MAGPAPAKASAL

2080 Words

Ilang sandali pa akong napatitig sa tseke na hawak ni Kuya Mark bago tuluyang nakapagreact. Nasisiraan na talaga ng ulo ang lalaking ‘yon para bigyan ako ng blank cheque! “Anong–” “Ang sabi niya sa akin ay ikaw na ang bahalang maglagay kung magkano ang halaga ng naging serbisyo mo sa kanya,” pagpapatuloy ni Kuya Mark at muling inabot sa akin ang tseke. Umiling ulit ako at hindi makapaniwalang napatingin sa tseke na hawak pa rin niya. “Sira talaga ang ulo ng lalaking ‘yon. Paano kung ilagay ko d’yan ay isang milyon? Hindi ba siya nag-iisip?!” Gigil na bulalas ko. “Wala namang pakialam si Boss Larwin sa pera, Mau. Baka inaalala niya ang nangyari kahapon sa’yo. Balita ko ay dinala ka niya sa ospital dahil napuruhan ka sa naging pag atake sa kanya kahapon?” Tumawa ako nang marinig ang si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD