Chapter 5

1497 Words
Ipinasa ko kay Astrid ang bola at saka ako tumakbo ako sa kabilang direksyon. May game kami ngayon para raw ma-determine na ang magiging first five. Magka-team kami ni Astrid, siya bilang power forward at ako bilang shooting guard. Puro baguhan na ‘yung ibang ka-team namin. Kalaban namin ‘yung mga beteranong players ng girls’ basketball team aside syempre kay Astrid. Mahigpit ang laban, lamang sila ng isang puntos lang. Aminado akong magagaling talaga sila at sa grupo namin, kami lang ni Astrid ang nakakapuntos kaya kami ang talagang binabantayan ng mga kalaban. Sa kasalukuyan nga ay dalawa ang bantay-sarado sa akin. Sa totoo lang, masakit na ang katawan ko dahil kanina pa nila ako sinisiko at binabalya. Ayoko namang magreklamo dahil alam kong parte ito ng laro. Tumakbo ako papunta sa three-point arc. Sampung segundo na lang at tapos na ang game. Kailangan kong maka-shoot ng three points para makalamang o kaya ay pumantay ang puntos namin. Habang papunta ako roon ay nakadikit sa akin ang mga bantay ko. Isa sa kanila ang sobrang dumikit at malakas akong itinulak bago ko pa marating ang pupuntahan ko. Hindi ko nakontrol ang pagtakbo ko kaya padapa akong sumubsob. Tumama ang kanang balikat ko sa may paa ng isang bleacher. s**t! Namilipit ako sa impact ng pagtama ko at ‘di ako agad nakatayo dahil sa sakit. Bakal pa naman ‘yung tumama sa balikat ko. Pumito ang referee at saglit na natigil ang laban. Agad na tumakbo sa direksyon ko sina Astrid. May mga lumapit din na lalaking players at tinulungan akong makaupo. Nasulyapan ko si Jacob na nakatayo mula sa table ng mga boys at nakatingin sa akin. s**t. Nakakahiya. “Sorry,” nakangising demonyo ‘yung tumulak sa akin nang dumaan ito sa harap kop. Gusto ko siyang sabunutan pero nanahimik na lang ako. Alam kong sinadya niya ‘yun at puntirya talaga nila ang kanang kamay ko para ‘di na ako maka-shoot. Mapait akong napangiti. Napakarumi nilang maglaro. “Ano? Kaya pa?” nag-aalalang tanong sa akin ni Astrid. Sinubukan kong igalaw ang kamay at ang balikat ko. Naigagalaw ko naman pero masakit talaga 'yung tumama sa akin. Lalo akong nainis sa kabilang team. Napakadugas nila. “Oo,” sagot ko kay Astrid. Determinado akong tapusin ang laro. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan papunta kung saan ako magpi-free throw ng dalawa dahil sa pagkaka-foul sa akin. Nakita ko ang mapanghamong tingin ni Lara. Alam niyang alanganin na akong maka-shoot dahil sa nangyari sa balikat ko. Iginala ko ang tingin ko habang iniikot ko ang kanang balikat ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakaabang sa susunod na mangyayari. Ipinasa sa akin ang bola. Sumakit ang balikat ko nang masapo ko iyong bola. Napailing ako habang idinidribol ko ang bola. Mukhang nakalimutan ni Lara na dalawa ang kamay ko. Itinaas ko ang bola gamit ang kaliwa kong kamay. Inilagay ko ang puwersa ko rito at ishinoot iyon sa ring. Nagpaikot-ikot muna ang bola bago ito pumasok sa ring. Malakas na sigawan ang pumuno sa gym. Talon naman nang talon si Astrid mula sa puwesto niya habang sumisigaw ng ‘Yes!’. Nilingon ko si Lara at pinaghalo-halong gulat, galit at takot ang nasa mukha niya habang nakatitig sa bolang tumalbog malapit sa kanya. Muling ipinasa sa akin ng referee ang bola. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mukha ng mga players. Napangisi ako. Kung pwede nga lang humalakhak ay ginawa ko na pero masakit pa rin ang balikat ko kaya ‘di na lang ako magpapagod. Drinibol ko ulit ito at ishinoot. This time, mas tantiyado na ng kaliwang kamay ko ang bola. Ibinato ko ito at na-shoot sa ring. Untouched ang net. Nagtatalon hindi lamang ang mga ka-team ko kundi maging ang mga men’s team. Panalo kami. “Grabe ka, Antonio! Ikaw na. Ikaw na ikaw na! Ikaw na ang shooting guard mula ngayon!” Humahalakhak na tinapik ni coach ang balikat ko. Napangiwi ako sa sakit. “Ay, sorry,” paumanhin niya kaya nagtawanan na lang kami. Napasulyap ako kay Jacob. Nakangiti siya sa habang nakatingin sa akin. At dahil doon... Nalaglag ang puso ko. I just saw his very first smile. .... Seven thirty na nang makalabas ako sa gym. Bitbit ko sa kaliwang balikat ko ang gitara at bag ko. Kailangan kong ipahinga ang balikat kong nabugbog sa pagtama ko sa bleacher kanina. Maghapon pa naman kaming mag-eensayo ng banda bukas para sa mini concert. Napadaan ako sa may soccer field ng university. May kadiliman sa dinadaanan ko dahil pundido ang ilang street lights kaya medyo binilisan ko ang paglalakad ko. Takot pa naman ako sa mumu kaya napatalon ako sa gulat nang marinig kong may tumawag ng apelyido ko sa bandang likuran ko. Napalingon ako sa direksiyong pinanggalingan ng boses. Kitang-kita ko si Lara na nagmamadaling lumapit sa akin. May mga kasama siyang mga tomboy na barkada niya. Tatalilis na sana ako ngunit masyado silang mabibilis. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko. Napa-aray ako nang higpitan nila ang kapit sa kamay kong may tama. “Lara, ano 'to? Pakawalan n'yo ako!” Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak nila. Lumapit sa akin si Lara at sinabunutan patalikod ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. “Baguhan ka pa lang, ang yabang mo na. Akala mo kung sino kang makapagyabang kanina, ah?” Lalo niyang diniinan ang buhok ko. “Naglalaro lang ako!” s**t, ansakit ng anit ko. Walang-hiyang tomboy ‘to. “Naglalaro o nagyayabang?” Lalo niyang hinigpitan ang pagkakasabunot niya sa akin na ikinangiwi ko. “Alam mo, kaya kayo natalo dahil andudugas n'yo! Andumi n'yong maglaro!” bulyaw ko sa kanya. “Ah... marumi pala, ha? Sige, patitikimin ka namin ng marumi! Ihiga n'yo ‘yan!” utos niya sa mga kasama niya. Pinagtulungan nila akong ihiniga sa semento habang nagsisisipa ako at nagsisisigaw. “Argh! Tulong!” paulit-ulit kong sigaw. May humawak na rin sa mga paa ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. “Alam mo, matagal na rin akong naseseksihan sa’yo, eh. ‘Yung position ng shooting guard? Sa’yo na ‘yun basta matikman kita, solve na.” Humalaklak siya na parang nasisiraan ng ulo. Lumuhod siya sa akin at kinalas ang pagkakasara ng pantalon ko. Nagimbal ako sa binabalak niya kaya lalo kong nagsisisigaw. s**t! Mare-r**e pa ata ako ng kapwa ko babae. “Ahh! Walanghiya ka! Tulong!” Pinilit ko siyang sipain ngunit masyadong malakas ang kapit ng mga kasamahan niya sa akin. “’Yan ang gusto ko sa babae. Sumisigaw...sa sarap!” Nagtawanan sila dahil napahiyaw ako nang hawakan niya ang p********e ko. s**t! Diring-diri ako sa ginagawa niya. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Hinawakan niya na ang garter ng panty ko at akma iyong ibaba nang matabunan ang konting liwanag na umiilaw sa amin. Napatingala silang lahat. “Bitawan n'yo siya.” Tumingala rin ako at nakita kong si Apollo ‘yung nagsalita. May mga kasama siyang kalalakihan at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong isa si Jacob sa kanila. Galit na galit ang tingin niya kina Lara. Nagmamadali akong binitawan nina Lara. Lumayo sila sa akin at akmang tatakbo palayo nang sumenyas si Apollo at ilang kasamahan niya ang pumigil sa pagtakas ng grupo ng tomboy. Nilapitan naman ako ni Jacob at tinulungang makaupo. “Fix your self,” utos niya sa akin bago niya ako talikuran. Napaiyak ako habang itinataas ko ang pants ko na naibaba nila. s**t! Ansama ni Lara. Nang matantiya niyang tapos na ako ay inalalayan niya akong tumayo. Pinilit kong patigilin ang paghikbi ko. Tama na ‘yung kahihiyang dinanas ko kanina. Dinala niya ako sa mga kasamahan niya. “You’ll pay for this,” sabi niya kina Lara nang daanan namin sila. “Tj, pahiram ng susi ng bodega.” Inilahad ni Apollo ang kamay niya sa isang kasama. “Maglalaro kayo? Hmm. Mukhang masaya ito kaya sasama ako,” sagot ng tinawag na TJ. “Barkada ko,” pakilala ni Jacob sa mga kaibigan nang tumigil kami sa harapan nila. “’Ikaw na ba ang bahala sa kaibigan mo, Jacob?” tanong ng isang lalaking lumapit sa amin. “Oo, Harry. Ihahatid ko na siya pagkatapos ko siyang maipa-check up sa clinic,” sagot naman ni Jacob sa kanya. “Okay, ‘kaw na ang bahala, dude. Vince, may dala ka bang gamot?” baling nito sa isa pang guwapong lalaki. “Ako pa?” Tatawa-tawa ito habang inilalabas sa bulsa ang isang bote ng gamot. Ano kaya ‘yung gamot na iyon? “May mamamatay na naman mamaya!” pakantang sabi ni Harry. Narinig ko ang iyakan nina Lara nang marinig nila ang sinabi niya. “Mamamatay sa hirap.... At sa sarap!”  Naghalakhakan ang mga lalaki at nag-high five sa isa’t isa. Shete! Anong gagawin nila kina Lara? Magtatanong pa sana ako pero hinila na ako ni Jacob patungong clinic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD