Chapter 3:

1030 Words
HALOS KARARATING lang ni Zach sa Marina Yatch Club sa may boulevard. Alas dos y medya ang usapan nila ng kausap. Dahil medyo napatagal sa pakikipagkumustahan sa tito Armando niya na papa ni Tristan na pinagkuhanan ng susi ng yate ng kaibigan ay ngmamadali na siya.   Pasakay na siya sa yate nang biglang gulantangin siya ng malakas na sigaw ng isang babae. Napailing pa siya sabay pasok sa loob ng yate nang marinig ang pinagsasabi ng babae. Napangiti siya at na-curious kung ako ang hitsura ng babae. Dahil mataas ang tipak ng bato na nakaharang ay kinailangan niyang akyatin iyon makita lang ang babae. "Makikita mo Randee. Pagsisisihan mo ng araw na niloko mo ako. Dahil ipagpapalit kita sa mas guwapo, mas mayaman at mas.......mas....mas..." Hindi mapigilan ni Zach ang mapatawa sa narinig muli buhat sa babae at saka hinintay ang idudugtong nito. "....mas masarap kaysa sa'yoooo." Dinig rito at doon ay mas lalo siyang na-curious. Napangiti siya sa huling narinig buhat rito. That woman made his day kahit kasi nagmamadali siya ay nagawa nitong patigilin siya. Napapailing siya habang inaalala ang mga sinabi nito. Mukhang broken hearted ito. Muli pang sinipat ito at saktong luminga ito at nagawi ang mukha sa kinaroroonan niyang nakamasid.  Maganda ang babae kahit simple lang ito. Nakitang mabilis na dinaluhan ng mga kaibigan nito ang babae mga ilang minuto pa ay nakitang tumatawa na ito matapos magsitilihan ang mga kaibigang papalayo rito.   Matapos noon ay bumaba na siya dahil baka ma-late na siya sa kaniyang appointment. Agad na pinausad ang yate at nang matantiyang malalim na ang dagat ay pinaandar na iyon. Saktong trenta minutos ay narating din ang parte ng Cavite na pakay. Buti at nasa pier na kung saan siya nag-dock ang susundo sa kaniya. Isa sa pinakaayaw na mangyari ay ang ma-late sa isang business meeting lalo na kung tungkol sa deal ng negosyo niyang gustong gawin. Nang makarating sa hotel na meeting place nila ni Mr. Jackson ay agad na sumaludar sa kaniya ang nasa receptionist at nakitang tila natigilan pa ang ilang babaeng naroroon. "Oh hi! I'm here to meet Mr. Jackson?" Turan sa babaeng nakatulala sa kaniya. "Yes.." untag sa babae. "Ah...oh sorry sir. What is it again?" Anito na tila nagpapacute pa.  "I'm going to meet Mr. Jackson. He told me that.." putol na turan. "Oh...okay sir. Mr. Jackson is at the main hall." Wika nito na nakatitig pa rin sa kaniya. "Thanks..." aniya sabay kindat dito. Nakita niyang naging uneasy ang babae at pinipigilan ang kilig nito. Nang makita siya ni Mr. Jackson na pabungad ay agad itong tumayo at sinalubong siya nito. "Good to see you Mr. Ricafuerte. You look good. You look mature when I saw you five years ago." Saad nito. May katandaan na si Mr. Jackson at nakapag-asawa ito ng Pinay at sa dito sa Pilipinas gustong mamalagi. "I'll take that as a compliment. Anyways, let proceed to business." Seryosong wika rito. "Yeah sure...you seems so in hurry. I heard that in term of business, no monkey business for you. But I think you should lie-low and you have fun too. Life is too short.." unsolicited advice from his prospect business partner. Muli ay sumingit sa isipan ang babaeng nakita sa may Bay area kanina. Well, not bad kung katulad nito pero hindi naman niya kilala ang babae. Ngumiti siya rito. "Thanks..." tipid na tugon rito. Matapos nilang mag-usap sa ilang details sa itatayo nilang hotel doon at nakita ang proposal ni Mr. Jackson. Maayos naman itong kausap. Ito at ang asawa ang magma-manage ng hotel. 1/3 of the profit will be the send to his bank account. Well, not that bad and looking at Mr. Jackson ay mukhang may potential ang business venture na ino-offer nito sa kaniya. "Thats a good deal. What could I do is to sign that contract.." sabad rito. Napangiti ang matanda at tumayo sabay nakipagkamay sa kaniya.  "I'll send you the contract as soon as we revise." Anito sabay lahad ng palad bilang selyo ng kanilang negosasyon at nagpaalam na siya rito. Mabilis na bumalik sa pier at mabilis na bumalik sa Manila. Nang binabalik ang yate ng kaibigan ay muling napangiti ng maalala ang babaeng nakita kanina. Mag-aalis na siya nang makabalik sa Manila at naisipang magtungo sa isa sa hotel niya sa malapit. Hawak ang batok na pumasok sa hotel at hindi man lang siya nag-aksayang tumingin sa information desk. Deretso ang pasok hanggang sa makarating sa may elevator at pinindot ang P for penthouse. Plano niyang doon na muna magpalipas ng gabi. Pagod na pagod siya dahil pangalawang araw pa lamang niya sa Pilipinas mula sa Amerika.  Nang makarating sa silid ay agad na binagsak ang katawan sa kama. "Oh s**t!" Gilalas nang maalalang kailangan niyang tawagan si Tristan upang isauli ang susi nito. Tiyak kasi niyang wala na roon ang tito Armando niya kaya hindi na siya dumaan sa office nito. Muling tumayo at hinubad ang suot na long sleeve at binato iyon sa gilid ng kama. Papasok na sana siya sa  banyo nang iluwa noon ang isang babae at nabigla pa siya. Maging ang babae ay nagulat din ng makita siya. Ngunit napakunot noo siya nang mapagsino ang babaeng papalabas ng banyo. 'Siya?' Aniya sa utak.  "Sorry po sir, di ko po alam na nandito na kaso. Last minute kasi nag-abiso ang management." Anito na hindi tumitingin sa kaniya. Pero batid ito ang babaeng nakita kanina sa may boulevard. "Its okay.." aniya rito. Hindi man lang ito tumingin at mabilis na umalis. Napakunot pa siya dahil hindi naman iyon ang unipormeng suot ng babae kaninang umaga. Maayos ang suot nito at papasang receptionist ng hotel. Mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo. Kailangan niyang bumawi sa puyat. Hanggang sa sandaling iyon ay may jetlag pa siya. Nang maramdaman ang maligamgam na tubig mula sa shower ay medyo naginhawaan siya. Gustuhin mang magtagal pa sa ilalim ng shower ay hindi niya magawa dahil tatawagan pa ang kaibigan.  Paglabas sa shower room ay mabilis na hinagilap ang toothbrush. Dadamputin sana ang toothpaste nang matigilan. Sa tabi kasi ng kinalalagyan ng toothpaste ay may nakalapag na ID. Napakunot noo siya. Nakataob iyon kaya hindi pa nakita ang may-ari noon at nang makita ang larawan ng babaeng nakangiti ay mapangiti rin siya. "Siya.." aniya sa sarili.  Mabilis na nag-imis saka tinawagan ang kaibigan. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD