Mabilis na lumipas ang mga araw at oras. Bukas na ang battle of the band pero mas excited din ako dahil 20th birthday ni Jacob. In-invite niya ako kahapon para mag-movie marathon sa condo niya. Mas gusto raw niya kasing kaming dalawa lang ang magkasama. Sa next day na lang daw siya magse-celebrate kasama ang 5 Kings. Wala na siyang mga magulang dahil maaga siyang naulila. Nasa China, States at Korea na ang karamihan ng mga kamag-anak niya ayon sa kanya. Palipat-lipat nga raw siya sa mga ito noong maliit siya. Kawawa nga siya, eh. a Korea siya nagtagal at doon niya nakilala si TJ. Nang mag-high school sila sa Boys High, naging kaibigan nila ang iba pang 5 Kings.
Balak ko siyang ipagluto ng spaghetti na paborito niya bilang regalo ko sa kanya.'Di na niya kailangan ng anumang materyal na bagay. Wala naman na siyang kailangan pa. May malaking kompanya siya sa China at Korea kaya bastante na ang future niya.
Naglalakad ako kasabay ni Carl papunta sa stage nang tumunog ang cp ko. Excited kong kinuha iyon dahil baka si Jacob ang tumatawag. May exam kasi siya kaya hindi siya makapapanuod ng praktis namin.
Nang makita kong number ni Sister Amabelle mula sa ampunan ang nasa screen ng phone ay napakapit ako kay Carl. Nagtataka niya akong nilingon. Si Sister. Senyas ko sa kanya bago ko sinagot ang tawag.
“Hello po, Sister Amabelle, kumusta po?” bati ko sa kanya. Nagmamasid lang si Carl sa tabi ko. Pinindot ko ang loud speaker sa cp para marinig din ni Carl ang mapag-uusapan namin ng madreng nag-alaga sa amin doon sa bahay ampunan.
“Hello, Clang-clang. Okay naman kami rito. Kayo ni Carl dyan, kumusta?” malambing na tanong niya.
“Ayos naman po. Napatawag po kayo, Sister?” Kinandatan ko si Carl.
“May good news ako sa’yo, Clang!” masigla ang boses na saunod na sinabi niya.
“Ano po 'yun?” 'Di ko maiwasang mahawa sa excitement niya.
“Clang, pupunta na sa Switzerland ‘yung sponsors mo at gusto nilang isama ka para roon mo na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.” Napanganga ako sa sinabi niya sa kabilang linya. Isasama? Aalis? Switzerland? Ako?!
“Pe-pe-pero...”
Aalis ako? Paano ang banda? Ang mga kaibigan ko? Ang basketball? Si Jacob?
Lumapit sa akin si Carl at inalalayan ako dahil para akong mawawalan ng malay sa mga naririnig ko.
“Oo. Clang, 'wag mo nang tatanggihan ito. Pagkakataon mo na itong makapagtapos at mas matulungan ang ampunan. Alam mong mahihirapan na tayong makahanap ng sponsor sa pag-aaral mo kapag tinaggihan mo ito,” matigas na sabi ni Sister. Naiiyak ako dahil alam kong wala na akong mapagpipilian kundi ang sundin ang sinabi ni Sister.
“Kailan po ang alis ko?” Kumapit ako kay Carl dahil kailangan ko ng lakas sa susunod na maririnig ko.
“Sa ikalawa na.”
Tulala kong pinatay ang tawag at saka ako napayakap kay Carl. Tuluyan na akong napahagulgol.
“Gawin mo ‘yung mas ikabubuti ng marami, Clang,” payo sa akin ni Carl nang kumalma na ako. Pinunasan ko ang mga luha na naglandas sa mga pisngi ko. Wala na akong choice kundi piliin ang ampunan.
Patawad, Jacob...
...
“Clang, kaya mo 'yan,” pagpapalakas-loob sa akin ni Carl. Andito kami ngayon sa Baguio Convention Center para sa Battle of the Bands. Huling gabi ko na ito sa Baguio. Bukas, luluwas na ako pa-Manila dahil nagmamadali na ang sponsors ko. Nakapagpaalam na ako kay Coach. Si Carl na ang magbibigay sa kanya ng resignation letter ko bukas. Si Carl na rin ang magpapaliwanag. Ayokong personal na magpaalam. 'Di ko kaya. Maging ang mga kabanda ko ay 'di ko sinabihan ng pag-alis ko. Lalong-lalo na kay Jacob. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Birthday na birthday pa naman niya ngayon.
“Brutos, ang hirap naman nito,” naluluha akong yumakap sa kanya.
“Clang, para sa ampunan ito.”
“Paano naman ako, Carl? Ayokong umalis. Paano si Jacob?” Nakakahiya dahil 'di ko mapigilang magpaka-selfish.
“'Di ba nangako naman siyang hihintayin ka niya? Tiwala lang. At isa pa bata ka pa, Clang. Mas marami kang makikilala roon na mayaman at guwapo,” pagbibiro ni Carl para mangiti ako.
“Ayoko! Siya lang ang gusto ko!” napabulyaw ako sa kanya dahil sa gusto niyang tukuyin.
“Easy! Kung mahal mo talaga eh 'di balikan mo kapag nakatapos ka na. Malalaman mo ring mahal ka talaga niya kung hinihintay niya ang pagbabalik mo.” Seryoso na siya this time nang sabihin niya iyon.
Tinignan ko ang cp ko. Nakangiting larawan ni Jacob ang wallpaper ko. Mahihintay mo ba ako, babe? Mahina kong bulong sa hawak ko.
Kami na ang tutugtog. Tumingin ako sa harapan. Nasa likod ng judges’ table si Jacob at ngiting-ngiti sa akin. May hawak pa siyang camcorder na maliit. Nginitian ko siya. s**t! May kumurot sa puso ko nang makita kong mas lumawak ang ngiti niya.
“Goodluck,” basa ko sa labi niya.
“Happy birthday!” sinabi ko sa kanyang wala ng boses.
Pumagitna na kami at nagsimula na pagkatapos kaming ipakilala ng emcee.
But a life lived without you could never be right
Nilalabanan ko ang paggaralgal ng boses ko habang kumakanta. Baka makahalata si Jacob that there was something wrong with me.
I tried to smile so that hurt won’t show
Tell everybody I was glad to see you go...
Alam ko kakantahin ko na ito soon sa paghihiwalay namin kaya masyadong tumutusok ang bawat lyrics ng kanta sa dibdib ko.
Goodbye, Jacob.