CHAPTER 6

1128 Words
Pareho na kaming naglalakad palabas ng clinic. Naka-sling ang braso ko para raw hindi masyadong magalaw para makapagpahinga. Talagang sinamahan ako ni Jacob at balak pa raw niya akong ihatid. Papunta na kami ngayon sa sasakyan niya. “Gutom ako.” Lumingon siya sa akin pagkatapos sabihin iyon. “Aah. Sige, ‘wag mo na akong ihatid. Magdi-jeep na lang ako,” nakayukong sabi ko sa kanya. Haay, dahil sa akin ay nalipasan pa siya ng gutom. Lumingon na rin ako sa kanya dahil nasa harap na kami ng sasakyan niya. Hanep, ang gara talaga ng kotse niya. “Kakain ako at sasama ka.” Binuksan niya ang pinto at pinasakay ako. “Ah ‘di naman ako nagugutom, eh.” Pagkasabi ko nu’n ay biglang nagreklamo ang tiyan ko. Diyahe naman. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. “Tss,” rinig kong palatak niya. Ikinabit niya ang seatbelt sa akin. Pagkasara niya ng pinto ay mabilis din siyang umikot at sumakay. “Don’t worry. Its my treat,” hindi lumilingong saad niya. “Um... okay.” Tumingin ako sa kanya. May hindi kasi maalis-alis na tanong sa isipan ko. “Ahh, Jacob. Ano ang gagawin ng mga kaibigan mo kina Lara?” Nakaka-curious naman kasi ‘yung sinabi ng kaibigan niyang papatayin nila sina Lara sa hirap at sarap. “May ginawa silang hindi maganda sa’yo kaya dapat lang na pagbayaran nila iyon,” hindi lumilingong sagot niya sa akin. “Bakit ‘di na lang natin sila i-report sa school bukas?” pangungulit ko sa kanya. “Kahit na gaano pa kasama ‘yung ginawa nila, ayoko namang mamatay sila ng dahil sa akin.” “Walang nagsabing literal na papatayin sila. Tss. They deserve what they will get from hurting you.” Magkasalubong ang mga kilay niya nang sabihin niya ‘yun. Okay, tatahimik na ako. Nag-dinner kami nang walang kibuan pagkatapos ay ihinatid niya na ako. Kinabukasan, excuse ako sa mga klase ko dahil sa banda pero bago ako pumasok sa Music Room ay dumiretso muna ako sa gym. Nakatanggap kasi ako ng text na kailangan naming mag-report kay Astrid para sa isang mahalagang announcement. Nang makarating ako sa gym ay sarado naman ito. May dalawang lalaki lang na nakatambay sa labas. Tatalikod na sana ako nang tawagin nila ako. “Gwen Antonio?”  Tumango ako sa kanila. Binuksan ng isa ‘yung pinto at pinapasok nila ako. Nang makapasok ako ay naroon na ang buong basketball teams ng mga lalaki at babae. Naroon din ‘yung mga kaibigan ni Jacob ngunit wala siya. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong nakatayo sa gitna sina Lara at ang barkada niya. Gusto ko silang sumbatan sa ginawa nila sa akin kagabi ngunit hindi ako makakilos mula sa kinatatayuan ko. Nagulat na lang ako dahil hinihila na pala ako ni Apollo. Inilagay niya ako sa harap nina Lara. “Gawin mo ang gusto mong gawin sa kanila. Kahit ano. Gumanti ka sa ginawa nila sa’yo kagabi. Suntukin mo sila. Sabunutan. ‘Wag kang matakot." Napatingin ako kay Apollo na nakatingin sa kanila. Muli ko silang hinarap. Kitang-kita ko nang sabay-sabay silang magyukuan. Suot pa rin nila ‘yung damit nila kagabi at nanlilimahid silang lahat. Magulo ang mga buhok nila na parang sinabunutan. Takot na takot ang mga itsura nila. Iniipit din nila ang mga hita nila. ‘Yung iba pa nga ay nanginginig ang mga tuhod. “Oh, wala ba kayong sasabihin?” tanong ni Apollo sa kanila. “Sorry, Gwen,” mahina ngunit sabay-sabay nilang sabi. “Anong nangyari? Anong ginawa n'yo sa kanila?” hindi lumilingong tanong ko kay Apollo. “Tinulungan namin sila para malaman nila kung gaano kasarap maging babae,” nakangising sagot niya sa tanong ko. “Oh, ‘di ba, girls? Masarap maging babae? Sagot!” “Opo! Opo!” nanginginig ang boses na sagot ni Lara. “Buti naman at alam n'yo ang isasagot n'yo. ‘Wag n'yong kalilimutan na nasa amin ‘yung mga videos, ha? Sige na. Alis na,” pagtataboy nito sa kanila. Paika-ika silang naglakad palabas ng gym. Nakakunot-noon namang sinundan ko sila ng tingin. “’Wag kang mag-alala. ‘Di na nila gagawin pa ‘yung ginawa nila sa’yo kagabi and I don’t think na may magkakalakas pa ng loob sa school na ito na saktan ka. At ‘yung Lara na ‘yun? Dinurog na ni Jacob ‘yung kamay nun sa paghawak dyan sa amph--!” Tinakpan ko na ang bibig niya bago pa niya masabi ‘yung parte ng katawan kong nahawakan ni Lara. Natatawang inalis niya naman ang kamay ko sa bibig niya. Nilingon ko si Astrid. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya pero nag-astang isini-zipper lang niya ang bibig niya. Ang gulo nila. Naalala ko ‘yung sinabi ni Apollo na dinurog ni Jacob ‘yung kamay ni Lara. So pinuntahan pala sila ni Jacob kagabi matapos niya akong ihatid sa dorm. Tumunog ang cp ko. Nag-text si Carl. Hinihintay na nila ako sa Music Room. Dali-dali akong lumabas pagkatapos kong magpaalam sa kanila. Patay ako kay Carl. Hindi niya alam ang nangyari sa akin sa game at kagabi. Umuwi kasi siya sa bahay-ampunan kaya hindi siya nakapanuod sa laro kagabi at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na hindi ako makakatugtog ng gitara dahil sa injury ko. Nang makarating ako sa Music Room ay naghihintay na siya sa akin sa labas. Madilim ang kanyang mukha at mukhang 'di ko na kailangang magpaliwanag pa. “Kailangan bang sa ibang tao ko pa malaman ang mga masasamang nangyari sa’yo kahapon, Clang-clang?” matigas na tanong niya. Napangiwi ako sa kanya. “Sorry. Ayoko lang na mag-alala ka,” nakayukong sabi ko. “Anong silbi ng cellphone ha, Clang? Kung 'di pa kay Apollo, wala akong kaalam-alam na may injury ka pala.” Aysus, umandar na naman ang pagka-kuya ni Brutos. “Sa loob na 'yan, pwede?” Ayokong masermunan dito sa hall way dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyanteng dumaraan. “Bakit 'di ka kasi nag-iingat? Alam mo namang mahalaga itong concert na ito. Nakasalalay ang scholarship ng mga kaibigan natin bukas,” pagpapatuloy niya na parang 'di ako narinig. Hindi na lang ako sumagot. “Pasalamat ka may papalit sa’yo para sa rhythms.” Tinalikuran niya na ako at nagpauna nang pumasok sa kuwarto. “Ha? Teka... sino?” habol ko sa kanya. “Brutos...” pangungulit ko dahil 'di niya ako sinasagot. Ngumuso siya sa may stage. Sinundan ko ang nguso niya. Nawalan ako ng hangin nang makita ko kung sino ang tinitignan niya. Oh, my betcha by golly wow... Jacob Tan, is that you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD