Pasalampak siyang naupo sa malambot na sofa matapos makapagpalit ng damit. He really tired sa buong araw na pagne-negociate sa mga ka-meeting at pagmamatyag na rin. Hindi niya matukoy kung sino ang mga kalaban sa mga nakaharap kanina. Nakita niya si Miguel Serrano, one of the best assets of the Eagle's Empire at kasalukuyan ring namamahala rito, kasama nito ang sikat na business woman na si Madam V. Mukhang mauunahan na naman siya nito sa plano. Hindi siya makakapayag dahil malalagay na naman sa alanganin ang The Phoenix kapag nagkataon, and then malalagot na naman siya sa kanyang step father kung sakali. Ayaw na niyang maulit pa ang mga nangyari noon. Lagi na lang silang nalalamangan ng taga Eagle's, na kung tutuusin naman ay magagaling ang mga tauhang sakop niya. Hindi rin basta-basta ang mga ito dahil sa ibang bansa pa nanggaling ang iba. Kaya sa pagkakataong iyon ay hindi siya makakapayag na malamangan ulit ni Miguel.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang kanina pang naghihintay na kama. Pero hindi pa nga lumalapat ang kanyang likuran sa higaan ay biglang may nag doorbell. Napapakamot na lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang maindoor.
“What are you doing here? ’di ba, ngayon ka magsisimula sa bago mong kasong hahawakan?” kunot-noong tanong ni Leo sa bagong dating na dalaga.
“Give me a time to think this, Pipo! Hindi madali ang ipinag-uutos mo sa akin!” mainit ang ulong tugon nito.
“Fine! but i just want to remind you na nakipagsundo ka sa akin and it's legal! ayaw ko ng gulo at ayaw kong malaman ng kapatid mo na sa grupo ko ikaw pumanig!”
“Yah! yah! i know! just calm down, i swear na hindi malalaman ni kuya ang lahat. May isang salita ako, Pip! kapag sinabi ko, gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng panahon dahil first time kong gagawin ang trabahong ito,” nakataas ang dalawang kamay na wika ng dalaga. Naka sumbrero ito habang naka tuck in ang maluwang na tshirt sa suot nitong maong pants. Kahit ganoon ang ayos nito her still looks elegant. Hindi maiwawala rito ang pagiging laki sa yaman.
“Are you sure with this? baka may mangyaring masama sa ’yo, ma-bomba ako rito ng kapatid mo. Bakit kasi hindi ka na lang sa agency niya pumasok. Total Criminology graduate ka naman and sharp shooter din, ano’ng mali at ayaw ka niyang mapasama roon!”
“At ilang beses ko rin ba sa ’yong ipapaliwanag ang lahat? kung puwede lang sana akong magtrabaho doon, edi sana matagal na,” nakasimangot nitong sabi.
“Ok, fine! tapusin na natin itong pag-uusap na `to at ako'y magpapahinga pa. Kung gusto mo pa ng maraming files. Just go to my office at hanapin mo roon ang kailangan mo!”
Iniwan niya ito sa sala at mabilis nang bumalik sa kanyang kuwarto. Dahil nagsisimula na namang sumakit ang kanyang ulo sa pakikipagtalo rito. Madalas silang magtalo nito lalo na sa usaping trabaho. Bukod kasi sa mabagal itong gumawa ng hakbang ay marami pa itong inaalam na bagay-bagay. Naririndi na siya kung minsan. Katulad na lang ngayon, sa ibinigay niyang trabaho rito. Matapos niyang sabihin dito kung saan ito papasok upang makahanap ng impormasyon ay katakot-takot munang tanungan at imbistiga ang gagawin nito bago magawa ang trabaho. Isa pa sa pinag-aalala niya ay ang kapatid mismo nitong si Miguel. Oras na malaman nitong sa kanya nagta-trabaho si Carla, tiyak na gigirahin siya nito. Ang pinakaayaw kasi nitong mangyari ay ang pasukin ng kapatid nito ang delikadong trabaho nila, kahit pa nga ito ay Criminology graduate at marami na ring alam tungkol sa pakikipagbakbakan. Nag-iisang kapatid lang kasi ito ni Miguel at hinabilin pa rito ng ina kaya't napakahigpit nito sa dalaga.
Isang araw ay bigla na lang dumating sa kanyang opisina si Carla at nakiusap sa kanya na ipasok ito sa agency nila. Sa una ay pilit niya talaga itong tinatanggihan. Bukod kasi sa bata pa ito ay kapatid pa nga ni Miguel. Malay ba niya kung ginagamit lang ito ng binata upang magmanman sa kanila. Pero iba ang nangyari, dahil ibinigay sa kanila ni Carla ang dating kaso ng isang Druglord na hawak naman ng grupo ni Miguel. Doon niya napatunayan na desidido talaga itong pumasok sa kanila, dahil nagawa nitong ipagkanulo ang sariling kapatid. Kaya ang ending ay ang grupo nila ang nakapagpasara ng kaso na iyon. Sila ang nakahuli sa ibang drug addict at isa sa mga dealer ng ipinagbabawal na gamot. Simula ’non ay tinanggap na niya si Carla bilang isang tauhan ng The Phoenix. Nagta-trabaho ito ngayon sa kanilang agency bilang secret agent.
Sa totoo lang, hindi naman talaga dapat siyang makipagsabayan sa grupo ni Miguel, dahil bukod sa magagaling ang mga tauhan nito ay mas sikat din ang Eagle's Empire. Dahil iyon sa mga nagawa ng namayapa nitong ama. Itinuring na bayani ang tatay nito noon nang magbuwis ito ng buhay para sa mga babaeng tinangkang iligtas. Kaya sa murang edad ni Miguel ay natuto itong tumayo sa sariling mga paa at nagsikap. Nalaman niya ang lahat ng iyon dahil din sa may pagka-isip bata at madaldal na si Carla. Pero kahit ganoon ay maaasahan niya naman pagdating sa trabaho. Sa katunayan ay ilang kaso na rin ang nalutas nito, at walang kaalam-alam ang kapatid nitong si Miguel. At nagpapasalamat naman siya dahil hindi pa sila ikinakanta ni Carla rito. Napangiti na lang siya sa naisip at inalala ang babaeng nakilala niya kanina. Simple but her beauty is unique. Hindi nakakasawang tingnan, pero mukhang may nauna na sa puso nito. Kitang-kita niya ang mga titig nito kay Miguel at ang selos. Gusto niya itong makilala not only for misyon but to be his friend. Nararamdaman niya naman kasing mabait ito at nangangailangan lang kaya napilitang magtrabaho kay Madam V.
Marahas siyang napabuga ng hangin at napatingala. Kahit saan na lang kasi napupunta ang kanyang isipan. Mas minabuti niya na lang na bumaba ulit at puntahan ang pasaway niyang bisita.
“What do you like to eat?” tanong niya sa dalaga na abala sa pagkakalkal ng mga papeles.
“No thanks! Nagda-diet ako,” tugon nitong hindi tumitingin sa kanya.
“Ano ba talaga ang kailangan mong impormasyon?” Nakiusyoso na rin si Leo sa ginagawa ni Carla. Medyo naintriga siya sa mga larawang tinitingnan nito, isa kasi doon ang lalaking nakasama nila sa conference meeting. “Why don't you ask your brother? I'm sure, marami na siyang nakuhang impormasyon at ebedensiya tungkol sa mga taong ’yan.”
Napasulyap ito sa kanya at sandaling tumitig sa kanyang mukha.
“Well, nagkita kami kanina sa conference sa Makati. Kasama niya si Madam V. at ang assistant na babae.”
“Did he recognize you?”
“I'm not sure of that. Siguro kung ikaw ang magtatanong sa kanya ay hindi siya maghihinala. Hindi niya naman alam ang mga kalukuhang pinaggagawa mo.”
“Excuse me! hindi ito kalukuhan! i'm serious when i applied to your agency!” pagdidiin nito sa kanya.
“Ok! sabi mo, eh. Bahala ka kung ano’ng hakbang ang gagawin mo, but make sure na hindi mapapahamak ang Phoenix,” muli niyang paalala.
“Iyan ang mali sa ’yo, Mister Madrigal. You always see my weakness. Dahil ba bata pa ako para sa mga ganitong kaso? Sa ganitong trabaho? Bakit hindi mo na lang palakasin ang loob ko, cheer me like what you did before!” Mabilis na iniligpit ni Carla ang mga nagulong papel at iniisa-isa iyong inilagay sa dalang backpack. Iniwan niyang nakamaang si Leo. Napabuntonghininga naman si Leo. Mukhang gagawa na naman siya ng paraan upang suyuin ang topaking babaeng iyon. kung hindi lang talaga mahalaga ang hawak nitong kaso ay hindi niya na ito papayagan pang mag-imbistiga. Baka mapahamak lamang ito, tiyak mababalatan siya ng buhay ni Miguel.
SAMANTALA, natapos sa maraming trabaho at pagod ang buong araw ni Vanessa. Ginabi na sila sa pag-uwi, dahil ilang Conference meeting ang dinaluhan nila bago nagpasiyang umuwi. Alas-otso na ng gabi nang makarating sila ng bahay ni Madam V. kayat doon na lang siya nagpasiyang patulugin nito. Hindi na siya pinayagan ng ginang na umuwi sa kanyang apartment, lalo na wala nang maghahatid sa kanya. Nakauwi na rin kasi ang isang driver nila na sa kabilang kanto lamang nakatira. Nahihiya naman siyang istorbohin pa ito, lalo na't unang araw pa lang niya sa trabaho. Si Miguel naman ay hindi na niya nakita simula nang pumasok siya sa kuwarto. Hindi niya alam kung doon rin ba ito natulog. Gusto niya itong silipin sa kabilang kuwarto, ngunit natatakot siyang mahuli sa akto. Hindi niya rin puwedeng butasan ang pader na nakapagitan sa kanilang mga silid dahil concrete na iyon. Nagpasiya siyang lumabas ng kuwarto at bitbit ang isang tasang kape ay nagtungo siya sa terrace upang magpahangin. Madilim na ang paligid dahil nakapatay na lahat ng ilaw, alas-diyes na rin kasi iyon ng gabi. Tanging liwanag na lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw. Kampante siyang naupo sa may gilid. Nakaharap iyon sa malaking swimming pool, at sa likod ’nun ay ang mataas na pader. Wala kang ibang makikita maliban sa nagtataasang puno, dahil ang likurang bahagi pala ng bahay ni Madam V. ay isang kasukalan. Hindi niya alam kung gaano kalayo at kasukal ang sa may parteng iyon. Naisip niyang magtanong bukas kay Vicky para kahit papaano ay may alam din siya sa lugar na kanyang pinapasukan. Ilang segundo pa ang lumipas ay dahan-dahan na niyang hinihigop ang kape na kanina lang ay napakainit. Lumamig kaagad ito dahil sa malamig na hanging tumatama roon. Napapasinghap siya sa tuwing umiihip ang hangin, may dala kasi iyong kakaibang bango na nagmumula sa iba't ibang uri ng bulaklak at punong kahoy. Bahagya na rin siyang inaantok, pero hindi niya pa rin magawang bumalik sa kuwarto, para kasing may nag-uudyok sa kanya na manatili muna roon ng ilan pang minuto.
Huling higop ng kape niya at akmang tatayo na mula sa kinauupuan nang may marinig na ingay. Parang CCTV na agad niyang pinagala ang mga mata sa madilim na parteng iyon ng paligid. Wala siyang taong nakita o anumang bagay na siyang dahilan ng ingay na iyon.
“Baka nga kailangan ko nang matulog,” kausap niya sa sarili.
Ngunit muli na namang naulit ang ingay at sa pagkakataong iyon ay papalakas na ng papalakas. Parang mayroong nagtotroso sa hindi kalayuan at mababang bahagi ng kasukalan. Dahil sa hindi niya iyon maaninag ay bahagya siyang dumukwang. Pero isang anino lamang ng tao ang kanyang nakita. Lalo pang pinalakas ang kanyang kuryosidad kaya't imbis matakot ay nagpasiya pa siyang bumaba upang usisain kung ano ang nakita at ang nag-iingay.