Chapter 46 - Ang pagkapoot ni Clarissa kay Brody

1523 Words

"Gusto mo bang pumunta sa burol ni Jem?" tanong ni Trinity kay Doti nang bumalik na sila sa sasakyan nito. "Ikaw. Nasa sa iyo, kung ayos lang sa iyo," tugon ni Doti habang sinusuot na ang seatbelt niya. "Go, ako." Imbis na umuwi ay tumuloy na nga sila sa bahay nila Jem. Paghinto ng sasakyan nila sa tapat ng bahay nila Jem ay nakita nilang wala pang masyadong tao kaya hindi na sila nahiyang pumasok sa loob. Nagulat agad si Jam nang makita niya sina Trinity at Doti na pumasok sa loob ng bahay nila. Agad niya itong nilapitan at saka niyakap si Trinity. "Condolence, Jam," sabi ni Trinity sa kanya. "Hindi ko inaakalang pupunta ka. Tumataas ang balahibo ko ngayon," sabi ni Jam na mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Naging kaibigan ko rin naman si Jem, kaya hindi pwedeng hindi a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD