CHAPTER 4

1359 Words
FOUR: "For the sake of business." (Serenity's POV) "How are you, Serenity?" Tanong n'ya habang hindi inaalis ang matalim na mga matang nakatutok sa akin. Tulad noong mga college pa lang kami, ang lakas pa din ng karisma nya at masasabi kong mas gumwapo pa s'ya ngayon dahil nadagdaganan pa ang ganda ng hubog ng physical features n'ya. He's really a damn good looking man! Mula sa pagkakahina ko ay tumuwid pa rin ako. Iniayos ko ang sarili ko at matapang na sinagot sya. "I'm alright. Really alright." Sabay iniwas ang mga mata ko sa kanyang mga mata. "Yeah. As I could see, you're alright." Aniya saka unti-unting inihakbang ang mga paa palapit sa akin. Umatras ako. Hindi s'ya tumigil sa paghakbang kaya atras din ako nang atras. Damn! What will he going to do to me?! At bakit kabang-kaba ako! Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagtama ng likod ko sa wall. Then he pinned me there. Iniharang n'ya ang kanyang dalawang kamay sa gilid ko, both right and left, kaya wala akong takas. He already cornered me. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. "You're really alright. Masaya ka ba?" Seryoso ang mukha na tanong nya at walang ano mang kaexpre-expression ang makikita mula roon. Heck! What kind of question is that and what was that for?! I tried to meet his dark eyes but I couldn't help it. Hindi ko pa rin kayang salubungin ang matitiim n'yang mga titig na hindi ko rin alam kung ano ang ibig ipahiwatig. "Why are you asking me that kind of question?. Wala ka nang pakialam roon." Sinusubukan ko mang patapangin ang boses ko pero hindi pa rin nito kayang maitago ang pagdaramdam ng damdamin ko. Nabigla ako nang mas inilapit pa niya ang mukha nya sa akin. We are now almost just an inch apart and I could already feel his breathing. Amoy na amoy ko ang panlalaking perfume n'ya na mas nakakapagpadagdag pa sa kaangasan ng p*********i n'ya. "Masaya ka ba?" Muli niyang tanong, mas madiin ang bawat salita ngayon. The heck he cares if I'm happy or not! Ano bang pakialam n'ya sa buhay ko?! May sariling buhay naman s'ya diba? kaya bakit pa n'ya ako pakikialam?! "I almost already have everything now. All of my dreams already granted. I am famous and a very successful romance writer na namayagpag sa New York. I have a great career. I already have huge properties and money. So yes, Mr. Monteamor, I'm happy. Completely happy!" Mayabang na sagot ko. Bagaman, alam ko sa sarili kong hindi iyon totoo. Dahil kahit na successful na ako sa career ko at naabot ko na nga ang mga pangarap ko, hindi pa rin ako masaya. Oo, masasabi kong masaya ako sa mga achievements ko pero ramdam ko pa ring may malaking puwang pa rin sa puso ko na may nangingibabaw pa ring kalungkutan. "Okay. Let's proceed to the main agendum then." Sabi n'ya saka lumayo na sa akin. Nakahinga rin ako sa wakas ng maluwag. Pero mayroon akong napansing reaksyon sa mga mata niya sa huli kong mga sinabi. It seems like loneliness? Parang malungkot yata ito. Nakapagtataka ngunit agad ko din namang iniiling ang ulo ko. Hindi, imposible iyon. Kahit kailan walang puwang rito ang kalungkutan lalo't kung dahil sa akin. Walang dahilan para maging malungkot s'ya nang dahil sa akin kasi alam kong 'ni minsan hindi naman n'ya ako minahal ng totoo... "I still have almost one month para pag-isipan ang magiging desisyon ko for our business deal, 'di ba?" Aniya nang matapos ng mahaba naming diskusyon tungkol sa mga qualities ng mga libro'ng nai-published ko na ngayong taon na nais nitong bilhin. "Yeah. Kaya sana pag-isipan po ninyong mabuti ang offer ng kompanya namin and besides, dahil almost fifteen-thousand books din ang plano ninyong bilhin malaki rin ang makukuha ninyong discount. So, please, take your time to think well about the dealing." Pormal kong sagot. Despite of what happened just a while ago, we both still managed to be professional with each other at wala namang naging problema sa pagitan ng pormal naming usapan patungkol sa business at tanging business lamang. Kahit na pansin kong sa kalagitnaan kanina ng aming diskusyon ay seryoso at matiim pa rin syang nakatitig sa akin at kahit sobrang nakakailang I still chose to handle my conciousness not to be intimidated. "Okay, I will." Sabi n'ya at saka tumayo na at kinuha ang dalang briefcase na nasa table. "For now, I need to go back to my office at our company because I still have a lot of things to do and papers to sign. Get this. This is my information card. Nakasaad rito ang pangalan ng kompanya ko and all of my available contact informations. I want you to personally meet me at my own office tomorrow. We still have a lot of things to be discussed."Sabay bigay sa akin ng maliit na card na umano'y information card nya. Hindi pa ako nakakapag-react ay naglakad na s'ya palabas ng office. Naiwan akong nakaawang ang bibig. I looked at his information card. Gusto niyang pumunta ako ng personal sa opisina ng kompanya niya bukas dahil marami pa umano kaming dapat pag-usapan? But he didn't straightly stated that we are going to talk about business matters. Iniiling ko ang aking ulo. Natural! Business matters ang pag-uusapan namin! Alangan namang ano pa? Eh 'yon nga ang dahilan kung bakit after nine years nagkita ulit kaming dalawa 'diba?! Oh stupid me! These are all just about business. 'Yon lang iyon! (Joseph's POV) "Sir Joseph, nandito na po si Ms. Manrique." Wika ng sekretarya ko sa telepono. Nasa labas lang ng office ko ang desk n'ya pero ayokong kinakatok ako sa pintuan ko lalo't kapag busy ako kaya if ever na may bisita ako ay tinatawagan na lamang n'ya ako gamit ang telepono. "Papasukin siya." Matipid ngunit masigla kong sagot. "Opo." Aniya sabay tapos ng tawag. Ilang sandali pa ay iniluwa na ng aking pintuan ang napakagandang si Serenity. "Good Morning, Mr. Monteamor." Pormal na bati ng dalaga. "Good Morning. You may take your seat." Sagot ko sabay turo ng visitor's chair na nasa harap ko. "Okay."Agad namang naging pagsunod n'ya. "Buti naman at nakarating ka. Nabakas ko kasi sa mukha mo kahapon na parang nagdadalawang-isip ka pang paanyayahan ang imbitasyon ko." Pormal na pauna ko trying really hard na hindi ipahalata rito ang kasiyahan ko dahil sa presensya nya ngayon. I could not deny the fact that Serenity is still so pretty as she was in her seventeen. Napaka-lovely pa din ng mukha niya. Hindi na sya kasing inosente ng noon, she looks like she already grew up a bit. She looks fiercer but still captivating to the point that I could just found my heart beating so fast now. Ganoon katindi ang dating ng isang tulad nya sa akin. Actually, gustong-gusto ko nang mapangiti kanina pa lang nang una itong makita but I chose to hide it dahil ayokong mawala ang pormalidad kapag kaharap sya lalo pa at ang ipinunta niya rito ay business. "For the sake of business, why not?" Casual na sagot niya na tila may nais iparating habang sarcastic na nakangiti. "Yeah. For the sake of business." Pagsakay ko sa sinabi niya. In a sarcastic way also... (Serenity's POV) Naglalakad na ako ngayon palabas ng malaking building ng kompanya ni Joseph sa Monteamor's Legacy. Natapos din naman ng maayos ang business discussion sa pagitan naming dalawa. I am quietly walking when suddenly I bumped a man. Nahulog tuloy ang mga papeles na aking mga dala-dala. "Sorry.. Sorry talaga.." Paulit-ulit na sabi ko habang nakayuko at pinupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig without even taking a look to this man. "No, Miss, don't be. Its my fault kaya ako dapat ang magsorry. Sorry ha?" Mabait na sagot ng lalaki habang nakayuko ring tinutulungan ako sa pagpupulot ng mga papeles ko, without looking at me also. Nang maayos namin ang lahat, sabay kaming tumayo nang tuwid at pareho kaming nagulat nang makita ang mukha ng isa't-isa. "Serenity?" Masayang sambit niya habang tila hindi makapaniwala na nandito ako ngayon. "Wayne!" Masaya din na sagot ko. Pareho sa naging reaksyon n'ya. "Wow. I can't believe it na makikita ulit kita after how many years. Kailan ka pa nakabalik dito sa Pilipinas? And what are you doing here sa kompanya ni Joseph?" Makahulugan ang naging huling tanong nito. Alam ko kung ano ang iniisip n'ya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD