Katatapos lang ng klase ko at dumiretso na ako rito sa gym. Naghanap ako ng pwede kong puwestuhan. Umakyat ako sa bandang taas para magkaroon ng privacy at 'di makaistorbo sa ibang tumatambay sa gym. Isang oras pa bago ang training namin kaya sasamantalahin ko munang praktisin itong mga kantang tutugtugin namin. Induction program kasi ng SCU two days from now at tutugtog kami. Mini concert kumbaga para raw ma-impress ang Board of Trustees sa amin at i-full scholarship kami ng buong banda. Full scholar na kami ni Carl dahil sa basketball team pero dapat din naming idamay ang mga kagrupo namin. Hopefully kapag na-impress sila ay makukuhanan din namin ng full scholarship sina Zaido.
Umupo na ako nang maiayos ko ang mga music sheets sa harap ko. Isinuot ko ang headset ko at hinanap ang kantang unang papraktisin ko. Seriously, Carl? As Long As It Matters ng Gin Blossom?
May pagkakakaiba kasi ang banda namin. Lahat ng pambabaeng kanta ay kay Carl at panlalaki naman ang sa akin. Bahala na kaming maglapat ng sarili naming style sa kanta. Boyce Avenue lang ang peg ng Brutos na ‘yun. Ipinatong ko ang gitara sa kandungan ko. Pinatugtog ko ang nasa cp ko at tinipa ang gitara. At ilang saglit pa ay wala na akong pakialam sa paligid. Nakulong na ako sa musikang tinutugtog ko.
How can I find something
Pagkatapos nito ay tatlong sunod pa ang kinanta ko. May isa pang natitira.
Haay. Pahinga muna ako dahil nananakit na ang mga daliri ko. Tinanggal ko ang headset sa tenga ko at tinitigan ang mga daliri ko. Bakat na bakat sa mga ito ang strings ng gitara. Namumuo na nga ang dugo pero binalewala ko lang ang mga marka. Napabuntong-hininga ako. The scholarship for my friends are all worth this pain. Gagaling ang mga daliri ko after some time pero ‘yung mga scholarship ng mga kaibigan ko ay mae-enjoy nila ng one sem.
“Masakit ang mga ‘yan, ah? Makakalaro ka pa ba mamaya?”
Gulilat akong napatingin sa katabi ko. Napanganga ako nang makitang si Jacob ‘yung nagsalita at nakatingin din siya sa mga daliri ko.
“Ahm, oo-oo na-man. Ma-magiging okay din sila... uhm... mamaya,” kinakabahan ako sa pagsasalita.
“Clang-clang, right?” Napangiwi ako sa kanya.
“Just call me Gwen.” Sheym! Alam niya ‘yung mabantot kong palayaw.
Sinulyapan niya ako kaya napatitig ako sa kanya nang matagal at ‘di ko na nasundan ang mga pinagsasabi niya. Para akong nananaginip nang gising. Pigilan n'yo ako, please!!! Gusto kong tumili!
“Ano? Pwede ba?” tanong niya.
“Ha?!” takang tanong ko pabalik. May sinabi ba siya?
“Sabi ko, pwede bang mahiram ‘yung gitara kasi gusto kong tignan kung marunong pa ako."
Mabuti na lang at nakatingin siya sa gitarang nasa kandungan ko dahil napahiya ako sa kagagahan ko. Sa katatanga ko sa kanya, hindi ko talaga narinig ‘yung ibang sinabi niya.
“Oh, sige.”
Iniabot ko ‘yun sa kanya. Super sobrang suwerte ko, Mother Superior! Feeling ko tutugtog siya para sa akin. Eehh!
“Ano bang meron dyan?”
Tumingin siya sa mga music sheet sa harapan ko at itinapat ‘yun sa kanya. Nang mag-umpisa na siyang tumugtog ay tuluyan na akong nasiraan ng bait.
So you sailed away…
Anak ng pusa naman. Nagkagutay-gutay na ang panty ko sa pagkanta niya. Pwede na akong mamatay! Gusto ko na ngang umiyak dahil sa mga sandali na ito. Biruin mo ba namang naggigitara at kumakanta ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng SCU sa harap ko? Ang galing niya at ang ganda ng boses niya. Talong-talo si Carl sa totoo lang. At kung in love ako sa kanya noon, mas lalong in love na in love na in love na in love na ako sa kanya ngayon. Pwede na ba kitang iuwi, Mr. Jacob Tan?
Pagkatapos niyang tumugtog ay isinauli niya sa akin ang gitara. Hindi siya umiimik but I can see the satisfaction on his face. Tumayo na siya at inayos ko naman ang mga gamit ko. I was expecting him to go down the court dahil naroon na ang mga ka-team niya at ka-team ko. Tumayo na rin ako nang maipasok ko na ang gitara at music sheets sa lalagyan. Bubuhatin ko na sana ito pero naunahan niya ang kamay ko sa pagkuha. Nalilitong napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
“Let me.”
Binuhat niya ito at nauna nang maglakad pababa ng mga bleachers papunta sa court.
Langya. Patayin sa kilig si Clang-clang