Chapter 21. Majika

2278 Words

Aminin ko man o hindi, inaabangan ko rin ang mga pagkakataong nawawalan ako ng ulirat dahil sa mga pangitaing nakikita ko paminsan-minsan. Inaabangan ko ang mga iyon dahil sa alam kong totoong nangyari ang mga nakikita ko. At kahit papano ay para akong masugid na taga-subaybay ng isang palabas na naghihintay ng susunod na mangyayari. Ang problema, hindi tulad ng mga palabas sa bayan, hindi magkasunod-sunod ang mga pangitaing dumarating sa akin. Maaaring ang makikita ko ngayon ay hindi karugtong nang nakita ko noong una, at mas nauna pa talagang nangyari. Basta, magulo sila at minsan pag nagkakaroon na ako ng malay, tumatagal ng ilang araw bago ko malaman kung tungkol saan ang pangitaing nakita ko o kung kelan ito nangyari at ano ang mas nauna sa mga pangitaing iyon. Tulad na lang ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD