CHAPTER 8

1119 Words
Patuloy lang ang buhay freshman ko rito sa SCU. Nariyan ang banda, ang basketball team, at si Jacob. Sinong mag-aakala na ‘yung lalaking pinaglalawayan ko lang noon ay lagi ko nang nakakasama ng mahigit isang buwan na? Wala akong kasing saya araw-araw tuwing pagpasok ko dahil makulay ang buhay ko ngayon. Wala kaming ibang napag-uusapan ni Jacob kundi ang musika at basketball. Kontento na rin ako sa manaka-nakang paghawak niya sa kamay ko tuwing nagkakalapit kami. Ayos lang sa akin na hindi niya ako ipakilala sa mga kaibigan niya. Medyo okay naman kami ni Apollo. Tinatanguan at nginingitian naman nila ako tuwing nagkakasalubong kami na bihirang mangyari sa laki ng university. Isa pa, medyo malayo ang building ng mga kumukuha ng Business Ad sa amin na kumukuha ng Nursing. Nursing kasi ang napiling kurso ng mga nag-scholar sa akin.  Nasa gym ulit ako habang tumutugtog ng gitara nang may nagtakip sa mga mata ko. Sa amoy pa lang at lambot ng mga palad, alam ko nang si Jacob 'yun. “Carl?” pakikipaglaro ko sa kanya. “No.” “Matangkad ba ito?” “6 flat.” “Chinito ba ito?” “Half.” “Um...guwapo ba ito?” “Maybe.” “Nagsisimula sa titik J?” Haha, natatawa na ako sa kalokohan naming dalawa. Imbes na sagutin ako ay may naramdaman akong isinuot niya sa daliri kong nakahawak sa kamay niya na nakatakip sa mga mata ko. Napatingin ako rito nang bitawan niya na ako. Umupo naman siya sa tabi ko. “Happy 17th birthday!” bati niya sa akin. “Damn. Ang bata mo pa pala,” bulong niya na dinig ko naman. At pusa birthday ko pala? Haha. Sa sobrang abala ko ay nakalimutan ko na. “Salamat. Regalo mo ba sa akin ito?” I know I was stating the obvious pero gusto kong makasiguro. “Yeah. Friendship ring.” Ipinakita niya sa akin ‘yung sa kanya. “They can be just one ring kapag pinagdikit sila.” “Wow, ang galing naman! Salamat, ha? Ibig bang sabihin niyan best friends na tayo?” Ngiting-ngiti ako sa kanya. “You’re special,” tipid na sagot niya. “Uhm, Clang... I mean Gwen.” Natawa siya when I rolled my eyes.  “Can I invite you out?” Ay, pakshet. Nabingi yata ako sa sinabi niya. “Ha?! Pwedeng pakiulit?” “Pasyal tayo. Nakakasawa na itsura ng university,” pag-iimbita niya. “Sure! Ahh...hehe... I mean, sige,” bawi ko kasi super obvious na atat ako. Natawa tuloy siya sa akin. Namasyal kami sa Burnham Park at Grotto. Mines View ang isinunod namin. Hapon na noon pero may konting liwanag pa naman. Kaming dalawa na lang ang naroon. Pumunta kami gitna. Naglabas ako ng barya at pumikit. I silently made a wish. Nang dumilat ako ay nakangiting mukha ni Jacob ang nasalubong ng mga mata ko. He was breath taking lalo na at nililipad ng hangin ang buhok niya. “What did you wish for?” tanong niya habang hinahawi ang buhok kong nililipad din ng hangin at manaka-nakang tumatakip sa mukha ko. “Secret.” Ayoko ngang sabihin sa kanya na ang hiniling ko ay halikan niya ako ngayon. Hehe landi mode on. Umiling-iling siya nang nakangiti. Naglabas din siya ng barya at pumikit. Nang dumilat siya ay kinulit ko siya. “Anong hiniling mo?” kulit ko. “Secret,” iwas niya sa akin. “Sabihin mo na. Additional birthday gift mo na sa akin.” I gave him some puppy eyes. “Kung sasabihin ko ‘yung hiniling ko, kailangan kong gawin iyon.” Tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos sabihin iyon. Halah, nakakaintriga naman. “Sige na, sabihin mo na. Uyy, sasabihin niya na.” Ako kasi ‘yung tipong kapag naiintriga ay lalong nangungulit. “Okay, ang winish ko ay...”  Sinapo niya ang dalawang pisngi ko at hinagkan niya ako. s**t!!! Nanigas ako sa gulat. Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa akin. Gosh, napakalambot ng lips niya at napakabango ng hininga niya! Para siyang kendi. Oh, kay tamis nang una kong halik. Humihingal kaming nagbitaw pagkatapos ng kulang isang minuto. “From now on you are my baby. I’ll take care of you and I’m willing to wait until you are at the right age for you to be my official girl.” Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. “J-jacob.” “Babe. From now on you call me babe.” “Bb-babb-e.” Anyare sa dila ko?! Tinawanan niya tuloy ako. He then held my hand. “I’ll wait for you.” His  expression was full of promises while saying those words. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya na ako kailangang hintayin na mag-18 bago niya ako gawing gf niya ngunit ayokong sirain ang mga sandaling ito. “Ja---babe.” Lumunok muna ako. “I lo---”  Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil muli niya akong hinalikan. He used his tongue this time. “Let’s not say the words yet, baby. Baka hindi ko na mahintay na mag-18 ka,” pagbibiro niya sa akin. “Okay,” ngiti ko sa kanya. I’m just so happy. ... Wala nang mas sasaya pa sa bawat araw na nagdaan sa piling ni Jacob. True to his words, bini-baby niya ako tuwing kasama ko siya. Taga-bili ng pagkain at inumin, tagapunas ng pawis pati pagsusuklay ng buhok ko, siya ang gumagawa. Ako na nga ang nahihiya minsan lalo na kung may nakakakita sa amin. Nagdidribol ako ng bola nang lapitan ako ni Apollo. Wala si Jacob dahil bumili ng energy drink para sa amin. May game kami against the boys. “Gwen,” bati niya sa akin. Nilingon ko siya bago ishinoot ang bola. “Pol. Bakit?” Hinarap ko na siya nang makitang tumatalbog na ang bola palayo. “Nagtatampo na ang barkada. Lagi raw wala si Jacob sa mga gimik namin. Masyado mo na siyang inaalila.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Uy, te-teka! Hindi, ah. Eh, siya naman ‘yung ano eh... ‘yung ano...” Hindi ako magkandatuo sa pagpapaliwanag. Bigla naman akong pinagtawanan ng loko-loko. “Okay lang 'yun. Masaya nga kami kasi ngayon tao na ulit siya.” Tumango-tango siya. “Tao?!” OMG, alien si Jacob? “Hahahaha. Ang ibig kong sabihing tao na siya ay ngumingiti, natatakot, kinakabahan, nag-aalala, nag-aalaga, at nagmamahal.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Talaga?” Nginisihan ko siya. “And you can do more.” He smiled at me. “Ano 'yun?” “Don’t leave him. Ever.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD