Araw ng linggo at walang pasok si Vanessa. Tamang-tama dahil wala pa siya sa sariling pumasok sa trabaho. Matapos sa nangyari kagabi, medyo na-trauma siya. Paano kung balikan siya ng mga taong iyon? Buti sana kung palaging nand’yan ang guwapo niyang neighbor na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nalalaman ang pangalan. Kaya minabuti niyang magpahinga na lang muna. Nakabenta naman siya ng maraming appliances kahapon kaya't alam niyang hindi magagalit si Mister Tingga sa kanyang pagliban.
Habang nagpapainit ng tubig sa heater ay iniunat niya muna ang mga kamay at paa. Ang ganda ng gising niya dahil nakatulog pa rin siya ng maayos kahit may nangyaring hindi kanais-nais kagabi. Kampante siyang nariyan lang sa kabilang kuwarto ang binata.
Naisipan niyang silipin si neighbor at baka gising na rin ito. Ngunit wala ito sa higaan nito. Napasulyap siya sa relo na nakasabit sa dingding. Alas-siete pa lang iyon ng umaga, masiyado pang maaga sa normal na gising nito.
“Saan kaya siya nagpunta?” tanong niya sa sarili.
Bumalik siya sa ginagawa at pilit iwinawakli ang binata sa isip. Matapos ang ilang minutong stretching ay nagsimula na siyang magluto ng almusal. Pasipol-sipol siyang nagluto ng ulam, as usual, wala naman siyang ibang maluto dahil wala namang ibang laman ang kanyang ref kung hindi puro itlog lang. Nagtitipid kasi siya ngayon dahil kailangan niyang mag-ipon para sa nalalapit nang pasukan ng kanyang kapatid. Last year na kasi ng bunso nila sa college kaya't nagtitiis na lang siya sa paitlog-itlog. Baka bukas mukha na siyang manok, nangangamoy ipot na nga rin siya.
Naka-ready na ang kanyang pagkain nang may marinig na ingay mula sa kabilang kuwarto. Agad siyang napatayo sa kinauupuan at biglang napasilip sa maliit na butas. Buti na lang at hindi tumama ang kanyang noo sa nakausling pako sa unahan sa pagmamadaling makasilip.
Dumating na pala ang kanyang neighbor. May dala itong dalawang maletang kulay itim. Pasalampak itong naupo sa kama matapos itabi ang mga bagahe. Malayo ang tingin at mukhang malalim ang iniisip nito. Ilang saglit lang ay patihaya na itong nahiga sa kama. Hindi man lang nag-abalang tanggalin ang mga sapin sa paa. Habang nakatitig ito sa kisame ay buong suyo niya namang sinuyod ng tingin ang kabuuan nito, lalo na ng mapadapo ang mga mata sa maumbok nitong sandata.
Napapalunok at napapakagat-labi siya habang pinagmamasdan ito, nang bigla na lang itong napalingon sa kanyang kinaroroonan. Agad siyang napaatras at napasandal sa pader sa takot na makita siya nito. Kay lakas ng kaba sa dibdib niya, parang may mga dagang nag-uunahan. Bumalik siya sa kusina na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanyang tulugan at nanghihinang napaupo. Biglang nawala ang kanina'y nag-aalburoto niyang sikmura.
Samantalang sa kabilang silid naman ay pilyong napangiti si Miguel nang mahuling sinisilipan na naman siya ng dalagang nasa kabilang kuwarto. Ilang araw niya na itong napapansin, na para bang mayroon palaging nakamasid sa kanya. Hanggang sa madiskubre niyang may maliit na butas pala ang kanyang pader malapit sa kanyang kama. Pero hindi siya ang klase ng taong nagpapatalo lalo na’t sa usaping ganito. Lingid sa kaalaman nito ay gumawa rin siya ng butas malapit sa kusina nito, kaya madalas niya itong nasisilipan, lalo na't pag oras na ng paliligo nito.
Hindi niya ugaling mamboso, ngunit nang makita niya ang kabuuan ng babaeng ito ay hindi na siya pinatulog. Ang matayog nitong dibdib na may mapupulang n*****s, na kagabi lang ay ramdam niya dahil sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya, ang makurbang katawan na animo’y sinadyang ililok, at ang pinaka the best sa lahat ay ang pinakatago-tago nito na halos lumuwa na sa suot nitong bikini. Paborito yata nitong panty ay ’yong kita na halos ang kasingit-singitan.
Dumating pa siya sa punto na habang tinatrabaho niya si Madam V, ay ito ang kanyang naiisip kaya't lalo siyang ginaganahan na gustong-gusto rin naman ni Madam V, dahil sa bawat pag-ulos niya ay napasisigaw ito sa sarap. Mapakla siyang napangiti, hindi niya man gusto ngunit kailangan dahil sa tawag ng kanyang tungkulin. Hindi niya alam kung ano itong napasukan niya, ngunit kailangan niyang panindigan.
Ipinanganak siyang nasalo ang lahat ng grasya mula sa langit. Mula sa itsura at tindig, hanggang sa estado ng pamumuhay. Sana'y siyang hinahabol ng mga kababaihan, minsan mga binabae pa ’yong iba. Aside from that, habulin din siya ng mga matrona. Like Madam V, na halos mabaliw na sa kanya.
Muli ay mapait siyang napangiti nang may maalala. Hindi uso sa kanya ang salitang relationship dahil come and go lang naman ang mga babae sa kanya. Wala rin sa vocabulary niya ang salitang kasal, ayaw niyang magpatali at maging sunod-sunuran sa kanyang magiging asawa. Ang tanging gusto niya lang ay maging malaya at gawin ang lahat ng tungkulin na sa simula pa lang ay pasan na niya.
Tunog ng kanyang cellphone ang nagpatigil sa naglalakbay niyang isipan. Si Theo, his best friend since high school.
“Yes? Napatawag ka?” agad niyang tanong sa kabilang linya.
“Confirm, Pare. Nasa akin na ang files. So meet me today, sa dating tagpuan,” wika ni Theo sa kabilang linya.
“Hindi ba puwedeng tomorrow morning? Kakarating ko lang kasi,” pakiusap niya habang hinihilot ang sentido.
“Busy ako bukas, you know naman na naghahanda ako sa kasal namin ni Bianca.”
Napatigil siya sa huling sinabi nito. Oo nga pala, nakalimutan niya kung bakit hindi na siya naniniwala sa true love. Isa pala sa mga dahilan ang babaeng papakasalan ng best friend niya ang kanyang heartache.
Si Bianca ang babaeng una niyang minahal. Ang akala niya noon nang sagutin siya nito ay mahal siyang talaga nito, ngunit nalaman niyang ginamit lang pala siya nito upang mapansin ni Theo. Ito pala talaga ang mahal nito. Nagtampo siya nang kaunti kay Theo noon, ngunit kalaunan natanggap niya rin ang totoo. Hindi niya naman mapipilit ang tao kung iba ang mahal.
“Hey! are you still there?” narinig niyang tanong ni Theo. Nawala na pala siya sa kahanginan.
“Yup! i'll be there in a half hour,” wika niya bago pinatay ang aparato.
Napabuntonghininga na lang siya. No choice kung hindi ang puntahan ito sa kanilang hide-out. Kinuha niya ang jacket at sumbrerong itim upang hindi mas’yadong mamukhaan kung sakaling may makakita sa kanya. Kailangan niya munang magbalatkayo for the mission. Bago siya lumabas ay sinilip niya muna sa butas ang magandang babae. Tahimik na itong kumakain at tila kay lalim ng iniisip.
“PAGING! Paging for Miss Vanessa Salcedo of non duty today!”
Biglang nabitiwan ni Vanessa ang librong binabasa nang marinig ang pangalan. Ilang segundo siyang naghintay na maulit ang pagtawag sa kanyang pangalan dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. Baka Meralco na naman iyon na nagsasabing magkakaroon na naman ng block out dahil sa hindi pa naayos ang mga kawad ng kuryente. Nagmumukha ng disco light ang kanyang ilaw sa gabi dahil sa maya’t mayang pagblock-out.
“Miss Vanessa, are you there?” malakas na tanong mula sa ibaba ng kanyang boarding house. Patakbo siyang lumapit sa bintana at sinilip kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, hindi niya kasi mabosesan dahil naka-mega phone ito.
“Lintik!” nabigla niyang sambit nang makita si Agot. Kasama nito ang kanilang Supervisor at isa pang kasamahan sa T-Appliances.
Ano kayang meron at biglaan ang pagsugod ng mga ito roon? Ginawa pang Department Store ang kanyang boarding house kaka-paging ng mga ito. Ayaw niyang papasukin ang mga ito sa kanyang kuwarto dahil alam niyang magugulo ang mundo niya kapag nalaman ng mga ito ang itinatago niyang sikreto.
“Wait me there!” malakas niyang sigaw, upang marinig ng mga ito ang sinabi niya. Nasa third floor kasi siya.
“Hindi mo ba kami papapasukin?” tanong ni Agot sa malakas na boses.
“Huwag na! Pababa na ako!” Mabilis pa sa 24-hours siyang nagpalit ng damit at hindi nag-abalang magsuklay ng gulo-gulo niyang buhok habang siya ay pababa. Mahirap na, praning pa naman ang mga kaibigan niya, baka akyatin pa siya ng mga ito.
“Mukhang binagyo ka sa loob, ah,” puna ni Leni nang mapansin ang nakabuhaghag niyang buhok.
“Baka naman may ka s*x ka sa itaas?” Bigla niyang natampal si Agot sa sinabi nito.
“Ang kikitid n’yo talaga! bakit ba napasugod kayo rito? ’Di rin ba kayo papasok?” pag-iiba niya ng usapan.
“Gaga! Birthday ngayon ni Mister Tingga. ’Di kaba na-inform?” kunot-noong usisa ni Dalia. Ang kanilang Supervisor na naging close niya na rin.
“Ngayon na ba iyon?”
“Hala! Amnesia ka, girl? ’Di ka yata nakinig noong nakaraan,” saad ni Agot.
“Malamang naglakbay na naman siguro sa kabilang mundo ang isip niya kaya't wala sa sarili noong in-announce ni boss,” ani naman ni Lena.
“Tara na nga! aabutin tayo ng siyam-siyam dito, sakit na ng init sa balat,” awat naman ni Dalia sa sagutan nilang tatlo. Hindi na ikinuwento pa ni Vanessa sa mga ito ang nangyaring pagdukot sa kanya noong nakaraang gabi, baka saan na naman mapunta ang usapan nilang iyon.
Bago tumuloy sa birthday ni Mister Tingga ay nagtungo muna sila sa isang sikat na boutique. Mamimili raw muna sila ng damit na susuotin. Hindi kasi siya handa, malay niya ba na ngayon ang birthday ng Boss nila. Mabuti na lang pala ay umabsent siya dahil talagang magsasarado sila ng tindahan ngayon dahil sa mahalagang okasyon. Kung bakit kasi hindi siya nakinig ’noong meeting nila.
“Nagpapa-alipin ka kasi sa guwapo mong neighbor,” bulong na naman ng pasaway niyang isip.
“Sigurado ba kayo na dito talaga tayo bibili ng pormal dress para sa party?” Si Agot na kuripot ay agad na umalma.
“Sino ba ang nagdala sa atin? ’Di ba si Dalia? kaya't siya ang tanungin mo,” tugon naman ni Lena na nakapamaywang.
“Magkano ba ang dala n’yong cash r’yan?” baling ni Dalia sa kanya.
“Two thousand lang dala kong cash, nagtitipid kasi ako,” aniya na ’di maalis-alis ang mga mata sa pulang damit na suot ng manequin. Gusto niya ang disenyo nito na may mahabang hiwa sa pagitan ng dalawang hita. Kung susuotin niya iyon ay talagang makikita ang tinatago niyang kakinisan.
“Maghanap pa tayo sa loob at baka may makita tayong mas mura at kasya sa budget natin,” mungkahi ni Dalia.
Agad naman silang sumang-ayon dahil sa palagay nila ay marami namang puwedeng pagpilian sa loob.
Agad siyang nagtungo sa counter at nagtanong sa saleslady kung magkano ang bestidang suot ng manequin.
“Dalawang libo po, Ma'am,” nakangiting tugon ng saleslady.
Napalunok siya sa sobrang mahal ng presyo nito. Isang damit lang maglalabas siya ng ganoong halaga? eh, isang sakong bigas na ang mabibili mo ’non.
“Kukunin mo po ba?”
“Hindi na, kulang po kasi ang dala kong pera,” nakangiti niyang sagot.
Halos malibot na nila ang buong boutique pero wala talaga silang mahanap na fit sa katawan nila. O mas madaling sabihin, sasakto sa mga pera nila.
“Hanap na lang tayo sa iba,” napapakamot sa ulong saad ni Agot.
“Mag Divisoria na lang kaya tayo,” ani naman ni Lena.
“Sira! Ano’ng oras na? Alas-tres magsisimula ang party, ba-byahe pa tayo,” nakairap na saad ni Agot.
“Huwag na kayong magtalo. Hanap na lang tayo sa iba, total marami pa namang tindahan tayong madadaanan,” saway ni Dalia sa kanila.
Palabas na sana sila ng boutique nang tawagin si Vanessa ng saleslady.
“Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo,” nakangiting sabi nito sabay abot ng paper bag sa kanya.
Nagtatakang tinanggap niya ang paper bag at tiningnan kung ano ang laman nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang laman n’yon, ang bestidang suot nang manequin kanina. Agad siyang napasulyap sa kinaroroonan nito at nakita niyang iba na ang suot nitong damit.
“Sino ang nagpapabigay?” nagtatakang tanong niya.
’Di n’yo na po dapat malaman, at pinapasabi niya rin pong bagay na bagay sa ’yo ’yan.” Pagkawika ay agad na rin itong tumalikod at bumalik na sa puwesto nito. Habang siya naman ay naguguluhan pa rin.
“Naks naman! may suitor si Vanessa!” kinikilig na wika ni Agot.
“Dahil may isusuot na si Vanessa, tayong tatlo na lang ang maghahanap ng susuotin. Kaya't sana'y makahanap din tayo ng suitor,” may himig panunukso na sabat ni Dalia. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin itong kasintahan.
Labis man ang pagtataka, ipinagkibit-balikat na lang ito ni Vanessa at lihim na pinaikot ang paningin. Baka sakaling makita ang taong may mabuting puso na nagbigay sa kanya nito.
Ilang beses nagpaikot-ikot si Vanessa sa harap ng salamin. Kung hindi pa siya nahilo ay hindi pa siya titigil. Sinusukat niya na kasi ang damit na bigay sa kanya ng secret admirer niya. Natawa siya sa naisip, binigyan lang ng damit secret admirer na kaagad? Nauna na siyang umuwi sa tatlo upang makapagbihis. Nagplano na lang sila na sa reception ng birthday magkikita-kita.
“Sa entrance pa lang ay halos lumuwa na ang mga mata ng security guard nang makita siya. Hindi nito maalis-alis ang mga titig sa kanya, lalo na sa kanyang dibdib. Nagmukha siyang sasabak sa Miss Universe sa suot niyang iyon. ’Yong damit na pang entrance ng mga ito bago magsimula ang labanan. S’yempre tinernuhan niya ng 2 inches high heels, dahil kapag nag plot shoes lang siya, magmumukha siyang Maria Clara ngunit nasa loob ang kulo. Sa lalim ba naman ng kanyang cleavage at taas ng slit ng kanyang bestida ay magmumukha ka pang mahinhin? Kaya tinodo na n’ya.
“Mamang guard, baka naman po tumulo ’yang laway mo? aba’y nasa bukana na po ng mga labi n’yo!” nakangiti niyang sabi rito, bago nagpatuloy sa paglalakad. Muntikan pa siyang maligaw ng daan.
Pagdating niya sa loob ng ginanapang party ay agad niyang hinanap ang mga kasama, medyo naiilang na siya dahil pinagtitinginan na siya ng ibang bisita. Hindi niya naman kasi alam na filipiniana pala ang motif at hindi pang clubhouse. Mukhang sinalbutahe pa siya ng damit n’yang iyon.
“Vanessa!” narinig niyang sigaw ni Agot. Agad siyang lumapit dito nang makita ito.
“Taray! ang sexy mo, Day,” anito na pinagmasdan ang kaniyang kabuuan.
“Nahihiya nga ako, dahil pinagtitinginan na ako ng lahat,” kagat-labi niyang saad habang humihila ng upuan.
“Hayaan mo sila! inggit lang ang mga ’yan! pero infairness, litaw ang iyong kagandahan.” Natawa na lang siya, cover up sa hiyang nadarama.
“Wala pa ba si Boss?"
“Kanina pa. Birthday celebrant iyon, kaya maaga talagang darating,” sagot naman ni Lena na kakarating pa lang.
“Paano mo nalaman? eh kakarating mo pa lang,” natatawa niyang sabi.
“Actually, kanina pa kami ni Dalia rito, pinatawag kasi kami ni Boss sa kabilang building dahil naroroon ang kanyang half sister na si Madam V.”
Gulat na napatingin si Vanessa kay Lena.
“What? Half sister niya si Madam V?”
“Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo ba alam ’yon?” usisa ni Agot.
“Hindi! ngayon ko lang nalaman.”
“So ngayon na alam mo na, makikilala mo rin siya mamaya ng personal.”
Bigla tuloy siyang kinabahan, kahit hindi nito alam na siya ang dakilang maninilip sa tuwing mag yoyog-yogan ito at ng kanyang neighbor ay parang hindi niya pa rin ito kayang harapin.
Mga ilang minutong lumipas ay nagsimula na ang kasiyahan. Natanaw niyang papalabas na si Mister Tingga kasama nito si Madam V na kay ganda ng suot. Kagalang-galang kung tingnan. Nakurot niya ang sarili nang maalala na naman ang ginawa nito at ng kanyang neighbor.
“Tulala ka na naman, ano bang laman ng isip mo?” nakalabing tanong ni Agot.
“W-wala.”
Diretso sa Nakalaang entablado si Mister Tingga, kasama pa rin si Madam V. Para itong artista na pinagkaguluhan ng mga taong naroroon. Handa na siyang makinig sa mga sasabihin nito nang kalabitin siya ni Agot.
“Look, who's coming!” mahinang bulong nito sa kanya. Agad naman siyang napasulyap sa itinuro nito at nanlalaki ang mga matang napatitig nang makilala kung sino ang lalaki.
“It's him!” hiyaw ng kanyang isip.
Agad siyang napatalikod nang papasulyap ito sa kanilang kinaroroonan. Ibang-iba ang pakiramdam niya at feeling niya ay guilty siya, dahil hindi niya kayang makipag eye to eye contact dito.
Kay lakas ng kabog ng dibdib niya at pakiwari niya ay mauubusan siya ng hangin.
“Can i sit here?”
Nabiglang napasulyap siya nang marinig ang baritonong boses ng isang lalaki.
Nakangangang napasulyap siya sa may-ari ng boses na iyon.
“Y-yes!” aniya na binawi ang tingin.
Napakainit sa loob ng Villa Garden ngunit pakiwari ni Vanessa ay nanlalamig siya. Pinagpapawisan siya ng malagkit at para siyang maiihi sa kaba.
“Is there something wrong?”
nakakalokong tanong nito. Pilit ang ngiting umiling siya bilang tugon, pagdaka'y yumuko upang hindi nito makita ang pamumula ng kanyang pisngi. Ganito pala kapag may nagawa kang ’di kanais-nais, kukutkutin ka ng iyong konsensya. Lalo na naging tagapagligtas niya ito.
Natapos ang talumpati ni Madam V, na wala siyang naintindihan. Sino ba naman kasi ang mapapalagay kung ilang dangkal lang ang layo nila ni neighbor. Langhap niya ang mabangong amoy nito na halos nahigop niya na lahat kakasinghot. Nasa likuran lang kasi siya nito.
“Magkakilala ba kayo ni Pogi?” pasimpleng tanong ni Agot.
“Nope,” tipid niyang tugon.
“Ay, sayang!” narinig niyang sambit nito. Mukhang kursonada rin nito ang binata.
“Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, Vanessa, akitin mo na!” Natawa na lang siya sa naisip. Papaano niya aakitin ito, wala naman siyang laban kay Madam V. Sa yaman pa lang nito ay walang-wala na siya. Sigurado naman siya kung ano talaga ang kailangan nito sa matanda. Sino ba naman ang mukhang hollywood actor na papatol sa matandang mayaman kung marami namang mas nakababata rito.
Nagulat si Vanessa nang tapikin siya bigla ni Agot sa balikat.
“Bakit?” angil niya. Naputol kasi ang kanyang pagmumuni-muni.
“Tawag tayo ni Boss, it's time to serve.”
“Serve?” kunot-noong sambit.
“Don't tell me na hindi ka rin na-inform na aatend tayo as not visitor, narito tayo as silbidora.”
Nagsalubong ang nga kilay niya sa sinabi nito. Bakit bumili pa sila ng magagandang kasuotan kung gagawin rin pala silang silbidora roon. Nasaan ang hustisya?
“Oh, saan ka pupunta?”
“Magpapalit ng damit!”
“Bakit?”
“Sus, Ginoo! mahiya naman kayo sa suot ko, ang ganda-ganda ko tapos pahahawakin niyo lang ako ng tray.”
Nagkatawanan ang mga ito sa kanyang
sinabi, narealize yata ng mga ito kung gaano siya nag-effort, buti na lang hindi siya ang bumili ng bestida, kun`di manghihinayang lang siya sa perang ginastos.
“May dala ka bang extrang susuotin?” tanong ni Dalia na ngayon ay naka maong pants na lang at tshirt na puti.
“Oo, lagi naman akong may baon, sa laki ba naman ng aking backpack ay hindi pa kakasya roon.”
“Teka! wala naman kaming nakita na may dala kang backpack.” ani Lena.
“Iniwan ko muna sa guardhouse, alangan namang bitbitin ko ’yon nang nakaganito.”
Nahinto ang kanilang pag-uusap nang tawagin na sila ni Mister Tingga at senyasan na magsimula nang mag accomodate ng mga bisita. Padabog siyang lumabas ng villa at tinungo ang kalapit na guardhouse nito.
“May naiwan ka ba rito, Miss beautiful?" Masiglang salubong ng guardiya sa kanya. Sa lapad ng ngiti nito ay kita na niya ang mga gold nitong ngipin. Hanep ang pustiso ni manong guard.
“Kukunin ko lang po sana ang aking backpack na iniwan kanina,” saad niya at ginantihan ito ng matamis na ngiti.
“Mayro'n ka pa lang bag na naiwan dito?” Takang tugon nito. Talaga ngang wala itong alam sa pag-iwan niya kanina. Nalibang yata kaka-titig sa kanya.
“Mayro'n po, hindi niyo lang napansin.”
Agad niyang kinuha ang gamit at dumiretso ng restroom upang doon magpalit. Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa selebrasyon.
Agad siyang nagpunta sa mga kasamahan at doon ay nagsimulang tumulong at maging silbidora. Pasimpleng hinanap ng mga mata ang binata na noo'y kausap na ni Madam V. Behave na behave si madam na animo'y ’di makabasag pinggan. Pero grabe kung makahawak sa espada ni lapu-lapu, na akala mo'y isang mandirigma na susugod sa isang madugong digmaan.
Bigla niyang nabawi ang nakakamatay na tingin nang sumulyap si neighbor. Naiinis siya, dahil para siyang mapapaso sa t’wing titigan siya nito.
“Vanessa, tawag ka ni Boss,” saad ni Lena.
“Why?”
“Usap daw kayo, may bagong hire na trabaho for you.”
“Ha?” Ano raw?”
“Just go and find it!” natatawang sabi nito.
Wala siyang nagawa kun`di ang puntahan ang amo na ngayon ay kausap na ni Madam V, kasama ang kanyang guwapong neighbor.”
“Bakit po Boss?” tila maamong tupa niyang tanong.
“Vanessa, i'd like you to meet my sister, Madam V.” Pagpapakilala sa kanya nito sa kapatid.
“Siguro naman kilalang-kilala mo na siya.”
“Yes po,” nakangiti niyang tugon, habang hindi magawang igalaw ang katawan dahil naninigas siya sa mga titig ng binata.
“Nice to meet you po, Ma'am,” baling niya kay madam V, ngunit hindi umabot sa mata ang kanyang ngiti.
“Nice to meet you rin Vanessa.”
“Gusto kong sabihin sa ’yo Vanessa na simula ngayon ay kay Victory ka na magtatrabaho,” wika ni Mister Tingga na nagpagulat sa kanya.
“Ho?”
“Ikaw ang napili niya sa mga tauhan ko. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan kitang tanggalin sa trabaho at ibigay sa kanya. Ang kalahati sa negosyo ko ay pag-aari ni Victory, so i decided na sundin ang gusto niya.
Napatulala siya sa sinabi nito, kaya't hindi pa nag si-sink in sa kanyang isip ang lahat.
“Don't worry, Vanessa. Doble ang magiging sahod mo sa akin. I heard na kailangan mo ng malaking halaga para sa pag-aaral ng kapatid mo, so accept my offer. I want you to be my personal assistant.”
“Personal assistant po?” napamulagat na ulit niya.
Bakit nagdedecision ang mga ito nang hindi nangungunsulta sa kanya. Hawak na ba ng mga ito ang buhay niya? At Pinangungunahan siya?
“I'm sorry if i didn't ask you about this, biglaan kasi. Nag-asawa na kasi ang dati kong assistant at wala akong makitang ipapalit sa kanya, until i saw you. I love your personality and i also already know you. Kinausap ko si Ben then i convinced him,” mahabang paliwanag ni Madam V sa kanya.
May magagawa pa ba siya? Hindi rin naman siya makakatanggi. Malaki ang offer, doble kaysa sa sahod niya ngayon. Ang importante na lang sa kanya ngayon ay may trabaho pa rin siya, kailangan niya talaga ngayon ng extra kita, lalo na't may pinag-aaral pa siya na kapatid.
“Sige po,” sang-ayon niya. Kitang-kita ni Vanessa ang malapad na ngiti ng kanyang neighbor.
Aba't masaya ang mokong na `to! baka iniisip nito na gusto niya itong makasama, kaya't pumayag kaagad siya sa trabahong inaalok ni Madam V. Pero nakadama ng konting saya si Vanessa. Magkakaroon na kasi siya ng pagkakataong kilalanin ang kanyang neigbor. Hindi na niya kailangan pang sundan ito at bantayan.
“Excuse me po. Kailangan ko na pong bumalik doon,” paalam niya sa mga ito.
“Sure! but make sure pupunta ka sa bahay ko bukas,” wika ni Madam V sa kanya.
“Bukas po?”
“Yes! you will start tomorrow morning,” nakangiti nitong saad.
Hindi siya makapaniwala na bukas na kaagad siya magsisimula sa pagtatrabaho rito. Kaka-hired pa nga lang sa kanya ngayon.
“Sige po, Ma'am. Bukas po ng umaga pupunta ako sa office n’yo,” tanging nasabi niya na lang bago iwanan ang mga ito.
“Ano sabi?” agad na tanong ni Agot sa kanya pagbalik. Umandar na naman ang pagiging tsismosa nito.
“Secret!”
“Ay! may ganoon, besh?” pagtatampo ni Lena.
“Si Sir ang tanungin n’yo. Magaling naman kayo sa mga tsismis.”
Nagsimula na siyang mag-serve sa mga bisita.
“Ang damot ng sagot,” narinig niyang sabi ni Agot.
Napailing na lang siya sa kakulitan ng mga kaibigan. Ayaw niya munang mag kuwento sa mga ito at baka makant’yawan na naman siya. Muli ay napasulyap siya sa p’westo ng kanyang neighbor. Wala na ito sa kinaroroonan at si Madam V. Marahil ay naghanap na ang mga ito ng masisilungan or let say mapuwe-puwestuhan. Nakaramdam na naman siya ng inis sa naiisip. Bakit ba palagi na lang ito gumugulo sa kanyang isip?