CHAPTER 7

740 Words
Titig na titig ako sa kanya habang papalapit ako sa kinaroroonan nila. Busy siya sa pag-strum ng gitara. Sheym! Mas masaya pa ito kesa sa scholarship ng banda. Isang unreachable star ng SCU ang kasama naming mape-perform! Para kaming tumama sa lotto! “Hangga't 'di raw gumagaling 'yang balikat mo, siya muna ang papalit sa’yo sa rhythms," hindi lumilingong sabi ni Carl. s**t! Sana mapermanente na ang pilay ng balikat ko.  Patuloy lang ang pagpapraktis niya kasama ng banda. Masyado siyang concentrated at 'di man lang niya napapansing nakanganga na ako sa harap niya. “Grabe, Gwen! Unbelibabol!” Impit na humagikgik si Meah sa tenga ko pagkatapos niyang bumaba nang matapos sila. 'Di ko siya pinagtuunan ng pansin. Naka-focus ako kay Jacob na papalapit sa amin. “Musta na ang balikat mo?” simpleng tanong niya sa akin. “Amm, okay na. Konti na lang ‘yung sakit,” nahihiyang sagot ko pero 'di ko tinatanggal ang tingin ko sa kanya. “Okay,” mahinang tugon niya. “Oh, andito na si Clang-clang. Praktis ulit.” Itinulak na ako ni Carl paakyat sa stage. Hindi ko na nasundan ang nangyayaring praktis namin maghapon. Ang alam ko lang ay masaya ako. Masayang-masaya. Kinabukasan ay sobrang kaba ko. Punung-puno ang hall ng SCU kung saan gaganapin ang induction program. Hindi rin kasi ako kumportable sa suot kong bestida. No choice, eh. “Hey,” tawag ni Jacob sa atensyon ko. “Hi,” bati ko pabalik sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang palad ko. Tinanggal ko na kasi ‘yung sling nito kahapon. “Mas malamig pa sa klima ng Baguio itong palad mo,” sabi niya sabay pisil nang magaan sa palad ko. Ayyayayyay. s**t. Kinikilig ako. Jacob naman, eh. Hihihihi. “Ahm.. Ah. Hehe.” Langya, 'di ako makabuo ng sasabihin kaya itinawa ko na lang. “Relax lang. Magaling ka,” pagpapalakas ng loob niya sa akin. Aw, ang sweet niya pala. Bago pa ako makasagot ay nagsilapitan na ang mga kasama namin. “Clang, I mean Gwen.” Nilingon ko siya.  ”.... ang ganda mo,” bulong niya nang lumapit siya sa akin. Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang ilang segundo. Sheeeet! “Um, thanks!" Gusto kong mamilipit sa kilig. “Ibigay natin ang best natin. Para sa scholarship natin ito,” bilin ni Carl sa aming lahat.  Nang tinawag na ang pangalan namin ay magkakasunod kaming lumabas para umakyat sa stage. Sheym, andaming tao. Nagtilian ang mga babae nang si Jacob na ang lumabas. Pumuwesto siya sa likuran ko habang nasa kabilang side naman si Carl. Nag-duet kami ni Carl sa kanta nina Usher at Alicia Keys na My Boo. Sinabayan ng katawan ko ang pagkanta ko. Feel na feel ko ang moment na ito. Ikaw ba naman ang i-inspire ni Jacob Tan. Nagsigawan ang lahat. May mga sumasayaw pa nga na mas nagpataas ng energy namin. May mga sumasabay din sa pagkanta namin. Nagtatalunan at nagsisigawan ang lahat nang matapos kami. “You ready for one more song?” sigaw ko sa mic. “Yeah!” sagot ng audience. May mga pumito pa nga. Nilingon ko si Jacob. Nakangiti siya sa akin. Mas lalo tuloy akong ginanahan. Inilipat ko ang tingin ko kay Carl. Nagtanguan kami. Nagpasakalye na sila sa gitara. “Sing and dance with us, guys,” sabi ko sa audience na sinagot nila ng hiyawan na may kasamang talon.. Mmmm... to the left, to the left Everything you own in the box to the left Umikot ako para tignan ang mga kasama ko. Bawat isa sa kanila ay enjoy na enjoy sa pagtugtog. This has been our best performance so far. It may be because their scholarship was at stake in this performance or simply because Jacob was performing with us. So go ahead and get gone Grabe, naging concert na talaga ang induction program. Nagyakapan kaming magkakabanda nang matapos akong kumanta. Lalo na nang sumenyas ng approve ‘yung chairman ng board. Pati si Jacob ay nakisali sa kasiyahan namin. Nagsisigawan pa ng ‘more’ ang audience pero kinalma na sila ng emcee. Isa-isa kaming ipinakilala. Wala akong kasing saya dahil sa buong durasyon ng pagpapakilala sa banda namin ay magka-holding hands kami ni Jacob. Ayaw kong bumitaw. Ganon din yata siya. Magka-krus ang mga daliri namin kaya damang-dama ko ang lambot ng malaki niyang palad.  This is the best day of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD