CHAPTER 2

1491 Words
DAPAT ay may jetlag si Carli at mahimbing na natutulog sa hotel room niya. Ngunit hayun siya at inabutan na ng umaga na nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. Bumalik siya sa Pilipinas kasama ang banda niyang Wildflowers para sa paghahanda sa kanilang fifth album. Binigyan sila ng ilang araw ng manager nila upang gawin ang mga gusto nilang gawin. Ngunit habang sabik ang mga kabanda niya sa pagbabalik nila, siya naman ay biglang nakaramdam ng kahungkagan. Dahil hindi gaya ng mga ito, wala siyang pupuntahan. Pareho sila ng kabanda niyang si Stephanie na wala nang pamilya, pero mas positibo ang disposisyon nito kaysa sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Siguro ay dapat din siyang magpunta sa isang resort o kung saan mang lugar gaya ni Stephanie. Kahit sa totoo lang ay ayaw niyang magpunta sa kahit saan na mapag-iisa siya. Ang pagtulog na nga lang sa gabi at mapag-isa sandali ay torture na sa kanya. Ang ilang araw pa kaya sa kung saan? Malakas ang pakiramdam niyang hindi niya iyon kakayanin. Kukutkutin lang siya ng mga alaala na ayaw na niyang balikan dahil hanggang ngayon may kurot pa rin iyon sa puso niya. Pumikit siya saka umiling. Don’t, Carli. Put away that emotions while you are singing. Not now. Not when you’re still onstage. Pinilit ni Carli na matulog ngunit masakit na ang mga mata niya sa pagpikit ay hindi pa rin talaga siya dinalaw ng antok. Frustrated na napaungol siya saka bumangon. Nang tingnan niya ang wristwatch niya na nakapatong sa bedside table ay nakita niyang mag-aalas-singko na ng umaga. Hindi na naman siya nakatulog. Maybe she should take a hot shower. Baka sakaling makatulog na siya. Siguro iyon na lang ang gagawin niya maghapon dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. Bumangon siya at hinubad ang kanyang roba. Naglalakad na siya papunta sa banyo nang tumunog ang telepono sa bedside table niya. nagtatakang sinagot niya ang tawag. “Yes?” “Mrs. Abrera?” Muntik na niyang mabitawan ang awditibo sa labis na pagkabigla at panlalamig. Ilang segundong nablangko ang isip niya. Napaupo siya sa gilid ng kama at huminga nang malalim. “I beg your pardon?” “Mrs. Carli Alcalde Abrera. Am I right?” “Who’s this, please?” “I’m sorry. This might come as a shock for you, as early as it is. Baka may jetlag ka pa rin dahil alam kong kahapon ka lang dumating sa Pilipinas kasama ang mga kabanda mo. But we thought this was the only time we could reach you. I am Attorney Fernandez. I am calling on behalf of Attorney Cade Abrera, your husband.” Ngayon ay talagang pakiramdam niya anumang oras ay guguho na ang pader ng kontrol niya sa mga emosyon niya. Lumunok si Cade at pumikit dahil bigla siyang naliyo. Parang may bumara din sa lalamunan niya at hindi niya magawang magsalita. Lalo na nang may sumungaw na imahen ng isang lalaki sa isip niya. The face of the most handsome man she had ever met, someone who was even better-looking than all the Hollywood actors and models she had met through the years. Ang mukha ng lalaking naging buong mundo niya noong teenager pa siya, ang lalaking pakiramdam niya noon ay sapat na para maging masaya siya. Ang lalaking minahal niya nang buong-buo, but ended up betraying all the trust, love, and faith she had in him by throwing her away. “There’s something we need to talk about, Mrs. Abrera,” pagpapatuloy ng kausap niya sa telepono. God, has it been more than a decade since anybody called her like that? Mahigit isang dekada na nga ba mula nang talikuran niya ang pagiging weak at doormat niya para maging independent at maging mas malakas na babae? Ngunit bakit ganoon pa rin ang epekto niyon sa kanya? Humigpit ang pagkakahawak ni Carli sa awditibo at kinalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan. Tama nang naging mahina siya noon. Hindi na ngayon na natupad na niya ang mga pangarap niya at nasa kanya na ang lahat ng yaman na wala siya noon. “what is it that we need to talk about?” kalmado na tanong niya. “Well, Attorney Abrera believes it’s about time we talked about your annulment.” She tasted something bitter in her mouth. Naningkit ang mga mata niya at pinalis ang kurot sa dibdib niya. Sa totoo lang, noon pa niya hinihintay na gawin ni Cade iyon. Araw-araw niyang hinihintay noon ang pagdating nito upang papirmahin siya ng annulment papers. Ngunit ni minsan ay hindi ito nagpakita sa kanya. Gaya ng sinabi nito noong araw na umalis siya sa poder nito, hindi siya nito hinabol. “And he doesn’t even have the guts to talk about it personally?” sarkastikong tanong niya. Tumikhim ang abogado sa kabilang linya. “He’s very busy.” “I am also very busy,” sagot niya. Bumuntong-hininga ang abogado. “Look, Mrs. Abrera—” “And stop calling me that,” sikmat niya rito. Muli ay tumikhim ito. “Okay then, Carli. My client wants to discuss this annulment with you as soon as possible. I already drafted a petition na ipapadala namin sa korte. But Attorney Abrera wants you to read it first before we send it to court.” Pumikit si Carli nang mariin at kinagat ang ibabang labi. Kahit ayaw niya ay parang mahapding hiwa sa dibdib niya ang pag-uusap na iyon. She knew this was long overdue. At ano pa ba ang maaari niyang gawin kundi ang sumang-ayon? “Fine. You can send the papers to me using this hotel’s address,” sagot niya. “I’m afraid we cannot do that.” “Bakit?” “Because this is a very sensitive time for Attorney Abrera. I am sure hindi mo alam pero tatakbo siyang mayor ng San Jose sa darating na eleksiyon at ayaw naming magkaroon ng dahilan ang mga kalaban niya para sirain ang pangalan niya sa masa. Iniiwasan lang naming makalabas ang balita na nakikipag-annul siya sa `yo.” “Matagal pa ang eleksiyon.” “Still, we want to avoid unnecessary news about him.” Ngumiti siya nang mapait. “What you mean is that you don’t want everyone else to know that he’s married.” Kahit kasi noong magkasama pa sila ay ikinakahiya na nito na malaman ng mga kakilala nito na mag-asawa sila. Ngayon pa kaya na dekada na ang lumipas mula nang huli silang magkita? “Well, yes, that’s also the reason. At dahil wala kaming tiwalang ipadala ang papeles, we would like to invite you to come to the Abrera residence dito sa San Jose para mapirmahan mo ang mga papeles. You are free to bring your attorney with you as long as you can swear he is discreet.” “Inaasahan n’yo ba na may kakilala akong abogado dito? Kadarating ko lang ng Pilipinas. Hindi ako makakahanap agad ng abogado.” Bumuntong-hininga ito na para bang napu-frustrate na ito sa pag-uusap nila. “Then you can go here first. We want to do this as soon as possible, Carli. We need to submit the petition at the very least. Siguro naman ay makakahanap ka ng abogado habang nasa korte ang petisyon namin.” Hindi siya nakasagot. “Please don’t make this difficult for the two of you. Alam kong may sarili ka na ring buhay. At mayroon din siya. It’s time for both of you to put the past behind,” dugtong ng abogado sa mas mababang tinig. Na para bang nauunawaan nito na kahit pilit niyang kinakalimutan ang lahat, sa tagong bahagi ng puso niya ay alam niyang nakatali pa rin siya kay Cade. At baka nga tama ito. Marahil iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya nagagawang makawala sa mga alaala. Baka kapag pinutol nila ang manipis na sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa, mas maging masaya at kontento na siya sa buhay niya. Baka sa wakas magawa na niyang tumingin sa ibang lalaki. Baka sa wakas, magawa na niyang magmahal muli. Bumuntong-hininga si Carli. “Okay. I’ll be there later.” “Great. We will be expecting you. And I hope you will be discreet about coming here.” Muli ay ngumiti siya nang mapait. “Of course. I will not let anybody know who I am. This might affect my own career, you know,” malamig na usal niya. Tumikhim ang abogado at muling nagpaalam bago naputol ang tawag. Nanghihinang naibaba niya ang awditibo. Hindi siya kumilos hanggang sa mawala ang tila pamamanhid ng sistema niya at mangaligkig siya nang labis. It was only then that she realized she was naked. Mabilis siyang tumayo. At bago pa siya mag-break down ay nagtungo siya sa banyo upang mag-shower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD