"SIGE PO BA? Manok o baboy para alam ko." Game na turan ni Zach sa ama ni Giezl na mas lalo nitong kinatawa. "Lokong bata. Oh siya, pasok na muna kayo." Anito at niluwagan ang pintuhan. Gaya ng dati ay abala ang ina at kapatid sa ginagawang kakanin. Mukhang patok naman ang negosyong iyon ng ina. Naiisip niya nga kapag nakuha ang bunos nila sa katapusan ay kukuhanan niya ito ng pwesto sa talipapa malapit sa kanila. Siguro ay dahil sa malapit na ang pasko at bagong taon kaya patok ang kakanin ng ina. "Oh anak, nandiyan na pala kayo. Baka gusto niyong kumain niyang si Zacky. May sinigang na baboy diyan." Wika ng ina. Pagtingin sa kapatid ay tudo ang ngiti nito. Alam niyang tutudyuin na naman siya nito kay Zacky. "Zacky, gusto mo bang kumain?" Komportableng tanong niya rito. "Hindi na..