“Oh, napano ‘yang braso mo?” nag-aalalang tanong ni Apollo nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Nakatingin siya sa braso kong nababalutan ng benda. Napuruhan kasi ni Jacob ‘yung siko ko. Akma niyang hahawakan ‘yun pero nagmamadali ko iyong iniiwas. “Wala. Nabangga sa pader.” Iniwas ko rin ang tingin ko sa mapanuri niyang mga mata. “Ah, kaya pala namamaga ‘yang mga mata mo,” nanunumbat na sabi niya kaya nataranta ako. “Ahm… hindi naman niya sinasadya, Pol. Kinulit ko kasi siya.” Napatakip ako sa bibig ko nang ma-realize kong parang inamin ko na rin sa kanya ‘yung totoong nangyari. Napanganga siya pagkatapos ay tumalim ang kanyang mga mata. “Sorry, Gwen. ‘Di ko alam na may tendency palang masaktan ka ni Jacob physically.” He apologetically smiled at me. “Hayaan mo kakausapin ko siya.”