Burbor Music Lounge
Sagada, Mt. Province
Nginitian ko si Carl bago ako bumaling sa mga matang naghihintay sa susunod na kilos ko.
“Ladies and gentlmen, this will be our last requested song for tonight.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay nginitian ko ang audience.
Punung-puno ang lounge as usual kapag kami ang tumutugtog. Tumingin ako sa munting papel na hawak ko at lihim na napangiti sa aking sarili for every time I hear this song, bumibilis ang t***k ng puso ko sa mga rason na hindi ko maipaliwanag. The handwriting on the paper was also awfully familiar. Hindi ko lang maalala kung kanino ko ito nakita.
Muli akong sumulyap kay Carl at tinanguan siya nang magkasalubong ang aming mga paningin. Inabot ko sa kanya ang papel na kinasusulatan ng kantang huli niyang tutugtugin para sa gabing ito. Inabot niya rin ang papel kay Zaidoken na magda-drums. Napailing na lang ako nang magpasakalye na siya sa kanyang gitara sapagkat nagsitayuan ang mga balahibo ko hindi dahil sa lamig ng Sagada kundi dahil sa damdaming lumukob sa akin. Umayos na rin ako sa puwesto ko sa harap ng stage at huminga nang malalim bago umpisahan ang pagkanta.
One day in your life you’ll remember a place…
Hindi ko maipaliwanag pero mas lalong nagsipagtayuan ang mga balahibo ko nang makulong ang tingin ko sa titig ng isang lalaki na nakaupo sa right side ng stage nang igala ko ang mga mata ko habang naglalaro ang instrumental ng kanta. Nagtaka ako kung bakit ganon siya tumingin. Naroon ang pananabik sa mga mata niya. Naguluhan ako dahil hindi ko naman siya kilala para tignan niya ako nang ganon kaya nginitian ko na lang siya. Pumikit siya nang mariin nang makita ang pagngiti ko. Hinilamos pa nga niya ang kanyang mukha. Pero nawala ang ngiti ko nang muli siyang mag-angat ng tingin. Bakit ganon? Para siyang galit sa akin ngayon. Napailing na lang ko. Another crazy, bipolar man. Sayang, sobrang guwapo pa naman ng lalaking ito na may sayad ang ulo. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya, ngumiti muli sa audience, at nagpatuloy sa pagkanta.
For the love we used to share…
Masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa audience nang matapos ko ang kanta. Nagsitayuan pa nga ang iba. Nakangiti akong bumaling kay Carl. He smiled back at me and went where I was standing. Tumayo na rin si Zaidoken at lumapit sa amin. Sabay-sabay kaming nag-bow sa audience at bumaba na sa stage pagkatapos.
Nasa dressing room na kaming tatlo at nagbibiruan nang pumasok ang manager ng music lounge.
“Gwen,” tawag niya sa akin. Napatingin kaming tatlo sa kanya.
“Boss,” ngiti ko naman sa kanya.
If I know, babatiin niya ulit kami. Lagi namang ganito ang eksena pagkatapos naming tumugtog. Paano ba naman, bilib na bilib sa amin itong si manager dahil simula raw noong kumanta kami rito a year ago ay talagang sumikat na itong music lounge. May mga pumipirata nga sa amin na sa Baguio na lang daw kami kumanta pero ayaw namin. ‘Di namin ipagpapalit ang katahimikan ng Sagada sa overpopulated na lungsod ng Baguio tutal pareho namang malamig sa dalawang lugar.
“May gustong tumable sa’yo.” Huwat? May gustong i-table ako? Nalaglag ang mga panga naming tatlo.
“Boss...” si Carl. Nasa boses niya ang pagtanggi.
“Ano?!” si Zaidoken. Nasa boses niya ang pagtataka.
“....” Ako.
Busy kasi ako sa paglipat-lipat ng aking mga mata sa dalawa kong kaibigan.
“Special request, eh. Hindi ko matanggihan. Tritriplehin daw ang tf n'yo ngayong gabi para lang makausap ka,” paliwanag ni Boss. Nasa boses niya ang pagsusumamo.
Natigilan ako hindi dahil sa sobrang pakikiusap niya kundi sa perang lalabas sa gustong mai-table ako. Two thousand ang tf ng bawat isa sa amin. Kung tritriplehin niya ay magiging anim na libo ang kita ng bawat isa amin ngayong gabi. Gagastos siya ng anim na libo para lang makausap ako? Hanep ako na! Napatingin ako sa natitigilang mukha ng mga kasama ko. Automatic na nag-compute ako sa utak ko habang tititg na titig sa kanila. Mabibili na ni Zaidoken ‘yung iPhone na pinag-iipunan niya. Mabibili na ni Carl ‘yung original na Nike shoes na gusto niya. Makakakain na ako sa Jollibee. Oo. Ganon ako kababaw. Sa tatlong beses sa isang linggo naming pagtugtog at two thousand per night ay hindi namin mapagbigyan ang mga kokonting luho namin sa katawan. Kahit gaano kasimple ang buhay namin dito sa Sagada, gumagastos pa rin kami. At ang isa pang talagang kinapupuntahan ng kinikita namin ay ang bahay-ampunan na kinalakihan namin ni Carl. Nangako kasi kami na hangga’t may kinikita kami ay tutulong kami. Kalahati nga ng kita namin sa isang buwan ang ibinibigay namin doon buwan-buwan.
“Triple sa bawat isa sa amin?” paniniguro ko sa manager.
“Gwen...” nagbabanta ang tingin ng dalawang kasama ko sa akin. Mga over protective! ‘Di ko sila pinansin.
“Oo!” nabuhayan ng loob si Manager dahil sa katanungan ko.
“No monkey business?” muli kong tanong
.“Kakausapin ka lang daw,” paniniguro ni Boss.
Huminga ako nang malalim. Pera na iyan, Gwen. Bulong ko sa aking sarili.
“Tara,” yaya ko kay Manager na nagpanganga naman sa dalawa.
At dahil nakikita ko na ang mga salapi sa aking isipan ay nauna pa akong lumabas kesa sa kanya. Nagmamadali naman siyang sumunod sa akin. Iginiya niya ako sa isang table kung saan nakaupo ‘yung guwapong bipolar kanina. Nilingon ko sina Carl at Zaido. Pumuwesto sila sa may bar ng music lounge at tahimik na nag-obserba.
“Hi!” ngiti ko sa lalaki.
Hindi niya ako sinagot kaya napasimangot ako. Ayan na naman ‘yung titig niyang parang nananabik na parang nagagalit. Uhh, creepy. Gusto kong umatras pero andito na ako eh. Kahit na ba maamo ang mukha niya kung killer siya. Malay ko ba, ‘di ba?
“Ahm, akala ko ba gusto mo akong makausap? ‘Di ba pwedeng yayain mo naman akong umupo? Nakakangawit kayang makipag-usap na nakatayo,” nilakasan ko ang loob ko sa pagtatanong. Natabunan na ng curiosity ang kaba ko.
“Sit,” maawtoridad niyang utos. I rolled my eyes. Haay, sungit.
Umupo na lang ako at iniwas ang tingin sa kanya. Sumenyas ako sa isang nagdaang waiter na ngumiti sa akin. ‘Di ko na kailangan sabihin pa kung anong gusto ko dahil alam naman nilang San Mig Light lang ang iniinom ko. Nang mailapag ‘yun sa harap ko ay agad akong uminom. Pakiramdam ko kasi ay matutuyuan ako ng laway dahil sa lalaking nasa harap ko. Akala ko ba gusto niya akong makausap? Bakit puro titig lang ang ginagawa niya sa akin?
“Where is it?” bigla niyang tanong sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
“Huh?!” takang sagot ko. Anong hinahanap niya?
“You took it away from me a year and a half ago. Now, I want it back,” seryosong sabi niya ulit. Ano ba pinagsasasabi nitong hinayupak na ito?
“Excuse me, wala akong kinukuha mula sa’yo, 'no!” Pwede ba?! Sira ata ang ulo nito eh. 'Ni 'di ko pa nga siya nakikita sa buong buhay ko. 'Ni 'di ko nga alam ang pangalan niya kaya paanong may kukunin ako sa kanya?
“You know what I am talking about, Guinevere Ruth Antonio.”
Ay, shet. Bakit alam niya ‘yung buong pangalan ko? Kidnapper ba siya? Holdaper? Stalker? Serial killer?
“Gago ka ba? Anong pinagsasabi mong tarantado ka? Ni ‘di nga kita kilala noh!” tanggi ko sa paratang niya.
Gosh, nawawala ang poise ko sa walangyang to.
“You stole it away from me and now you deny me?” Napailing-iling siya na lalo namang nagpainit sa ulo ko.
“Napakadaya mong maglaro, Gwen. Pagkatapos mo akong matalo, ninakawan mo pa ako,” mahinang sabi niya na hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ko.
“Hooy... excuse me lang ano, Mister. Hindi kita kilala kaya wala akong kukunin sa’yo. At isa pa, hindi ako magnanakaw. At anong laro ba iyang pinagsasabi mo? Patintero ba ‘yan? Tong its? Pusoy dos?” Nanggagalaiti na talaga ako sa inis sa walang modong pamamaratang niya sa akin. Letse lang, ha!
“It’s a game of love and you stole my heart. Now, I want it back. Baby, I want it back. Please... give me my heart back.” nagmamakaawa ang boses niyang pakiusap sa akin.
Napanganga ako sa kanya.