Chapter 4:

953 Words
"GIRL, ano na. Uwi na tayo..." mabilis na turan ni Reyn ng matapos ang duty nila mga bandang alas singko.  "Bakz, alam mo namang gipit ako ngayon. Kaya baka patusin ko ang alam mo na.." saad dito. "Oh my, matapos kang mag-emote-emote kanina tapos may balak ka palang mag-part time na chambermaid." Talak nito. "Hindi pa ba nafagod ang ang legs mo sa katatayo ag kangingiti sa front desk kanina." Dagdag pang palatak nito. "Pero bakz, girl....gipit talaga ang family ko ngayon. Bayaran ng tuition ni bunso sa susunod na linggo kaya ngarag ang wallet ko." Saad sa mga ito. "Ha? Wallet? May wallet ka ba? Patingin.." patawang saad pa rin ni Reyn.  "Oh siya girl. Wala na kaming masabi. Pamilya mo na iyan eh. Bueno ay mauuna na kami. Basta magtext ka kapag nakauwi ka na mamaya." Ani naman ni Felize at umalis na ang mga ito. Ang hotel kasi ay nag-ooffer ng part time sa empleyado na gustong kumita ng extra. Lalo na kapag punuhan ang hotel at dahil kailangan niya ng extra ay minabuting patusin ang part time sa hotel. "Oh Dela Cruz, magpa-part time ka rin ba?" Tanong ng night shift supervisor. "Ah opo.." agad na saad dito. "Okay, katatawag ni Mister Ricarfuerte na kauuwi ang anak. Baka daw gamitin ang penthouse kaya pakilinis." Utos nito sabay abot ang access card. Confidential ang pagpasok sa penthouse kasi pag-aari iyon ng may-ari ng hotel. Na-pressure tuloy siya kaya mabilis ang galaw.  Paulit-ulit na pinunasan ang bawat gamit doon. Mabilis na nag-vacuum at nang matapos ay sinunod ang banyo. Pawis na pawis siya pagkatapos. Bahagya siyang tumingin sa salamin at tinignan ang mukha. Napabuntong hininga siya saka mabilis na tinapos ang gawa dahil may isang room pa siyang lilinisan.  Pagbukas ng pintuhan ng banyo ay ganoon na lamang ang gulat ng makita ang isang lalaki. 'Oh God!' Hiyaw ng isipan. Hindi tuloy siya makatingin sa lalaki dahil nakahubad baro ito at nahihiya siya dahil hawak pa rin sa kamay ang lahat ng gamit panlinis. "Sorry po sir, di ko po alam na nandito na kayo. Last minute kasi nag-abiso ang management." Turan rito at mabilis na umalis. Bukod kasi sa nahihiya siya rito ay mukhang iba ang titig nito sa kaniya. Halos lumuwa ang dibdib nang makalabas ng penthouse. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya nang makaharap ang anak ni Mr. Ricafuerte. Halos hindi niya nga natignan ang mukha nito dahil sa hiya rito. Bigla kasi siyang nanliit sa sarili pero para sa pangangailangan ng pamilya ay gagawin niya. "Kaya ko ito.." aniya saka nagpatuloy sa paglakad patungo sa elevator. May isa pa siyang room na lilinisin. Kailangan na daw kasi iyon by seven o'clock kaya nagmadali na siya. Mabilis siyang pumasok sa silid na iyon. Bakante na. Nagkalat ang ilang gamit. Ang kama ay wala sa ayos. "Kung mamalasin ka naman oo.." aniya ng makita ang isang bagay sa may paanan ng kama. "Ewwww.." aniya ng makita ang isang c****m. "Diosmio marimar, napakabalahura naman.." aniya habang mabilis na sinuot ang gloves niya. Mabilis ang naging galaw. Pinalitan ang kobre kama. Pinunasan ang buong paligid saka mabilis na nag-vacuum. Pinalitan ang mga towels at ilang cutlery. Inayos ang ilang na-misplace na bagay gaya ng remote control na dinis-infect niya.  Hingal na hingal siya ng matapos. Forty five minutes ay natapos niya ang buong room na iyon kasama ang toilet. Maingat na pinahid ang pawis sa noo. Mabilis na nilagay sa push cart niya ang lahat ng tinanggal na beddings saka bumalik na sa stations. Tapos na kasi ang tatlong oras niyang part time.  Ang kainaman kasi doon kapag part time. After you render some times doing it, ay may sahod na agad. Kaya pagkababa ay agad na dumaan sa HR upang kolektahin ang kaniyang part time fee. Napangiti siya sa hawak na 450. Katumbas kasi iyon ng isang araw na nilang sahod. The fact that she just spend three hours. Napangiti siya ng iabot sa kaniya ang sobre ng pinaghirapan niya ng tatlong oras. Kahit papaano ay may pambaon sa kapatid at maitatawid ang tatlong araw na pamasahe bago sila sumahod. PAGKALABAS ni Zach sa elevator ay nabigla siya ng makita ang babaeng kalalabas ng HR office nila. Bakas sa mukha ang pagod ngunit may ngiti sa labi nito habang tinitignan ang laman ng hawak nitong sobre.  Mabilis na kinapa ang ID na binulsa. Dapat ay magpapaakyat na lamang siya ng pagkain niya at matutulog na pero nang tawagan si Tristan ay nasa malapit na bar kaya pupuntahan niya ito at isasauli na rin ang susi ng yate nito. Naisip niya na ring idaan ang ID ng babae sa information desk baka kasi hindi ito makapasok bukas kung wala iyon.  Napatigil siya at pinagmasdan ito. Nakitang napahawak ito sa likod tila pagod ito. Nang makalabas sa building nila ay matyagang nag-abang. May ilang taxi na huminto sa harap pero tumanggi ito. Ilang minuto pa ang dumaan at may dyip. Punuan na iyon pero pumasok pa rin ang babae. Napailing na lamang siya.  Pumasok siya sa HR at nakita ang head ng HR department. "Hi sir, kumusta po?" Bati nito ng makilala siya nito. Ngumiti siya bilang tugon. "Miss, may nakalaglag ng ID." Aniya rito. Nang ilapag iyon sa mesa ay napangiti ito. "Ah si Miss Dela Cruz pala. Baka nalaglag niya dahil kagagaling lang dito. Isa po siya sa pinakamasipag nating employee sir. Bukod kasi sa regular receptionist natin siya eh nagpa-part time din. Mabilis at pulido." Sabad nito. "Ahhh.." turan niya. Napangiti siya ng maalala ang ginawa nito noong tanghali. Biruin ba niyang may pinagdadaanan pa ito sa lovelife nito tapos nagawa pang magpart time.  "May sasabihin po ba kayo sir?" Untag nito. "Wala naman, napadaan lang. I'm going.." anito saka nagpaalam na. Mas lalo tuloy siyang na-curious kay Giezl Gertrude Dela Cruz. Iyon ang full name ng babaeng nakita sa ID nito.  —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD