Isa-isa nang pinapasok sa loob ng resort sina Trinity. Habang namimili sila ng room ay hindi mawala sa isip niya ang ginawa niya kay Tiffany. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na magagawa niya iyon sa kanya. Naghahalong saya at kunsensya ang nararamdaman niya. "Ano't tulala ka riyan?" tanong ni Doti nang makita niyang nakatunganga lang sa labas ng kuwarto nila si Trinity. Si Jenny at Doti ay nailapag na ang bag at nakapamili na ng kama, siya na lang ang nakatingin sa kawalan habang bitbit-bitbit pa rin ang bag niya. "Ako kasi ang dahilan kung bakit dumugo ang noo ni Tiffany," pag-aamin niya sa dalawa. "OMG! Totoo ba?" nanlalaking matang tanong ni Doti. "Anong ginawa mo?" tanong din ni Jenny na nanlalaki ang mata habang nakahiga sa kama niya. Bago magsalita ay nilapag na rin n