When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
PAGDATING SA kanto luminga-linga muna si Zach. Baka kasi may kakilala si Giezl o alin sa kapitbahay nito ang makakita sa kaniya. Maya-maya ay binusinahan na siya ng kaibigan. Si Zion. "Ano ba?" Pigil dito sa pagbusina. Mas lalong makakatawag sila ng pansin. Baka malaman ni Giezl na sumakay siya sa isang magarang sasakyan. Tawa lang ang sinagot ni Zion. "Dude, para kang timang diyan. Pasok na.." anito sa nakababang bintana. "Naninigurado lang.." aniya rito saka pumasok sa passenger seat nito. Napansin nito ang bitbit niya. "May pabaon? Ano iyan.." anito sabay tingin dito. "Kakanin. Pinabibigay kina mama at papa." Saad dito. Tumawang muli ito. "Naku! Naku! Naku! Alam na...teka lang mukhang..." anito sabay singhot sa harap ng mukha niya. "Dude, magtigil ka nga. Mamaya halikan ka di