"OH GIRL, mali-late na tayo. Dali na?" Tili ni Reynaldo aka Reyn.
"Bakz, si Giezl di naman natin siya pwedeng iwan dito mag-isa." Saad naman ni Felize. Sila ang dalawa niyang best friend.
Lumapit si Felize sa kaniya. "Girl, kung hindi mo pa kaya. Huwag mong pilitin. Huwag mong kimkimin at kung gusto mo ay isigaw mo lang." Wika nito.
"Oh di kaya girl, bumalik na tayo sa hotel. Tapos na po ang break natin at baka mapagalitan tayo ni super. Ang super sa kasungitan na si supervisor Minerva." Patawa ni Reyn. "Ay...wah epek pa rin." Anito ng makitang hindi man lang siya natawa sa patawa nito.
"Tumigil ka na muna bakz. Alam mo namang mabigat ang dinadala niya—." Gagad ni Felize.
"I know right. Mabigat talaga ang dinadala niya. Anong cup ba ang b*a—." Tigil nito ng batukan ni Felize.
"Sabi ko tumigil ka." Giit rito.
"Girl, ano ka ba. Literal na five minutes na lang ang natitira sa break time natin." Gagad ni Reyn. "Bakit di na lang tayo bumalik at baka isa sa guest sa hotel ang ating the one at hindi ang Randee na iyan. Ang pangit ng hudas na iyon para masira lahat ng beauty natin." Nanggagalaiting wika nito.
"Girl, iwan ka na muna namin. Isigaw mo iyan kung gusto mo. Kung gusto mo ay magwala ka. Sana lang ay maayos ka na pagkatapos mong ilabas lahat ng hinanakit mo." Saad ni Felize saka mabilis nitong yinakag si Reyn.
Ilang hakbang pa lamang ang layo ng mga ito nang ibuka ang bibig. Ayon kasi sa librong nabasa niya. Para daw makapag-move on. May limang stage na dapat niyang pagdaanan. Una ay pain. Pangalawa, in denial. Pangatlo, angry. Pang-apat ay depression. Panglima ay moving forward.
Pero hindi siya ganoong klase ng babae. Hindi niya pwedeng pagdaanan ng lahat ng iyon dahil lang sa lalaking katulad ni Randee na manloloko.
"Ahhhhhhhhhh..." malakas na sigaw niya. Halos napatigil ang mga kaibigan sa paglayo dahil sa lakas ng sigaw niya. "Hayop ka Randee. Ang pangit-pangit mo tapos ipagpapalit mo lang ako sa mas pangit pa sa akin. Bagay nga kayo.....pareho kayong pangit. Hayop! Animal! Isa kang malaking garapata na masarap pisahin at silaban ng buhay." Hingal na turan na hindi na niya alam kung ano nga ba ang mga lumabas sa bibig niya.
"Hala siya! Sumigaw talaga. As in," dinig na tinig ni Reyn.
"Bakz, hayaan mo na. Alam mo namang, nagdurugo ang puso. Sige lang Giezl, push pa!" Sabad ni Felize.
"Makikita mo Randee. Pagsisisihan mo ng araw na niloko mo ako. Dahil ipagpapalit kita sa mas guwapo, mas mayaman at mas.......mas....mas..." wala tuloy siyang mahanap na magandang salita na idudugtong roon. "....mas masarap kaysa sa'yoooo." Inis na turan habang tila batang nagmamaktol at naglakad malapit sa dalampasigan ng Manila Bay.
"Hoy Giezl, don't tell me lulusong ka sa dagat. Alam mo bang 10million people live here in Metro Manila lahat ng dumi ay nandiyan. Ewwwww.." turan ni Reyn.
"Paano mo naman nalaman ang populasyon ng Metro Manila aber?" Salag ni Felize dito.
"I did my survey.." maarteng turan nito.
"Ahhhhhh....Randeee..demonyo ka! Dahil sa'yo, nagkakaganito ako. Ang sakit! Sakit..." aniya tapos padabog na bumalik sa kinaroroonan kanina. Saka sumalampak ng upo.
Ilang minuto siyang nakaupo roon. Kasabay ng pagtangis ay ang pagpatak ng huling luha para kay Randee. Sa kinauupuan ay nahintakutan siya ng mapansin ang may kalakihang butiki na papunta sa kaniya. Sa gilid ay may kalakihan ding bato. Agad na dinampot iyon upang ibagsak sa butiki habang papatayo siya nang mabilis siyang hinawakan ng dalawang kaibigan.
"Giezl, girl. Nooooo..." ang maarteng turan ni Reyn.
"Girl, hindi solusyon iyan sa problema mo.." awat naman ni Felize.
Napamaang siyang tumingin sa dalawang kaibigan. Na noon ay pinigilan siya sa kaniyang gagawin. Mas lalong lumapit sa may paanan nila ang butiki. "Bitawan niyo ako.." aniya sa mga ito.
"No girl. Bad ang gagawin mo. Girl, hindi pa katapusan ng world. Marami pang fafa sa mundong ito." Saad ni Reyn.
"Oo nga naman Giezl.." giit naman ni Felize.
Napatirik ang mata niya. Akala yata ng mga kaibigan at babatuhin ang sarili upang ma-tyugi na siya. "Girl, bakz. Pwede ba bitawan niyo ako. Hindi ko magso-suicide gamit ang pangit na batong ito. Dahil ibabato ko sana sa butiki na nandiyan na sa paanan natin." Saad sa mga ito at kapwa naestatwa at sabayang napatingin sa may paanan nila.
"Ahhhhh..." tiling layo ng dalawa. Sa tili ng dalawa ay natakot yata ang butiki at kumaripas din ito ng gapang. Doon ay kahit papaano ay napatawa siya. Tawang-tawa siya sa hitsura ng mga kaibigan. Nang makitang nakatawa siya ay ngumiti ang mga ito.
"Shockssssss...butiki lang pala magpapatawa sa'yo. So, okay ka na niyan girl?" Untag ni Felize.
"Yup! Tara na at baka naroroon na si super....super sa kasungitan na supervisor natin." Aniya sa mga ito at nagpatiunang nag-martya.
"Taray, may pakinding ang ale. Matapos tila baliw na magsisigaw." Parunggit ni Reyn. "Hayop ka Randee ang pangit mo. Ipagpapalit mo na nga ako sa pangit pa..." panggagaya nito sa sinabi niya.
Napapailing na lamang siya ng marinig iyon. Binatukan ito ni Felize. "Tama na, move on na. Sinuman ang babanggit sa pangalang iyan eh siya ang manlilibre ng lunch ng isang linggo. Banta ni Felize. Agad na napipilan si Reyn at tikom ang bibig na sumunod.
Pagbalik nga sa hotel ay nadatnang nakapamaywang si Miss Minerva. "At saan kayo galing? Di ba thirty minutes lang ang break time niyo?" Mataray na wika nito.
"Ah....ahemmmm..miss Minerva. We're just late exactly 10 minutes—." Saad ni Reyn.
"Exactly! You're late for 10 minutes..." giit nito.
"Oo ma'am, gaya ng sabi ko. Na-late kami ng 10 minutes pero may grace period tayong 15 minutes kaya that means hindi pa po kami late." Paliwanag ni Reyn.
"Mister Aguilar, pinagloloko mo ba ako?" Umuusok na ang ilong nito.
"Hala siya. Mister talaga.." hirit pa ng kaibigan.
"Ah ma'am. Sorry po talaga, ako po may kasalanan. Dapat po kanina pa sila nakabalik, nahilo po kasi ako kanina at tinakbo nila ako sa klinik." Awat na niya dahil mukhang mas lalong umiinit ang ulo nito sa way of reasoning ni Reyn.
Nakita namang medyo umayos ang mukha nito. "Okay, go back to work." Anito saka mabilis na umalis. Mabilis din namang bumalik sa information desk.
"Sorry guys.." bulong sa nga kaibigan.
"Wala iyon. Pero last na iyon, dahil kapag gagawa ka pa ng eksena next time. Baka pwede sa linggo para wala tayong duty." Saad ni Felize saka sila nagngitian.
—