang pambato ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Felibusterismo. Simula bata ako ay nakikita ko na ang sarili ko sa larangan ng industriya. Noong nabubuhay pa si Mama ay palagi niya ako binibihisan ng maganda at pinapalakad kung saan-saan na para bang isang modelo.
"JOERYL!" sigaw ng pageant mentor kong si Madam Magenta.
Nakilala ko siya sa club noong naglalasing kami nila Sabeth. Sinabi niyang may potential ang pagrampa ko sa stage ng club kahit ba isang malaking kahihiyan sa buhay ko iyon ay maganda ring nadulot. Nakilala ko si Madam Magenta. Magaling siyang coach models dahilan para madaming babae at lalake pa ang makuha niyang models.
"Meet, Frederick. Ang partner mo for tonight," sabi ni Madam.
Nakipag-kamay ako sa gwapong lalakeng nasa harapan ko ngayon. Napakapayat niya, maputi at matangkad. Matangos ang ilong niya at manipis ang mga labi. Dahil sa kapayatan ay kitang kita ang jaw line niya. Hindi singkit ang mga mata niya at hindi rin malaki na bilugan, katamtaman lamang.
"Nice to meet you," sambit ko at nakipagkamay sa kaniya.
Tinanggap ni Frederick ang kamay ko, "Nice meeting you rin, sana manalo tayo."
First impression, competitive.
"Oo," nakangiti kong sabi.
Inayusan na kami ni Madam Magenta. Heto na naman ang magic niya. Para siyang fairy God Mother na kapag may hawak siyang make up brush at nilagay sa mukha ko ay sobrang gaganda ako. Siya lang nakapag pakita na may igaganda pa pala ang kagaya ko.
"Pala kain ka ata ngayon. Nawawala na ang iyong jawline, nako!" pagsita sa akin ni Madam Magenta.
"A-ahh... Napadami po ako ng chocolate noong nag exam," sabi ko.
"Iwasan ang matatamis, nakakataba. Kailangan i-maintain ang katawan mo if you can't go to the gym," aniya.
Tumango naman ako.
Nagsimula ang patimpalak. Rinig ko ang cheer nila Sabeth at Lawrence. Sobrang supportive nila tuwing may pageant ako. Malaki na rin ang cashprize nila kapag nanalo ako ng Queen of Baranggay Poblacion. Fiesta kasi at mayroong pa ganito, galante ang mayora dito sa aming lugar.
Nang matapos kami sa rampa ay change outfit para sa question and answer portion. Naka long gown ako kaya hirap akong maglakad. Akmang lalakad ako papalapit sa stage pero may kung sinong naka-apak ng gown ko dahilan para mahila ito sa akin.
"s**t--" daing ko dahil hindi pwede masira ang gown. Una sa lahat ay hindi sa akin ‘to.
"Sorry Miss!" paumanhin ng isang lalake.
Napatingin ako sa mukha niya. Nakasuot siya ng formal attire na itim. Naka hawi sa kaliwang side ang buhok niya at mukhang naka-gel pa. Mayroon siyang itim na hikaw sa kaliwang tenga. Mayroon siyang nunal sa sentido na agaw pansin. Makapal ang kilay niya at matangos ang kaniyang ilong. Nahiya rin ang balat ko sa kutis niya, mas maputi pa siya sa akin.
"Okay lang."
Hinila ko na ang gown ko at inangat.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at alalayan akong umakyat ng stage.
"Salamat.." nahihiya kong sambit.
"LET'S ALL WELCOME, THE CHOSEN CANDIDATES FOR QUESTION AND ANSWER PORTION" sabi ng Emcee hudyat para pumila kaming mga babae at rumampa pa akyat ng stage.
Lima na lamang kaming natira.
"Let's start with candidate number 9," nawala ang ngiti ko sa labi nang ako ang matawag.
Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Tumingin ako kay Madam Magenta na tinuturo ang labi ko, senyales na dapat ay ngumiti ako.
"Please pick one," ani ng Emcee at may sampung envelope siyang hawak.
Pilit akong ngumiti at napa buntong hininga bago kuhanin ang envelope.
"The Question will be read by our judge. Mayor Ochoa."
Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ang kili kili ko sa kaba. Ayoko sa lahat ay ganito. Clueless kung ano ang tanong at tungkol saan.
"Ano ang pinaka maipagmamalaki mong isang ugali na mayroon ka? At bakit?" pagbasa ni Mayor, "Uulitin ko ang tanong, Ano ang--"
Isip! Mag isip ka Eryl!
Binigay sa akin ng Emcee ang mic. Pilit akong ngumiti.
"Ang pinaka maipagmamalaki kong ugali na may roon ako ay ang aking pagiging maka Diyos. Ang pag nalig sa panginoon ay hudyat na ano mang problema ang darating sa buhay mo ay iyong malalampasan dahil may roon kang pananalig sa kaniya. Hindi mo kailangan mangamba dahil alam mong hindi ka papabayaan ng Diyos sa kahit ano pang oras at pagkakataon, 'yon lang po at maraming salamat"
Nanginginig ang kamay kong binalik ang mic sa Emcee. Nagpalakpakan ang lahat dahilan para maka-gain pa ako ng confidence.
Nang matapos ang Question and Answer. Habang nag bobotohan sa mananalo ay nakaupo kaming lahat ng candidates sa backstage.
"Eryl?" tanong ng isang pamilyar na boses.
Nakita ko ang lalakeng umapak ng gown ko. Tumabi siya sa akin.
"O-oo."
"I'm Ruzzel," aniya at nilahad ang kamay niya.
Sino ba naman ako para tanggihan siya.
"Joeryl," sambit ko at kinamayan siya.