Sa loob-loob ni Tiffany ay natatawa siya. Hindi niya inaakalang napatawad na nga ni Trinity si Doti sa kabila nang kasalanan na ginawa nito sa kanya. Ganoon pa man ay naiingit siya dahil mukhang napakasaya ngayon nito, kasama ang mga bago nitong kaibigan. Habang siya ay nag-iisa at ngayon ay tila sinukluban ng langit at lupa. Wala na ngang bahay, walang pera, walang pamilya at wala rin sa tabi niya ang mga kaibigan niya. Ramdam na ramdam niya ang paglagapak niya sa lupa. Habang nag-iisa sa isang gilid at umiinom ng palamig na nabili niya ng limang-piso ay nagulat na lang siya nang tila may biglang pinagkaguluhan ang mga kapwa niya estudyante habang pare-pareho silang naghihintay na makapasok sa loob ng resort. Ang pinagtataka pa niya ay lahat ito ay paulit-ulit na nakatingin sa kanya at t