ROSSWIN REALTY

2200 Words

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Architect Yura Romualdez ay hindi ko akalain na ako pa ang pipiliin niya na associate para makasama niya sa paggawa ng report sa tuwing pupunta siya dito sa Mijares Trine. Hindi tuloy ako mapakali sa tuwing narito siya dahil palagi niya akong niyaya na samahan siyang kumain o kaya naman ay minsan ipinagpapaalam niya pa ako sa head ng department namin para lang isama sa site visit. Kapag magkasama kami ay wala siyang ginawa kung hindi ang magtanong tungkol kay Kuya Mark. Ayos lang naman sa akin iyon pero may mga pagkakataon din na nagsasabi siya sa akin ng kung anu-anong alam niya tungkol kay Larwin Ross. At hindi nakakatulong ang mga impormasyon na sinasabi niya sa ginagawa kong pag-iwas na isipin siya! “Alam mo ba kung anong size ang paa ni Mark?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD