LALABAN

2286 Words

“Anong gagawin mo kapag nagkataon na mainit ang ulo ng Boss mo pagkatapos ay nasigawan ka niya?” Agad akong napaayos ng upo matapos marinig ang tanong ng babaeng kasalukuyang nag-iinterview sa akin. Marinig ko pa lang ang salitang ‘Boss’ ay nag-iinit na ang ulo ko kaya sa halip na mag-isip pa ng isasagot ay sumagot kaagad ako na hindi ko na nagawang pag-isipan. “Itatanong ko po muna kung anong problema niya–” “Paano kung sabihin niyang ikaw ang problema niya? Anong gagawin mo, Miss Corpuz?” mabilis ang follow up question ng babae kaya mabilis rin akong sumagot. “Kakausapin ko po siya ng maayos–” “Ayaw niyang makipag-usap sa’yo,” mabilis na sambit ng babae. Nagsimulang uminit ang ulo ko lalo na at naalala ko ang mga ginagawa ng Larwin na ‘yon sa mga empleyado sa corporate house. “Uso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD