PAGLINGON NI Travis sa kaniya ay napangiti ito ng makita ang nilabas niyang listahan. "Don't tell me may love letter ka rin sa ama ng nililigawan mo?" Nakakalokong turan nito. "Listahan ito, dali na at baka maubusan ako ng native na manok. Mayroon daw doon sa dulo ng palengke sabi ni Manang Ester." Aniya saka mabilis na naglakad. Sa dulo ay nakita ang may katandaan na lalaki na nakaupo sa bangko habang sa harap ay ang mga buhay na manok na nakatali ang mga paa. Ngtinginan sila ni Travis. "Bibili ba kayo mga totoy?" Ngiti ng matanda. "Manong magkano po?" Sabad ni Travis. "Dahil guwapo ka eh mga 450 isa." Anito. "Ah ganoon po ba. Sige po bibili ako." Anito at sumenyas sa kaniyang bayaran ito. Mabilis na nilabas ang may kalakihang pouch sa bag pack na puno ng barya. Paglingon sa kai