BLEEDING

1844 Words

Ilang sandali pang tumitig sa akin si Larwin bago tuluyang nakapag react sa paghahamon ko. Habang sinasalubong ko ang tingin niya ay mas lalo lang akong nanggigigil na talunin siya. Sa itsura niya ay mukhang wala talaga siyang balak na magpapigil sa kahit na sino. Halatang walang kinatatakutan! Kaya kahit si Boss Jared mismo ay hindi siya kayang patigilin. Pwes… Humanda ka sa akin ngayon. Ako ang puputol sa sungay mong demonyito ka! Umayos siya ng tayo at pinanood ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Ilang sandali lang ay tumawa siya ng nakakaloko at saka humakbang palapit sa akin. Alam kong malapit na akong magmukhang basang sisiw sa harapan niya dahil sa kamalasan ko ngayong araw na ‘to pero hindi ibig sabihin ay kayang-kaya na niya akong talunin! “Anong sabi mo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD