TWO: "Joseph Monteamor."
(Joseph's POV)
Para bang naramdaman ko na lang na biglang lumundag ang puso ko nang makita ko ang mukha ng babaeng 'to na nakabangga sa akin. f**k! This is very unusual to me yet familiar also!
Sanay naman na akong nakakakita ng magagandang babae, nakakalandian ko pa nga kadalasan. But this stupid beautiful girl who's right in front of me now, iba ang epekto sa akin!
If I'm not mistaken, her name is Serenity Manrique and she's from College of Education. Mahinhin at study-centered na babae. Walang ibang nalalamang destinasyon kundi bahay at paaralan. 'Ni walang kaalam-alam sa gimik. She's not that famous but of course, I know her a bit because.. its a long story.
Para siyang gulat na gulat nang makita ako. Of course, I know that she knows me. Hangal lang ang hindi makakakilala sa isang tulad kong Engineering student at team captain ng basketball varsity. I am also known to be the University bad boy, a womanizer, playboy, casanova at kung anu-ano pang tawag sa lalaking mahilig sa pakikipaglandian sa babae.
Napatingin s'ya sa mga kasama ko, kina Tyrone at Paulo.
"Bullshit!" Mahinang napamura ako.
Ako yung nandito! Ako 'yong nabangga niya kaya dapat sa akin lang mapako yung mga tingin niya! Dapat ako lang ang lalaking titingnan ng mga mata niya!
Ibinalik n'ya ang tingin n'ya sa akin. Nahihiya na naiilang ang kanyang mga mata. Napaiwas ulit s'ya, napako sa sahig ang tingin n'ya. Nahihiya s'ya sa nagawa n'ya kahit na hindi naman n'ya sinasadyang mabangga ako.
She's damn pretty!
"Sorry tlaga, Joseph.." Sabi niya.
"Kilala mo ako?" I asked her pretending as if I didn't know that she knows me.
Napatingin ulit s'ya sa akin tapos umiwas ulit. What's wrong with her? Ba't hindi n'ya magawang makatingin sa mga mata ko ng diretso?
Ako naman, I'm not breaking my eyes onto her. Ewan ko ba. Kahit tatanga-tanga s'ya pero ang sarap pa ring titigan ng pagmumukha n'ya.
"Ah eh.. " See? She's even stammering.
"Since kilala mo na rin lang ako, ibig bang sabihin nito alam mo na ring hindi ako basta-basta na lang tumatanggap ng sorry galing sa isang tao?" I asked expressionlessly.
"Ha?" Napaangat ulit s'ya ng tingin. Maybe because of her curiousity kaya nakakaya na n'yang salubungin ang mga mata ko.
"Miss ang sabi niya hindi s'ya basta na lang tumatanggap ng sorry lang." Sabat naman ni Paulo.
"And it only means, he believes that action speaks louder than words." Dagdag pa ni Tyrone.
Halata sa mukha niyang naguluhan s'ya sa sinabi ng dalawang asungot na kasama ko.
Pero totoo nga namang hindi ako basta-basta na lamang na tumatanggap ng sorry sa mga taong nagkakasala sa akin. Especially with this girl. Hindi ko tatanggapin ang sorry n'ya ng ganoon na lang. I want to punish her! What I want to do to her is.. is..
DAMN!
I can't resist it anymore!
I held her waist so tight and drew her closer to me.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya. Nakita ko ang pagkagulat at kaba sa reaksyon n'ya. I can already feel her heart beating so fast
"Anong-" Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin n'ya dahil nanigas na s'ya sa sunod na ginawa ko.
I kissed her. I kissed her torridly!
Oh f**k. Her lips tastes so good! Ang lambot-lambot ng labi n'ya at ang sarap! Damn. Parang ayoko nang bitiwan pa 'to kahit na kailan. I think I'm gonna go crazy just to brush this lips using mine!
Habol ang hiningang binitiwan ko na ang labi n'ya then I intently looked at her in the eyes then I said "Apologize accepted."
Hindi na rin ako nagulat nang isang napakalutong na sampal ang iginawad n'ya sa akin at saka mabilis na pagtakbo na s'ya palayo.
While running, I saw her wiping away her tears harshly.
I know I made her cry because its obvious that I am her first kiss. I stole her first kiss!
(Serenity's POV)
"Mommy.. " Magiliw na sinalubong ako ng pinakamamahal kong anghel. My eight-year-old son named Gabby.
Nang makalapit na ako sa kanya, agad na niyukuan ko s'ya para magpantay kami at saka hinalikan ko ang kanyang noo.
"How's my baby boy? Kumusta sa school?" I asked him sweetly.
"I'm all right, mom. Today was Shan's birthday so we celebrated it at our school. Ang saya nga po." Magiliw na kwento niya na tinutukoy ang kaklase.
"Wow really? You greeted him because it was his special day, right?"
"Of course, I did, mom."
"That's my boy!" Natutuwang sabi ko saka ginulo-gulo ang buhok n'ya. Mayamaya pa ay mahigpit na niyakap ko s'ya. "I love you, son."
"I love too, mommy." Magiliw na sagot n'ya.
I really love Gabby so much. Kung mayroon mang isang magandang bagay na iniwan sa akin ang masakit kong nakaraan, iyon ay itong anak ko ngayon. Ang napakabait, napaka-cute at napaka-lovable kong anghel na naging bunga ng mga sandaling iyon noon.
Kung mayroon man akong hindi pinagsisisihan sa mga maling bagay na nagawa ko, si Gabby iyon. Sa lahat ng mga naging pagkakamali ko, ang anak ko lamang ang naging tama. At kung mayroon man akong isang bagay na dapat pasalamatan sa taong nang-iwan at nanakit sa akin nine years ago, walang iba iyon kundi si Gabby.
My son is my life now...
"We will really going to miss you, Seni but we will still going to pray for more of your success although you're already in the Philippines." Malungkot na sabi ng American friend and co-writer ko sa Pages to Cherish na si Ynna.
"Yeah, Seni. We will still continue wishing for your lucks even though we're already apart." Sunod naman ng half-Chinese half-Spanish na si Vanessa na co-writer at kaibigan ko din.
"Don't forget us when you're already at your home. Okay?" Si Farnie naman na French woman.
Kasalukuyang nasa isang resto bar ako kasama ng iilang co-writers and close friends ko sa Pages to Cherish dahil nilibre nila ako para raw umano sa despedida party ko.
A week ago, our C.E.O said that this year the company published almost ninety-thousand copies of my novels worldwide. Because of that success, our sales of romance books increased the most, especially in the Philippines. Doon talagang mabili ang aking mga obra-maestra.
Our C.E.O informed me that I have a client in the Philippines waiting and wanting to see me and talk to me personally. He wants to buy almost fifteen-thousand copies of my books. But before the business dealing, nais raw muna nitong ma-meet ako at makilala in person, so I really need to go back in the Philippines for that business deal at pansamantalang doon na rin muna mamalagi at magtatrabaho sa isang branch pa rin ng Pages to Cherish hanggang sa mai-deal ko ang kontrata sa kliyenteng iyon.
For me, it's already a big break para sa career ko bilang isang romance writer ang mai-deal ang ino-offer ng client. Almost fifteen thousand books ang nais nitong bilhin at hindi na biro ang ganoon kalaking offer kaya nang sabihin sa akin ng C.E.O namin ang magandang balita ay laking tuwa ko at hindi na tinanggihan pa ang grasya. Next month, uuwi na ako ng Pinas to finally meet that rich client.
"Oh guys, you just don't know how much I am touched now because of your farewell words to me. I promise to always send you an email when I'm already in the Philippines. I will miss you too everybody." Sincere kong sagot sa tatlong mga kaibigan ko.
Then the four of us embraced.
(Joseph's POV)
"Oh ano? Basketball tayo, Ken?" Hamon ko sa sixteen-year-old na pinsan ng kaibigan at tropa kong si Rick.
Pumunta ako dito sa bahay ng magaling kong kaibigan dahil nagkayayaan kaming mag-inuman mamaya. Wala na rin namang gagawin sa opisina dahil natapos ko na ang mga dokumentong kailangang tapusin kaya magre-relax-relax na din muna ako kasama ng mga asungot kong mga kaibigan.
Tamang-tama papaalis na ng bahay ang batang si Ken dahil may pasok pa s'ya sa eskwelahan kahit sabado dahil sa P.E subject n'ya.
"Gusto ko man, kuya Joseph pero may pasok pa ako eh. Mamaya na lang pagkauwi ko." Sagot ng binatilyo.
"Sus! May pasok ka d'yan! Eh ba't hindi ka nakaP.E uniform? 'Di ba P.E subject ninyo ngayon? Ang sabihin mo babalik ka lang para makita si Charry. Yung third year high school na cute na crush mo. Sus! Porma mo pa lang oh!" Panunukso naman ni Rick sa pinsan n'ya.
"Haha, hindi kuya Rick! Kahapon nga lang kami nagkakilala no'n eh!" Kaila pa nito.
"Sige mag-deny ka pa, Ken! I had been at your age before at alam ko na 'yang mga ganyan-ganyang bagay." Patuloy pa rin ng kaibigan ko.
"So, binata na nga talaga 'yang si Ken, bro? Haha, kamakailan lang totoy na totoy pa 'yan ha? Haha. Ngayon, nagkaka-crush na din. Grabe!" Sunod ko naman kay Rick sa panunukso rito.
"Pati ba naman ikaw, kuya Joseph! Sige, inaamin ko na nga! Matagal ko nang crush si Charry kasi naman ang cute niya pero kahapon lang naman ako nabigyan ng pagkakataong makilala s'ya nang harapan with shake hands pa. Pero hindi naman ako umaasang magiging girlfriend ko s'ya kasi ultimong bestfriend kong si Hanz may gusto din sa kanya at nililigawan na s'ya. And besides, nauna naman talaga si Hanz sa kanya kaysa sa akin, alangan namang agawin ko 'yon sa sarili kong bestfriend?" Tatawa-tawang sabi ni Ken pero bakas din ang kalungkutan sa mukha nito dahil sa sariling kuwento.
Sapul!
Doon ako tinamaan sa narinig ko sa kuwento nito. Biglang nagbalik tuloy sa akin ang alaala kung paano kong kinalaban ang sarili kong bestfriend noon para sa babaeng tanging minahal at sineryoso ko. Si Serenity. Katulad na katulad din sa kuwento ni Ken.
"Wayne, hindi ka na yata namin halos nakakasabay lately ah? What makes you busy?" Tanong ni Paulo kay Wayne.
Nasa basketball court kami at katatapos lang maglaro. Nagsisipalitan na kami ng kanya-kanya naming mga damit dahil sa paghahanda na sa pag-uwi.
Wayne Martinez was my closest and best friend. Among the five close friends I have, s'ya ang pinakanangingibabaw sa lahat. Liban na lang kay Tyrone na parang kapatid ko na rin dahil kadugo ko naman talaga, pinsan ko to be exact.
I and Wayne have a lot in common and also have a lot in differences pero kami pa din ang naging matalik na magkaibigan.
One of the differences that we have is I am known to be a womanizer while Wayne known to be a good boy, karamihan sa mga naging relasyon niya ay seryoso, unlike mine na wala sa bokabolaryo ang magseryoso especially in terms of women.
Umupo ako sa katabing bleacher in Wayne pagkatapos kong makapagpalit ng damit. Kanina pa siya naunang matapos magpalit. Nag-aayos na lang naman siya ng kung ano sa bag n'ya.
"May pinagkakaabalahan lang akong importanteng bagay nitong mga nakaraan. Pasensya na kayo." Ani Wayne.
"Haha. Ano kaya 'yon? Chick 'no?" Panunukso pa ni Paulo.