MEET ME

2401 Words
Ilang sandali nang tahimik si Kuya Mark habang nakatingin sa akin. Wala naman talaga akong balak na ilihim sa kanya ang mga nangyari sa pagitan namin ng Boss Larwin nila. Sinabi ko sa kanya ang buong detalye ng mga pangyayari at ngayon ay tahimik siya habang nakatingin sa akin. Siguro ay hindi rin siya makapag isip kung ano ang gagawin lalo na at nagbanta pa ang hambog na Larwin na ‘yon na ang Boss Jared nila ang guguluhin dahil inakala nito na nagsisinungaling ang mga tauhan! Kung hindi ba naman mahina ang utak ng lalaking ‘yon! Wala ba siyang commonsense? Sinabi ko na sa kanya na ayaw kong magtrabaho sa kanya pero parang sira ang ulo at hinahanap pa rin ako! Hindi ko na kasalanan na hindi siya makaintindi ng isang salita! Sabagay ay mukha kasing sanay na sanay na nakukuha ang kahit na anong gusto kaya lumaking gago! “Anong balak mong gawin ngayon, Mau?” Sa wakas ay nagsalita na si Kuya Mark matapos ang mahaba habang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagkibit balikat ako at diretsong sinagot ang tanong niya. Wala naman talaga akong balak na patulan ang lalaking ‘yon. Isa pa, kung ikinasama man ng loob niya ang ginawa kong pagbalibag sa kanya sa simento ay kasalanan niya naman ‘yon dahil siya ang naunang sumugod sa akin! “Wala akong balak na harapin siya, kuya. Kung nasaktan man siya dahil sa nangyari ay kasalanan naman niya. Self-defense lang ang ginawa ko dahil siya ang unang sumugod kaya kailangan kong depensahan ang sarili ko,” mariing paliwanag ko. Kahit mamuti ang mga mata niya ay hinding hindi niya ako mahahanap! Bumuntonghininga si Kuya Mark pero tumango naman matapos marinig ang paliwanag ko. “Sige. Hayaan na lang muna natin si Boss Larwin. Magsasawa rin ‘yon sa pangungulit dito.” Tumayo na si Kuya Mark matapos niya akong kausapin at nagsabi sa akin na hindi na siya dito kakain ng umagahan kaya bumaba na lang ako doon para kumain. Nagtanong rin siya kung may lakad ako ngayong araw. “Meron, kuya. Balak kong mag-apply ng trabaho ngayon,” sagot ko. Ayaw kong tumambay dito ng matagal kaya habang maaga ay dapat na makahanap na ako ng trabaho. “Kaya mo na bang mag biyahe na mag-isa?” tanong niya pa na agad kong tinawanan at tinanguan. Pumayag naman si Kuya Mark na ako na lang mag-isa ang humanap ng trabaho pero nang paalis na siya ay saka ko naalala ang tungkol sa sinabi ng Larwin na ‘yon. “Paano nga pala kapag nagtanong sa’yo ang Boss mo, kuya?” Hindi ko na napigilang usisa. Sa totoo lang ay sa kanya ako nahihiya. Dahil sa ginawa kong pagpatol sa Larwin na ‘yon ay pati ang Boss niya ay madadamay pa. Magiging bayaw pa naman ng Boss ni Kuya Mark ang hambog na Larwin na ‘yon. “‘Wag mo na lang intindihin ang tungkol doon, Mau. Magsasabi naman ako ng totoo kay Bossing. Tsaka alam naman niya na narito ka sa corporate house. Sasabihin ko na lang kung ano ang totoong nangyari. Bahala na si Bossing na magdesisyon kung paano niya sasabihin kay Boss Larwin ang tungkol sa’yo,” paliwanag niya. Hindi ko tuloy naiwasan na kabahan. Iniisip ko na baka balikan talaga ako ng Larwin na ‘yon at saka baka mas lalo pang mainis kung malalaman niya na babae ako! “Hay! Bwisit kang lalaki ka! Ang dami ko nang iniisip ay dumadagdag ka pa!” Inis na bulalas ko habang naliligo. “‘Wag mo na kasing isipin ‘yon! Hindi ka naman mahal no’n!” Nagbiro pa ang nasa kabilang cubicle na kasabay kong naliligo kaya pansamantala ko tuloy na nakalimutan ang inis ko sa mayabang na Larwin na ‘yon. Buong maghapon akong naghanap ng trabaho pero dahil hindi ko naman kabisado ang mga lugar dito sa Maynila ay nahirapan akong puntahan ang mga kumpanya na nahanap ko online. Mukhang tama nga si Kuya Mark na mahihirapan ako kung hindi ko siya kasama dahil kabisado na niya ang mga lugar dito. Pagod na pagod tuloy ako nang nakabalik sa corporate house. Nagtanong si Kuya Mark kung kamusta ang naging lakad ko kaya nahiya naman ako sa kanya na hindi magsabi ng totoo. “‘Wag ka na munang mag-apply bukas, Mau. Hintayin mo na lang ang rest day ko para sasamahan kita sa paghahanap ng trabaho.” Hindi na ako nakatanggi dahil mukhang nag-alala pa siya sa akin dahil halos buong maghapon akong wala doon. At dahil hindi nga ako umaalis sa corporate house dahil hinihintay ko pa ang rest day ni Kuya Mark ay tumulong na lang ako sa mga gawain sa bahay. Tumutulong ako sa pagluluto at doon ay nagsimula akong mapalapit sa mga katrabaho ni Kuya Mark. “Ang sarap palang magluto ni Mau! ‘Wag kang mag-aasawa kaagad. Baka sumama ang lasa ng luto mo!” Halos araw-araw na akong nakikipag biruan sa kanila kaya mas naging komportable ako sa pagtira sa corporate house. “Nasa labas si Boss Larwin!” Pababa pa lang ako para kumain ng hapunan ay narinig ko na naman ang pagkakagulo ng mga bodyguards sa ibaba. At dahil na naman sa mayabang na Larwin na ‘yon! “Punta nang punta dito! Hindi ba talaga titigil ang mayabang na ‘yan hangga’t hindi tuluyang nasasaktan?” Gigil na bulong ko habang nakasilip sa gawi ng mahabang table kung saan madalas kaming kumakain ng sabay-sabay. Nakita kong pinaupo nila ang lalaking ‘yon at niyaya pang kumain! Natatawang tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa gawi nila. “Asa naman kayo na sasabay sa inyong kumain ‘yang hambog na ‘yan!” Hindi ko mapigilang bulalas. “Ano bang ulam n’yo dito? Magpapabili ako–” “‘Wag na, Boss! May ulam na kami. Nakaluto na…” mabilis na sambit ng kasama ko parati na nagluluto ng mga pagkain dito sa bahay. Nakita kong tumango ang Boss nila at saka nakisabay nga sa kanila sa pagkain! Hindi ako makapaniwala habang nakikita ko siyang maganang magana sa pagkain habang kasabay ang mga bodyguards! “Ayoko ng gulay. Ito lang sa akin…” narinig ko pang sambit niya nang alukin ng niluto kong gulay! Napangiwi ako. Sarap na sarap siya sa niluto kong sinampalukang manok at mukhang sobrang dami pang nakain! Naiiling na bumalik ako sa itaas para maghintay na umalis siya bago ako bumaba para kumain. Gano’n ang naging paulit-ulit na nangyari sa buong linggo na pananatili ko dito sa corporate house ng mga Mijares. Pero sa tuwing darating ang Boss Larwin nila ay umiiwas talaga ako na magpakita sa kanya kahit na hindi naman niya ako paniguradong namukhaan dahil sa suot kong hoodie at mask noong araw ng engkwentro naming dalawa. Dumating ang rest day ni Kuya Mark at sinamahan nga niya akong mag-apply ng trabaho. Pero pinasubukan niya muna sa akin ang mag-apply sa mga opisina dahil secretarial naman ang natapos ko. Hindi nga lang gano’n kaganda ang naging resulta ng application dahil priority pa rin nila ang mga nakatapos ng apat na taon sa kolehiyo. Sa mga sumunod na araw ay ako na lang ulit mag-isa ang nag-apply ng trabaho. Pagdating ko sa corporate house ay mukhang nagkakagulo na naman ang mga bodyguards kaya bumuntonghininga ako at agad na naisip na baka dumating na naman ang Larwin na ‘yon at may kung ano na namang ginawa dito! “Anong nangyari d’yan, Kuya Mark?” Hindi ko na napigilang usisa nang nakalapit sa gawi niya. Pagod na pagod pa naman ako dahil sa paglalakad ng malayo pagkatapos ay ganito pa ang madadatnan ko dito. Nagkakagulo sila sa ibaba kaya hindi tuloy ako nakaakyat agad sa itaas para magbihis. Nang tingnan ko ang pinagkakaguluhan nila ay nakita kong may dalawang bodyguards ang dumudugo ang ilong at mukhang galing sa pakikipag away. Hindi naman sila mukhang na agrabyado sa mga itsura nila dahil naalala ko ang sinabi ni Kuya Mark na binabayaran naman sila ng Larwin na ‘yon kapag nakikipag suntukan sa kanila! Kahit kailan ay hindi ko talaga maiintindihan ang trip sa buhay ng lalaking ‘yon. Gustong-gusto ko nang makahanap ng trabaho para mawala na siya sa sistema ko. Habang tumatagal ako dito sa corporate house ay mas lalo lang lumalala ang gigil ko sa kanya. Baka sa susunod ay hindi na ako makapagpigil at mapuruhan na siya sa akin! Bumuntonghininga si Kuya Mark nang mapatingin sa akin. “Hindi pa rin tumitigil si Boss Larwin sa kakapunta dito para hanapin yung taong hinahanap niya,” sambit niya habang nakatingin sa akin ng makahulugan. Nag-usap na kami noong nakaraan at inamin ko sa kanya ang naging engkwentro namin ng mayabang na Larwin na ‘yon sa labas ng corporate house. Sinabi ko na rin sa kanya na wala akong balak na magpakita sa Boss nila at harapin ito. Hindi rin naman daw naniwala ang Larwin na ‘yon nang sinabi ni Kuya Mark na may babae silang kasama dito. Siguradong hindi nito matatanggap ang katotohanan na isang babae lang ang bumalibag dito! Huminga ako ng malalim. Sa nakita kong ginawa na naman nito ay biglang uminit ang ulo ko. Parang gusto ko na siyang harapin at ituloy ang ginawa kong pakikipaglaban sa kanya. At sa pagkakataong ito ay babalian ko na talaga siya ng buto dahil isang linggo na niyang pinapainit ang ulo ko dahil sa kakabalik niya dito para lang makipag suntukan sa mga empleyado! Hanggang sa matutulog na ako ay hindi pa rin maalis ang gigil ko sa Larwin na ‘yon. Kinabukasan tuloy nang maaga akong nagising ay lumabas ulit ako para mag-jogging. Alam kong narito pa rin siya sa corporate house at mukhang hindi umuwi kagabi dahil nag-aabang pa rin sa taong hinahanap nito. Mukhang kahit si Kuya Mark ay hindi na alam ang gagawin sa pesteng lalaking ‘yon kaya ngayon ay haharapin ko na siya at tuturuan ng leksyon na hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Katulad noong umagang nakita ko siya ay nakasuot ulit ako ng hoodie na may built-in mask. Sinadya kong maglakad na lang palabas sa gate para maramdaman niya ang presensya ko. Ilang sandali lang ay nakarinig na nga ako ng mga yabag sa likuran ko. Kahit hindi ako lumingon sa likuran ay alam kong siya iyon. Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako at tuluyang hinarap siya. Kitang-kita ko kaagad ang pagluwang ng ngisi niya nang makita ako. “You finally showed up today huh? Kailangan lang pala na dalawa ang suntukin ko bago ka magpakita ulit sa akin…” Halatang-halata sa tono niya ang pang-aasar sa akin kaya agad na naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko dahil sa kanya. Alam naman niya na ayaw ko ang ginagawa niyang pakikipag suntukan sa mga empleyado pero mukhang sinadya talaga niyang gawin para lang galitin ako. Masyadong papansin ang gago! Humanda ka sa akin! Papaduguin ko rin ang ilong mo kahit gaano pa ‘yan katangos! “Ano bang kailangan mo sa akin? Hindi ka ba marunong umintindi ng tagalog? Ayaw… kong… magtrabaho… sa’yo…” Mariin na mariin ang bawat salitang binitawan ko. Kapag hindi niya pa nakuha ang gusto kong sabihin ay pupukpukin ko na lang ang ulo niya dahil wala rin namang kwenta! Pero sa halip na intindihin ang sinabi ko ay tumawa lang siya ng nakakaloko. Nakasuot rin siya ng kulay itim na hoodie at inalis niya ang hood kaya nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. Kumikinang ang suot niyang hikaw sa kaliwang tenga at nakangisi habang nakatingin sa akin. “Magtatrabaho ka sa akin kung ayaw mong bugbugin ko lahat ng bodyguards dito,” lakas loob na pananakot niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Kailangan ko pang huminga ng malalim para lang makontrol ko ang emosyon ko. Inis na inis na ako sa kanya at malapit na malapit ko na siyang tadyakan sa mukha. “Bubugbugin na muna kita bago mo pa magawang mambugbog ng iba,” mariing sambit ko. Sa halip na masindak ay tumawa lang siya sa akin. “This is why I want you to work with me. You are exactly what I am looking for. Kaya magtrabaho ka na sa akin. Babayaran kita kahit magkano,” tuloy-tuloy na sambit niya. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko. Humakbang ako palapit sa kanya at hindi na nagdalawang isip na suntukin siya. Hindi ko naman gaanong nilakasan pero nakita kong inabot ng suntok ko ang dulo ng ilong niya kaya nakita kong dumugo iyon. “Wala akong pakialam sa pera mo. Hindi ako magtatrabaho sa’yo kaya tigilan mo na ang kakapunta dito para hanapin ako,” mariing babala ko at nagsimula nang humakbang palayo sa kanya pero nagsalita siya at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya sa akin. “Kung gano’n ay mawawalan ng trabaho ang lahat ng nakatira sa bahay na ‘to…” sambit niya. Mariin at mukhang seryoso ang boses niya kaya iritadong hinarap ko ulit siya. “Anong sinabi mong gago ka?” iritadong singhal ko. Ngumisi lang siya sa akin bago nagsalita ulit. “Hindi mo ba ako narinig?” maangas na tanong niya. Kumuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa kanya. “I can ask my brother-in-law to fire all his men just because you don’t want to work with me.” “Hindi mo kayang gawin ‘yon,” mariing sambit ko. Tumaas ang kilay niya at mayabang na sinalubong ang tingin ko. “I can definitely do that,” mariin at mukhang siguradong sigurado na sambit niya. “At alam kong alam mo rin na kaya ko,” sambit niya pa at saka muling ngumisi ng nakakaloko sa akin. Sa sobrang gigil ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sugurin siya ulit. Nakipagsuntukan siya sa akin pero hindi niya ako halos tinamaan dahil kayang-kaya kong ilagan ang mga galaw niya. Muling inihagis ko siya pero sa bermuda grass siya bumagsak kaya nagawa niya pang tumawa at mas lalo pa akong inisin! “Meet me at the annex tonight. At kapag hindi ka dumating… All the men here will have to face my wrath…” natatawang banta niya at saka tumayo at saka naglakad papasok sa loob! “Putang… ahhh!” Gigil na bulalas ko na sa sobrang gigil ko sa kanya ay hindi halos natuloy ang gagawin ko sanang pagmumura!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD