ONE: "The First Meeting."
(Serenity's POV)
"Hulaan mo kung sino 'to." Magiliw at malambing na turan ng taong nasa likod ko na kararating lamang. Itinakip pa niya ang dalawang palad niya sa aking mga mata.
Awtomatiko namang sumilay ang matatamis na ngiti sa aking mga labi. "Ang pangalan mo ay Joseph Monteamor. Ikaw ang boyfriend ko at tanging lalaking pinakamamahal ko."
Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa aking mga mata at tinungo ang isa pang uguyan na katabi ng sa akin.
"The answer is definitely right." Ngingiti-ngiting sabi niya bago iniugoy ng tuluyang ang uguyan.
Kasabay ng preskong ihip ng hangin ay magkasabay rin ang pag-ugoy ng aming mga duyan.
Nasa Manila Plaza Park kami ngayon, isang pook-pasyalan na paborito naming dalawa na puntahan. Maganda ang lugar. Public place. Magaganda ang tanawin at masarap ang simoy ng hangin. Lagi kaming pumaparito dahil maliban sa nakalilibang na pasyalan ay malapit lang din ito sa aming University. Just a miles away. A walking distance.
Katatapos lang ng morning class ko at napagkasunduan namin ng dalawa na magkita rito at mamasyal. Almost one week na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil sa parehong busy kami sa aming mga school works.
"Almost one week din tayong hindi nagkita o nakalabas-labas man lang sa sobrang busy natin pareho sa mga school matters. Kumusta ka na?" Pauna ko.
"Maayos naman ako, mahal. I survived. Ngayong nakalabas na ulit tayong dalawa, masaya na rin. Ikaw, kumusta ka na?"
'Mahal' ang endearment namin ni Joseph sa isa't-isa simula nang maging kami.
"Life still goes on to me. Thank God, I can survive all the time." Tipid lang na sagot n'ya habang walang anumang lingon sa aking gawi.
"How about the team? Kumusta na kayo sa basketball?"
"Ayos lang din." Pagiging matipid pa rin niya.
Para bang nakaka-offend ang pagiging matipid n'ya ngayon. Para bang nararamdaman kong pagod s'ya ng husto sa pagiging sobrang busy sa school lately. Parang gusto kong magtampo pero gusto ko pa ring intindihin s'ya sa ngayon dahil siguro nga kailangan lang talaga niya ng pahinga.
"I missed you." Paglalambing ko.
Hinintay kong sumagot s'ya at sabihing miss na din n'ya ako ngunit nakatanaw lang s'ya sa malayo na tila walang narinig na kahit ano. Tila walang balak na tumugon. 'Ni wala ring balak lingunin ako kahit saglit man lang!
Naiinis na ako. Nakakapagtampo na kasi!
Naiintindihan ko namang baka wala lang talaga s'ya sa mood na makipag-usap ngayon dahil pagod pero tama bang kahit 'i missed you too' na lang ay hindi pa niya masabi sa akin? Eh almost one week din naman kaming hindi nagkasama!
"Joseph, may problema ba?. Alam mo kung may problema ka narito naman ako para sayo at handang makinig eh, kaya sana huwag mong sarilinin 'yan o huwag kang maging tipong sobrang tahimik kasi naninibago ako sayo." Imbes na tampo ay pag-aalala ang umapaw sa aking tono.
Sa muli, tila wala lang s'yang narinig at hindi pa din ako nililingon. Am I invisible here
"Joseph, ano ba! Nag-aalala na ako sayo at nabibingi na ako sa katahimikan mo! Wala ka man lang ba talagang balak na kausapin ako rito?" Naiinis ko na talagang sabi.
Ilang sandali pa lumingon na din s'ya dito sa gawi ko pero hindi pa din nagsasalita. Expressionless ang itsura but I could see it in his eyes that there's something wrong, na para bang may pangamba roon.
"Oh ano?. Wala ka pa ring balak magsalita?" Tanong ko ulit. "Alam mo, sana hindi na lang tayo nagkasundong mamasyal rito kung ganyan ka lang din naman pala. I think you really need rest and space for now kaya aalis na lang muna siguro ako." Tumayo na ako para mag-walk out na sana pero maagap ding napigilan niya ako.
Nasa harap ko na s'ya ngayon and I was cornered by him. Mahigpit na nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang hawakan ng uguyan dahilan para hindi ako makagalaw.
Ilang sandali kaming nagkatitigang dalawa habang nasa ganoong posisyon at sa isang saglit mula sa napaka-expressionless na mukha n'ya ay sumilay ang isang napakapilyong ngiti sa kanyang mga labi at bago pa man ako mapag-react ay inunahan na niya ako ng isang halik.
It was a sweet kiss. Paglapat lang ng ilang sandali ng mga labi namin, iyon lang. No any movements nor motions. Just a sweet plain peck.
"Sinusubukan ko lang kung gaano kaganda ang girlfriend ko kapag nagtatampo. I actually found her a Goddess. Of course, I missed you, Serenity." Napakalambing na sabi niya nang matapos ang halik namin pero cornered pa rin niya ako.
Mahinang nahampas ko ang dibdib nya.
"Ikaw talaga! Alam mo bang pinakaba mo ako. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Parang bata na maktol ko. Nagpapacute at nagpapalambing na ulit sa kanya.
"Halika nga rito." Magiliw na sabi n'ya saka maingat akong inalalayan patayo ng uguyan at pagkatapos ay mahigpit n'ya akong niyakap. "Sorry if I made you worry, mahal. Andami ko lang iniintinding mga bagay-bagay lately kaya para akong zombie ngayon kasama mo. I'm sorry." Buong suyo niyang sinabi.
Inihagod-hagod ko ng mga palad ko ang kanyang likod.
"I understand and I forgive you, Seph. Pero gusto kong malaman mo na nandito lang lagi ako para sa'yo, whenever you need someone beside you, hinding-hindi kita iiwan." Buong suyo ko ring sagot sa kanya. Tuluyan nang napawi ang tampo ko.
"And whatever will happen in the future, I will always be thankful to God that you've been a part of my life, na nakilala at minahal kita." He sincerely stated.
Para bang may kung anong bumagabag ulit sa akin para ikapangamba ko dahil sa laman ng huling sinabi n'ya but I chose to ignore the worries, mas hinigpitan ko na lamang lalo ang pagyakap ko sa kanya then I closed my eyes to make him feel that he really means a lot to me, that I will never going to leave him no matter what, and to make him feel how much I am deeply inlove with him...
"Maam, gising na ho. Nandito na ho tayo sa bahay ninyo." Nagising ako sa aking pagkakaidlip nang marinig ang boses ni Mang Lindo.
Panaginip lang pala!
Napanaginipan ko na naman s'ya! Nanaginip na naman ako ng isa sa mga naging karanasan naming dalawa noon. Bakit ba kasi sa lahat ng pwede kong mapanaginipan ay siya pa?
Napapansin ko nga lately, lagi ko na naman s'yang napapanaginipan pagkatapos ng ilang taon. What's happening to me these past few days? Hindi ko naman na s'ya iniisip pa dahil ayoko nang isipin pa siya! Matagal na panahon na iyon at naka-moved on na ako!
"Maam Seni, ayos lang ho ba kayo?"
I checked my wristwatch, alas nuwebe na pala ng gabi. Past eight kasi nang makalabas ako sa aking opisina kanina sa kompanyang pinagtatrabahuan ko dito sa New York. It's a Publishing Company named Pages to Cherish. The company publishes romance books, pocketbooks, novels, inspirational books, quotational books and even an educational books for both kids and adults. I'm an author. Isa sa mga sikat at best selling na author na kilala na rin halos dito sa buong New York.
More than three years na rin akong nasa ganitong propesyon. I already have the fame as one of the greatest author here in New York City. And it's really a dream came true!
"Maam?"
Napatingin ako kay Mang Lindo. Kanina pa pala niya ako kinakausap pero hindi ko man lang siya pinapansin.
"Ah yeah.. Okay lang po ako, Mang Lindo, may iniisip lang kasi ako. Pasensya na po." Sabi ko.
"Ayos lang ho, Maam." Mabait namang sagot niya.
Si Mang Lindo na nasa 50's na rin ang edad ang family driver namin magmula pa noong bata ako at malaki ang tiwala ng pamilya sa kanya kaya no'ng mamatay si daddy matagal na panahon na ang nakakalipas at no'ng nag-migrate kami dito sa New York kasama si lola Margarette (my dad's mom) ay isinama pa rin namin siya rito.
Bumaba na 'ko ng kotse.
"Mommy..."
(Joseph's POV)
"Nine long years..." Nasambit ko sa kawalan kasabay ng marahang pagbuntong-hininga.
Nasa eleventh floor ako ng aking eighteenth-storey company building. Nandito ako sa loob ng sarili kong opisina, nakatayo sa tapat ng malalaking bintana habang nakapako ang tingin sa mga naglalakihang gusali ng Maynila.
I am carrying with me my lonely and broken heart.
I am the great Engr. Joseph Monteamor. The C.E.O of the biggest construction company in the whole Philippines named Monteamor's Legacy, na marami na ring branches and shares sa iba't-ibang bahagi ng mundo. I am known to be this great. I almost have everything. Famous and very successful young bachelor of my generation sa edad kong twenty-nine.
People thought I already have everything. The looks, the money and the successful career na tila tipo ng taong wala nang mahihiling pa sa buhay. But God knows how lonely I am now. God knows how much I miss someone who became the most precious thing from my past and until now, I'm still longing for that person. God knows I still don't have everything, not until I see her again...
Nine Years Ago
ST. CLAIRE UNIVERSITY
Unang araw pa lang ng pasukan sa second semester, heto at marami na namang assignments kaagad. Nakakabagot na!
Naglalakad ako kasama sina Paulo at Tyrone papuntang locker room. Nandoon yung ibang hand-outs na kailangan naming i-review para masagutan yung mga assignments.
Pabirong nagmumurahan kaming tatlo tungkol sa mga lintek naming mga professors na unang araw pa nga lang ng klase, papatayin na naman ang mga estudyante sa dami agad ng mga assignments at requirements!
Suddenly, there was a stupid girl who bumped me and worst, she left a stained of chocolate cake on my uniform!
What the heck?
" Sorry! Sorry tlaga.. " Pinunasan niya yung mantsa ng cake sa damit ko.
STUPID! This is bullshit!
Patuloy lang s'ya sa pagpupunas habang nagso-sorry ng paulit-ulit but she stopped when she heared me say,
"Stop."
Sa pagkakataong iyon tumigil nga s'ya. She raised her head to look at me. And the heck? This is really bullshit, ang ganda niya!
——-
AN: Sana nagustuhan ninyo, guys. Godbless us all ;-)