Nagbitaw ang pagtitinginan naming dalawa nang magtalunan ang mga tao sa gym. Na-shoot ko kasi ‘yung bola.
“Clang-clang, ang galing mo!” hiyaw ni Zaido.
“Gwen! Woohoo! Kaibigan ko ‘yan!” nagsisisigaw rin sina Meah, Emily at Divine kaya napalingon ako sa kanila.
Nasa may entrance sila ng gym at kumakaway sa akin. Napatingin ako kay Carl na naka-basketball uniform na rin. Member kasi siya ng men’s basketball team at magpapa-try-out din sila kaya dapat ay naririto ang lahat ng players nila. Lumapit sa akin ‘yung dalawang players kanina at pumunta kami sa nagkukumpulang members ng girls’ team. Nakangiti akong sinalubong ni Coach Ric. Siya kasi ang coach ng men’s at girls’ teams.
“I’m impressed! Malilinis ang mga bola mo. Saan mo natutunan ‘yung shooting skills mo?” tanong niya sa akin.
“Ahh, sa bahay ampunan po.” Nakita kong nagkatinginan ang ibang members ng team aside sa team captain na kaibigan ni Carl.
“Oh, okay. Sabihin mo kay Astrid ‘yung size mo para mapagawan ka na ng uniform. Ast, pahiram mo muna sa kanya ‘yung extra sa locker para may pansamantalang magamit siya.“ Itinuro nito si team captain na tumatango naman sa akin.
“Welcome to the team!” huling sabi niya.
“Thanks, Coach.” Kinamayan niya ako na tila ako ang magpapanalo sa team namin sa mga basketball tournaments.
Kinamayan din ako ng ibang members ng team. ‘Yung iba nama’y tinanguan lang ako habang nakataas ang mga kilay. Mukha silang threatened. Ahehe.
“Galing ah!” nilingon ko ang nagsalita. Isang member siya ng men’s basketball team. Nasa likuran niya ang mga kasama niya na nakangiti rin sa akin. Grabe ang tatangkad, mamacho at guguwapo nila. Requirement ba ng team nila na dapat bukod sa macho at tangkad ay kailangan ding guwapo ang kunin nilang players? Wala akong itulak-kabigin sa mga itsura nila. No wonder, maraming adik sa basketball na mga kababaihan dito sa school. Grabe nakapanlalaway kasi ang mga players. Hehe.
“Give your charms to someone else, DeBlanch. Off limits ‘yan!” Mataray na itinulak palayo ni Astrid ‘yung lalaki. Hinablot niya ako at inilayo sa grupo. Pumunta kami sa may locker room ng girls.
“Oh, eto pagtiyagaan mo muna.” Inabutan niya ako ng mga spare uniform. Dalawang pares iyon.
“Salamat po!” humble kong sabi.
“Iwas-iwasan mo ‘yung men’s basketball team ha, lalo na ‘yung Apollo DeBlanch na ‘yun. Playboy ‘yun. Makipag-usap ka lang kung talagang kinakailangan at during practice games. Karaniwan kasing sila ang nagti-train at kinakalaro namin para mas mahasa kami sa defense at offense pati na rin sa shooting.” Nakatingin siya sa akin habang sinusukat ko ‘yung mga binigay niya. Doon na ko sa harap niya nagbihis tutal pareho naman kaming babae.
“Uhh, medyo maikli ata itong shorts.” Ipinakita ko sa kanya ‘yung isinuot kong shorts.
“Wow! Ang sexy mo naman. Okay na ‘yan. Wala na kasing pang-size mo. ‘Di bale, baka next week ay meron na ‘yung mga uniform mo. ‘Wag mo nang tanggalin ‘yan. Mamaya ay may practice game tayo tutal kokonti lang naman ang magta-try-out para sa men’s team.”
Nakarinig kami ng mga hiyawan sa may gym pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Oh, ayan start na sila. Tara, nuod tayo. Balita ko ay magta-try-out si Jacob Tan, eh. Sabagay kahit ‘di ‘yun mag-try out, pasok na ‘yun. Formality na lang ‘yung try-out. Suwerte natin this year. Nakapasok ka na, magiging dalawa pa ‘yung members ng 5 Kings sa team natin. Kung papasok din sana ‘yung tatlo pa nilang kaibigan, wala ng makakatalo sa men’s team natin,” kuwento niya habang palabas na kami sa locker room.
“Ahm, pwede ko bang itanong kung ano ang magiging position ko?” nahihiya kong tanong.
“Well, sabi ni Coach kanina ay ikaw na raw ang magiging sub ng shooting guard ng team.” Whoa! Pero bakit sub?
“Sub?” magkadikit ang mga kilay na tinignan ko siya.
“Yup. ‘Yung shooting guard kasi natin ay madalas wala. Nambababae. Porke magaling, eh.” Huh?! Nambababae?!
“She’s a lesbian. Ingat ka ro’n at baka i-bully ka lalo kapag nalaman na ikaw ‘yung pwedeng maging kapalit niya,” bulong niya sa akin habang nakatingin sa mga ka-team namin.
Nakarating na kasi kami sa gym. Nakita ko ‘yung tinutukoy niya. Mas matangkad ito sa akin ng dalawang pulgada. Gupit lalaki pa. Kung ‘di lang sa tambok sa dibdib niya, aakalain ng kahit na sino na lalaki nga siya. Ansama niyang tumingin. Para niya na akong hinuhubaran. Mukhang alam na nga niyang ako ang posibleng kapalit niya kapag napaalis siya sa team.
“Mukhang kursunada ka pa ata,” muling bulong ni Astrid. Kitang-kita kasing nakatitig ito sa legs ko. Nyii! Pinandigan ako ng balahibo. Katakot naman.
‘Di ko na lang siya inintindi at nakiupo sa bleacher katabi ng kinauupuan ng mga bagong recruit ng team. Pumunta na kasi si Astrid para makipag-usap sa ibang team mates namin. Tumingin ako sa court. Waah! Suwerte ko naman! Si Jacob ang nagta-try-out. Gaya ng sa akin kanina ay may dalawang players din na pumipigil sa kanyang mag-shoot. Naibukas ko ang bibig ko nang gawin niya ang eksaktong ginawa ko kanina para maka-shoot ng bola. Naghiyawan ang mga babae.
Damn! Ibig bang sabihin niyan ay napanuod niya ang try-out ko kanina? Hmn. ‘Di naman siguro. Nagpi-feeling lang siguro ako. Pumunta na siya sa puwesto para mag-three points. At shet na malagket. Kung ano ang ginawa ko kanina bago i-shoot ang bola ay ganon din ang ginawa niya. Nalaglag ang panga ko.
“He’s good, huh?” Napalingon ko sa gilid ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si Apollo ang nakita ko at ngiting-ngiti siya sa akin.
“Ah, oo!” pabigla kong sabi na ikinatawa niya. Muli kong nilingon si Jacob. Nanigas ako mula sa kinauupuan ko nang makita siyang naglalakad papunta sa amin ng kaibigan niya. Sinalubong siya ni Apollo ng high five.
“Welcome to the team, dude,” bati nito sa kaibigan.
“Thanks,” maikli niyang sabi at umupo siya sa space katabi ko. Para tuloy akong matatae na ewan kasi biglang nanakit ang tyan ko sa pagtabi niya sa akin. Damshet!
“Congrats,” walang kabuhay-buhay niyang sabi sa akin nang iwan na kami ni Apollo. O-M-G!!! Kinakausap niya ako! Alam kong ako dahil ako lang naman ang katabi niya. Alangan namang kino-congrats niya ‘yung sarili niya, ‘di ba?
“Ah, uh salamat. Congrats din.” Tango lang ang isinagot niya at ni hindi man lang niya ako nilingon. Patuloy siyang nanunuod sa next na nagta-try-out. Waah! Kinikilig ako as in.
Tang-ina this feeling!