St. Claire University
Baguio City
Pilit kong dinededma ang mga pamatay na tingin ng mga kaibigan ko sa akin. Alam kong kanina pa nanghahaba ang leeg ko sa pagsulyap-sulyap sa pintuan ng canteen na kinaroonan namin ngayon pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kahit magka-stiff neck pa ako. Ang mahalaga sa akin ay makita ko ang lalaking laman ng aking panaginip gabi-gabi. Pakiramdam ko kasi ay nanghihina ako tuwing hindi ko siya nakikita. Am I in love? Hell, yeah! Definitely I am.
“Maawa naman sana ‘yung isa dyan. Aba, nananakit na ang tiyan ko sa kaiinom ng kape eh ni anino ng taong hinihintay niya ay ‘di ko pa rin makita.” Nanghahaba ang nguso ni Divine pagkatapos akong simangutan.
“Kaya nga, girl. Araw-araw na lang bang ganito ang eksena ng mga beauty natin? Aba, naman inuugat na ang pang-upo ko rito, 'noh?!” sugsog pa ni Meah.
Haay, mga kontrabida talaga kung minsan itong mga kaibigan ko.
“Hayaan n’yo na lang si Gwen. Malay natin kailangan niya lang ng inspiration para sa audition natin mamaya sa battle of the bands.”
Ayan, nagsalita na rin ang lagi kong kakampi na si Emily.
“Pero girl, halos isang oras na tayo rito. Fifteen minutes na lang, magsasara na ang audition time, I also think we have to go na. We can’t afford to miss it.” Si Divine naman ang nagsalita.
Alam kong tama sila. Pero ewan ko ba kumbakit ‘di ako matahimik hangga’t ‘di ko siya nakikita.
“Girls, please ten minutes pa. No, make it five. Please, please, PLEASE!” pakiusap ko sa kanila. Sabay-sabay silang napabuntong-hininga.
“Ikaw, GUINEVERE RUTH ANTONIO, kapag ‘di tayo nakahabol sa audition dahil sa kabaliwan mo sa Jacob na ‘yan sinasabi ko sa’yo, talagang kakalbuhin kita!” nanggalaiting bulong sa akin ni Meah.
“Sis, wala ka bang tiwala sa galing ko? Boses ko pa lang, matutulala na sila. What more kapag narinig pa nila kayong tumugtog? I’m telling you, pasok tayo sa audition na ‘yan,” ngiti ko sa kanila.
“Gwen, sa boses mo tiwalang-tiwala ako. Pero dyan sa kagagahan mo, dyan ako walang katiwa-tiwala.”
Alam kong gigil na si Divine pero pilit ko na lang binabalewala ang munting kurot ng katotohanan sa sinasabi niya. Ewan ko ba. Mula nang masilayan ko si Jacob last June dito sa St. Claire ay isa na ako sa mga kababaihan ng SCU na naadik sa kanya. Sabi nga ni Edward sa Twilight, he became my personal brand of heroine. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa pintuan ng canteen bago mabigat ang loob na tumayo. Napabuntong-hininga ako nang malakas. Tama sila, kailangan na naming umalis.
“Finally!” sabay-sabay nilang sabi nang makita ang pagtayo ko.
Nakangiti rinng tumayo ang mga lukaret at nauna nang naglakad palabas ng canteen. Mag-aaudition nga kasi ang grupo namin para sumali sa SCU Battle of the Band. Dumiretso na kami sa Music Room ng university. Sinalubong kami ni Carl na siyang lead guitarist namin at ni Zaidoken na siya naming drummer. Sa vocals at rhythms ako, organ si Divine, Bass si Meah at violin si Emily.
Malaki ang Gym. Punong-puno ito ng mga manunuod ng auditon. May isang mahabang mesa din sa harap para sa judges ng mga papasa sa battle of the band. Last band na ‘yung tumutugtog bago kami kaya tumalim ang mga mata ng mga kaibigan ko sa akin. Nag-peace sign naman ako sa kanila. Sheym. Nakakakaba. Walang lingon-likod kaming dumiretso sa backstage.
“This is it, guys,” nakangiting sabi ni Meah sa amin pero nakasimangot siya sa akin dahil ayokong magpalit ng damit.
Naka-dress kasi sila habang nakasimpleng jacket lang ako. Nakapanloob ako ng jersey na pam-basketball. Nakasuot na sa ilalim ng mahabang palda ko ang jersey short. Hindi naman pagandahan ng outfit ang labanan so why bother. Isa pa, auditon pa lang kaya ito, hello? Saka na ako magdi-dress to kill kapag contest na. Pagkatapos kasi nitong audition ay kailangan kong tumakbo sa kabilang gym para sa first love ko which is basketball. Sasali ako sa basketball girls team ng SCU at kukulangin ako ng time sa pagbibihis. Kumba’t kasi nagkasabay pa ang dalawa.
“Teka, konting kulay muna sa singer natin.”
Pumikit na lang ako at hinayaan siyang lagyan ako ng eyeshadow at lipstick. Nang matapos siya sa akin ay bumaling kami sa grupo at naghawakan kami ng mga kamay. Rinig na namin mula sa harap ang pagtawag sa amin.
Kinuha ko ang gitara at isinukbit sa balikat ko. Kinakabahan ako lalo at hindi ko nakita ‘yung pampalakas ng loob kong si Jacob. Haay, malas. Sana hindi maapektuhan ng pagka-badtrip ko ang performance ko mamaya.
“Clang-clang, relax lang,” nakangiting sabi sa akin ni Carl.
“Kung ayaw mong tawagin kitang Brutos, tawagin mo akong Gwen!” naiinis kong sagot sa kanya.
College na nga kami kumba’t hilig pa rin niyang tawagin ako sa palayaw kong gamit namin doon sa bahay ampunan na kinalakhan namin. Nagtaas siya ng dalawang kamay at humagikgik. Magkakasunod na kaming pumasok sa stage at pumuwesto sa mga dapat naming kalagyan. Inaayos namin ang mga instrumento namin nang tawagin ang pansin namin ng isa sa mga judges.
“What’s your band's name?”
Tumingin ako sa harap kung saan sila nakapuwesto para sana sagutin ‘yung nagtanong ngunit nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang taong kanina ko pa hinahanap. OMG! Isa si Jacob sa mga hurado!
“Miss?” pangungulit ng babaeng katabi niya.
“Clang!” siko sa akin ni Carl na katabi ko.
Rinig ang boses niya sa mic kaya may ibang nagtawanan. Napasimangot ako kay Carl.
“Uy, may napatulala na naman kay Jacob oh,” pangangantiyaw ng babae.
Nag-boo tuloy ‘yung iba sa audience. I cleared my throat.
“Ahm, MAB po. Music and Beats,” mahinahon kong sabi.
Ayokong sumimangot sa kanya dahil katabi niya si Jacob.
“Okay kung tapos ka nang maglaway sa katabi ko, pwede na siguro kayong mag-umpisa.”
Nagtawanan ang audience dahil sa sinabi ng babae. Langya, kailangan ba talagang i-broadcast pa ‘yun? Tinanguan ko na lang siya. Nilingon ko si Carl at tinanguan rin siya. Pumailanlang na ang umpisa ng kanta kaya napatahimik ang lahat. Naghanda na rin ako.
Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Napangiti ako sa pagkanta dahil sumasabay na sa pagkanta ko ang audience. Sumulyap ako sa mga hurado sa harapan namin. Nakangiti silang lahat maliban kay Jacob.
Kahit na lilipad ang isip ko’y torete sa’yo
Sumigabo ang palakpakan sa Gym nang matapos na ako. Napatingin ako sa mga kabanda ko. Abot hanggang tenga ang mga ngiti nila. Tumingin ako sa harap. Nagpupulong ang tatlong hurado samantalang patuloy pa rin si Jacob sa pagtitig sa amin. Kinabahan ako sa klase ng pagkakatingin niya. Para kasing hindi niya nagustuhan ‘yung narinig niya. Naputol lang ang pagtitig niya sa amin nang kinuha ng babaeng katabi niya ang atensyon niya. Parang may tinatanong ito. Nakita kong umiling si Jacob. Nalaglag ang mga balikat ko.
Shet.