Matagal ko ng pangarap na maging isang Mandirigma. Bata pa lang ako, ninais ko ng maging magaling sa kahit anong sandata. Talagang nagtutungo pa kami noon ni ama sa bansang Gaia upang makita ang ilang mga sikat na Mandirigmang iniidolo ko. At kung anong sandata ang umuuso, nagpapabili talaga ako sa ama ko. Kapag naglalaro naman kami ng mga kaibigan ko ng baril-barilan noon, agad silang nagtatakbuhan pag dumarating na ako dahil sa totoong baril ang pinabibili ko samantalang laruan lang ang sa kanila. Talagang pinapuputok ko ang baril ko at dahil dun ay naipagbawal na ang mga totoong sandata sa mga bata. Kaya naman hindi ako makapaniwala na eto na, kaharap na namin si Xyron at ang mga kawal niya sa isang labanan. Gulat sila nang magiba ang pader at kumalat ang pulang apoy papunta sa kanila