CHAPTER 3

1752 Words
THREE: "Wayne." (Joseph's POV) "Maganda ba, bro? Pakilala mo naman kami." Sabad naman ni Rick. "Oo nga, bro. Sige ka, bad ang maging selfish." Si Tyrone naman ang humirit. "Agree. Kaya nga may tawag na share your blessings 'di ba?" Si John. "Tumigil nga kayo! Para kayong mga sira diyan!" Natatawang saway ni Wayne sa lima. Isa-isa nang nagpaalam ang iba pa naming ka-teammates from different departments and years hanggang sa kaming anim na magkakaibigan na lamang ang natira. Tapos na rin namang magpalit na damit ang lahat. Sina John at Tyrone nag-aayos na lang ng mga gamit habang ako, sina Paulo at Rick ay nakaupo na lang sa mga bleachers at nagpapahinga. Ganoon rin si Wayne na nakaupo sa bleacher habang nag-aayos din ng bag n'ya. "Ipakilala mo na sa amin 'yan, bro, nang kami mismong lima ang kumilatis." Sabad ko naman. "Sige na nga, aaminin ko na. She's a very special girl to me kahit kamakailan ko pa lang s'ya nakikilala. For me, hindi lang s'ya basta ordinaryong babae o chick. Siya ang tipo ng babae na karapat-dapat gawadan ng isang lalaki ng tunay na pagmamahal at dapat na seryosohin." Magiliw na sagot ni Wayne. He really looks like an idiot man in love. "Mukhang tinamaan ka talaga, Wayne ah? Tuloy nae-excite kaming makilala 'yang babaeng 'yan." Si John. "Sige, kapag may oras s'ya o kaya naman nakita ko s'ya habang kasabay ko kayo ipapakilala ko s'ya sa inyo." Nakangiting sagot ni Wayne. "'Yon oh!" Makulit na hirit ni Rick. Nagsihagalpakan kami ng tawang magkakaibigan... Ilang sandali pa kaming nagpalipas ng oras sa pagpapahinga kaya tuloy kung anu-ano na yung mga napagkuwentuhan namin na maya-maya ay pagtatawanan hanggang sa mabagot na kami sa pagpapahinga at nagpasya nang maglakad palabas ng gym. Maaga pa naman pala, alas singko pa lang kaya marami pa ring mga estudyante na narito sa loob ng University. Habang naglalakad kami, kanya-kanyang trip at kulitan ang mga kasama ko habang ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa likod ng mga asungot kong tropa at nakikinig tapos maya-maya ay makikitawa lang din kapag may pagtatawanan sila. "I think, I already built in my mind the picture of a girl whom I want to be with.. forever." Nabigla ako nang sabayan ako ni Wayne sa paglalakad at akbayan n'ya ako kasabay ng tila inspired na inspired na sinabi n'ya. Agad naman akong nakabawi. Napangisi ako. "In love na nga talaga ang asungot kong bestfriend." Natutuwang sabi ko sa kanya. "Yeah. Sa tingin ko nga din. You know, its a love at first sight, bro." "The girl's lucky huh!" Komento ko sabay akbay din sa kanya. "We're lucky, to be exact!" Masayang sagot n'ya. Natigilan naman ako. "Wait! What, Wayne?? Huwag mong sabihing nababakla ka na at naiinlove ka na sa akin?" Birong sabi ko kasabay ang paghagalpak sa sobrang tawa. "Gago, baliw!. What I mean is nakita ko na s'ya. My girl! She's with her friends now. Follow me at ipapakilala ko siya at ang mga kaibigan n'ya sa inyo " Sagot n'ya saka nagmadali nang tinungo ang isang bench kung saan naroon ang tatlong mga babae. "Oh saan punta ng isang 'yon?" Walang kaalam-alam na naitanong ni Tyrone habang nakasunod ang tingin sa direksyong tinatahak ni Wayne. As what we could see, sa isang bench, may tatlong babaeng nakaupo at masayang nagkukwentuhan. Nakatalikod ang mga iyon sa amin kaya hindi pa namin makita yung tatlong mga babae. "Doon sa bench na may tatlong babae. Isa ata doon ang babaeng tinutukoy n'ya na nagugustuhan niya ngayon. Sumunod tayo, ipapakilala daw niya sa atin." Sabi ko kay Tyrone sabay sunod sa direksyon ni Wayne. Sumunod na rin ang apat na asungot. "Bro!" Agad na tawag ni Wayne sa amin. Kasabay ng pagdating naming lima ang paglingon ng tatlong babaeng nasa bench. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko at hindi maintindihang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita kung sino ang isa sa mga babae. That girl with an innocent aura na tatanga-tangang binangga ako sa locker room last week kaya hinalikan ko. Serenity Manrique! Napatingin ako kina Paulo at Tyrone na parehong nasa likuran ko at gulat rin ang mga reaksyon. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nilang dalawa sa amin ni Serenity. Parang hindi rin sila makapaniwala. Small world exists! Nang magtama ang paningin naming dalawa ni Serenity, may kung anong kakaibang epekto ito sa akin. Hindi ko maintindihan ngunit tulad ng naramdaman ko no'ng nasa locker room kami, tila ayaw na ko nang alisin pa ang mga mata ko sa mukha niya. Hindi ko na halos namalayan ang paglapit sa amin ni Wayne. Natauhan na lamang ako at iniwas ang paningin ko sa babae nang maramdaman ang pag-akbay sa akin ng bestfriend ko at sa katabi kong si John. "Captain and friends, these are the beautiful Sasha, Celine, and Serenity. And girls, these is Joseph our team captain and also he's a bestfriend of mine. These are John, Rick, Paulo and Tyrone." Magiliw na kumaway at ngumiti sa amin ang mga babae bilang pabati maliban kay Serenity na tila hindi makapaniwalang kaibigan pala ako ni Wayne. In return, we did the same to Sasha and Celine. Kung susuriin, nasa freshmen pa lamang siguro ang mga ito. Hindi lang magaganda, halatang mababait din. "Where's your girl among the three?" Bulong ni John na narinig din ko din. "Serenity..." Ngiting-ngiti sagot ng bestfriend ko. I do not know why but heck! Bigla ko na lang naramdaman na tila may kung anong buwiset na bagay na sumuntok sa puso at ang sakit ng tama na iyon! This is so gay! I never felt this way to anyone before. Sa Serenity na iyan pa lamang! Ano bang mayroon sa maamong mukha ng babaeng 'yan at ganoon na lamang kalaki ang epekto n'ya sa akin.. Aaminin ko, from the first moment I laid my eyes on her matagal na panahon na ang nakakalipas ay may kakaibang epekto na talaga s'ya sa akin na s'ya lang ang nakakagawa at hindi kayang gawin ng kahit sinong babae. As a matter of fact, I had a crush on her before. Pero hanggang doon lang iyon. I warned myself. She's the girl that my bestfriend's fantasizing about kaya hindi ko s'ya pwedeng maging pag-aari kailanman... (Serenity's POV) "Good Morning, maam.." Bati sa akin ng mga empleyado sa Pages to Cherish, Philippines Inc. "Good Morning." Mabait na tugon ko sa kanila. It's been a week nang tuluyan na akong makabalik dito sa Pilipinas kasama ang anak at lola ko. After nine years, nandito na ulit ko. Ngayon nama'y nasa loob na 'ko ng malaking building ng kompanya. Everyone in this company knew me as the most influencial and valuable Filipina writer na nanggaling sa New York kaya hindi na nakapagtatakang sa bawat taong nadaraanan ko ay hindi na naitatago ang paghanga sa akin. I smiled at them. Hindi naman porque namayagpag na 'yong career ko sa New York at ngayo'y tinitingala na ako ng kapwa ko Pilipino ay magpapalaki na ako ng ulo at mang-i-snob. Of course, I will not going to do that. Kahit naging successful na ako ay hindi ko pa rin makakalimutang ano man ang mangyari dapat ay nakaapak pa rin ang mga paa ko sa lupa at marunong pa ring tumanaw sa sarili kong pinanggalingan. Anyway, I'm on my way now to office #105. Its my most awaiting day to meet my client whose planning to buy almost fifteen-thousand of my published books. Pagkalabas ko ng elevator at nang nasa tapat na ako ng office kung saan gaganapin ang business deal sa pagitan ko at ng hindi nagpakilalang kliyente ko ay hindi ko maintindihang bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang kabahan sa gitna ng business meeting ay normal lang naman sa akin sa halos tatlong taon ko nang pagiging writer sa New York but I could always managed myself naman. This time parang iba, parang hindi kakayanin ng mga paa kong humakbang papasok sa loob. Seriously, what is this unusual thing that's happening to me right now?! "You could always handle your nervousness, Serenity, kaya bakit hindi mo kakayanin ngayon?. Kaya mo 'to. Remember, this is a big break for you. Fifteen-thousand of your books will be sold today kapag umayos ka, kaya kayanin mo 'yan!" Pagpapalakas loob ko na lamang sa sarili ko kasabay ang mahabang paghugot ng hininga. I just entered the passcode of the VIP office then suddenly, it opens. Mabibigat ang mga hakbang na pumasok ako sa loob. Then the door just automatically closed nang tuluyan na akong makapasok. Medyo nakaramdam pa ako ng kaba dahil sa gulat sa biglang pagsara ng pinto. But I composed myself, hindi ito ang oras para kabahan ako, I have to make myself confident and presentable in front of my client para naman huwag syang mag-alinlangan na i-deal yung business kapag nag-sales talk na ako sa kanya. Napatingin ako sa harap ko at ang tanga ko lang! dahil may isang lalaki palang nakalikod sa akin at nakatayo malapit sa naglalakihang bintana. Ngayon ko lang sya napansin! Tahimik ito at parang ang misteryoso ng dating. Ito na nga siguro ang aking kliyente at ako lang ang hinihintay niyang maunang magsalita. "Good Morning, Sir. You're my client, right? How are you? Napaghintay ko ba kayo ng matagal?" Pauna ko trying my very best to sound presentable and pleasant despite of my nervousness. Sa bulto niya, kahit nakatalikod s'ya bakas pa din sa kanya ang kanyang natatanging kakisigan. He's wearing an all black business suit. Sa tantiya ko, nasa thirties pa lang ito. Sa sinabi ko, naghintay ako ng isasagot n'ya pero ilang minuto ang nagdaan ay hindi naman ito nagsalita. Mas kinabahan na ako. Paano kung hindi n'ya nagustuhan ang paraan ng pagbati ko? Paano kung hindi na n'ya ituloy pa ang dealing? Ramdam kong kahit air conditioned ang buong building ay pinagpapawisan pa rin ako sa kaba. "I am Serenity Manrique, Sir, and I thank you, sincerely from the bottom of my heart that you've been a part of my works, that you'll going to buy almost fifteen-thousand of my books. As a writer and business woman, its really a great pleasure for me having such readers and a buyer like you. You know, I value the most all of my readers and clients. That's why I want to say thank you, Sir." I tried the second time. This time, mas dinagdagan ko ng sinsiridad. "You're welcome." Sumagot din sa wakas! Tuluyan na s'yang humarap sa akin... .  .  .  .  .  No! This can't be! This can't really be!  .  .  .  Muntik ko nang mabitawan ang lahat ng dala-dala ko dahil sa taong kaharap ko ngayon! Ang aking kliyente. He is none other than Joseph Monteamor, my ex-boyfriend! Hindi ko mahagilap kung ano ang susunod na sasabihin o gagawin. Pakiramdam ko nanigas ako sa aking kinatatayuan. Tila lahat ng confidence ko sa sarili bilang writer-business woman sa araw na ito ay bigla na lamang naglaho...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD