HER

1461 Words

“So, Larwin Ross is still crazy over that bìtch huh?” Kinabukasan nang pumasok ako sa trabaho ay sinabi ko kay Ma’am Lady ang nalaman ko tungkol sa kuya niya. Kanina pa kasi siya hindi tumitigil sa pagtatanong tungkol doon kaya napilitan na akong sabihin ang sinabi ni Larwin. Wala pa naman ako sa mood ngayon dahil sobrang sumasakit ang puson ko dahil sa biglaang pagdating na naman ng period ko. Kaya nang magtanong si Ma’am Lady ay agad kong sinabi na nababaliw pa rin ang kuya niya kay Maple Reynolds. Syempre ay nainis na naman siya at nag-iisip pa ng paraan kung paanong mailalayo ang kuya niya sa babaeng kinaiinisan niya. “Wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong ireto sa kuya mo, Ma’am Lady? Baka sakaling kapag nakakilala ng iba ang kuya mo ay mawala ang atensyon niya sa Maple na ‘yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD