KUYA

1568 Words

DarkWin is inviting you to a private chat room… Ilang beses pa akong napatitig sa screen ng phone ko nang may nag-appear na notification galing sa application ng Enigmas. Wala akong pasok ngayon dahil nasa bahay ng mga Mijares si Ma’am Lady dahil ipinakilala siya kahapon ni Boss Jared sa parents nito. Ilang sandali pa akong nag-isip habang nakatitig sa phone ko. Kung noon na hindi ko pa kilala si DarkWin ay walang pag-aalinlangan kong ina-accept ang mga invitations niya, ngayon ay parang nag-aalangan ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagsakay sa taxi at kung paano niyang nalaman kung saan ako nagtatrabaho. Ipinilig ko ang ulo ko at nagpasyang ‘wag na siyang pansinin. Pinindot ko ang decline pagkatapos ay kumilos na para maglaba ng mga damit at maglinis ng apartment.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD