CHAPTER 5

2408 Words
FIVE: "One on one." (Serenity's POV) "It's not what you think, Wayne, okay? I'm here because Mr. Monteamor is my latest client, a buyer of my books. Kagagaling ko lang ng office n'ya because we had a discussion about business matters, at hanggang doon lang iyon. Nothing more, nothing less. Anyway, last week lang din ako nakabalik dito sa Pinas." Paliwanag ko. "Glad to hear that. Akala ko kasi bumigay ka na naman ulit. Well, I'm happy to see you again here pagkatapos ng almost nine years mong pamamalagi sa New York. Anyways, kumusta ka naman?" "Hindi na 'no. Haha, natuto na ako. Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka din?" Tanong ko na sa unang bahagi ng sinabi ay may bahid ng kasinungalingan. Ever since, close naman talaga kami nitong si Wayne. Masasabi ko nga rin na itinuring ko rin s'yang isa talaga sa mga totoong naging bestfriend ko noong kabataan namin. Naalala ko tuloy kung paano kami noon unang nagkakilala ng isang 'yan... -ST. CLAIRE UNIVERSITY-  May isang oras akong bakante sa klase ko ngayon. Hindi ako sigurado kung pupunta ako ng library kasi parang wala rin ako sa mood. Nandito ako sa ground ngayon at nakaupo mag-isa sa isang bench. Naalala ko na naman yung insidenteng nangyari noong isang araw. Yung hindi sinasadyang nabangga ko si Joseph sa locker room at hinalikan nya ako for a compensation! Parang nakakainis na nakakainsulto lang! Dahil lang sa nabangga ko s'ya at popular s'ya dito sa school kung kaya't pwede na lamang n'yang gawin ang mga gusto niyang gawin sa mga schoolmates n'yang mga babae? Ganun na lamang ba iyon! Hay! Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang crush ko pa naman sana si Joseph Monteamor eh, at halos isang taon na rin akong lihim na humahanga sa kanya. Hindi tulad ng ibang mga babaeng lantarang magpahayag ng kanilang damdamin sa huli, ako naman ay pasimple at patago lamang kung humanga. Patingin-tingin lang sa kanya kapag nakikita ko s'ya sa malayo. Pero dahil sa ginawa nya, wala na! Na-turned off na ako sa kanya! Ayoko na sa kanya. "Kung pwede ko lang hilingin na ako na lang sana ang dahilan ng malalim na pag-iisip ngayon ng isang napakagandang babaeng tulad mo.. " Napatingala ako sa lalaking nagsalita. Nakangiti s'ya sa akin at maamo ang mukha n'ya. Parang ang bait-bait n'ya, itsura at ngiti pa lang. "Pwedeng makiupo?" Nakangiti pa ring tanong n'ya. Hindi pa ako nakakasagot ay naupo na nga sya sa tabi ko. Ako naman ay pinagmamasdan lang s'ya. Sa panahon ngayon ay mayroon pa rin palang natitirang lalaking may itsura na napakaamo at mukhang kay bait na tulad n'ya. "I'm Wayne Martinez. Transferee ako dito sa St. Claire and I am a second year Engineering student. Ikaw, Miss?" Sabi niya sabay lahad ng isang kamay para makipag-shake hands. Kung makitungo s'ya sa akin para bang matagal ko na s'yang kaibigan gayong ngayon ko pa nga lamang s'ya nakita. Tinignan ko lang ang kamay n'yang nakataas. Nag-aalinlangan ako kung tatanggapin ko ito o hindi. Nang akmang ibababa na sana n'ya dahil parang wala naman akong planong abutin iyon ay doon ko pa iyon tinanggap. "Serenity Manrique. Freshmen BSED-English." Nag-aalinlangan ko pang pagpapakilala. "Your name suits you. Ang ganda." Puri pa niya. Binawi ko na ang kamay ko. "Since transferee ako rito at ikaw pa lang ang una kong nilapitan at nakilala, Ms. Serenity. Pwede bang maging kaibigan kita?" Nag-alinlangan ako. Tinignan ko lamang s'ya at sinuri. Magiliw lang s'yang nakangiti sa akin. Mukha naman s'yang mabait eh, kaya wala namang masama kung pagbibigyan ko s'ya sa pakikipagkaibigang nais n'ya 'di ba? I smiled at him. "Tanggalin mo na ang Ms. pwede namang Serenity or Seni na lang, and yes, we can be friends." Gumuhit ang kasiyahan sa mukha n'ya. "Talaga, Seni, pumapayag ka?" Masaya ring tumango-tango ako. "Mukha ka namang mabait eh kaya okay lang naman siguro." Nagulat pa ako ng hawakan n'ya ang dalawang kamay ko. Tuwang-tuwa s'ya. "Salamat, Seni!" Natatawang binawi ko ang mga kamay ko. "Hmmp! Hindi pa tayo ganoon ka-close 'no!" Echuserang sabi ko. "Hehe. Sorry" At tuluyan kaming nagkatawanang dalawa. At doon na nagsimula ang magandang friendship naming dalawa ng isang Wayne Martinez... "Better because I saw you again. Haha. Grabe, laki na rin ng pinagbago mo, you look fiercer but you're still as pretty as you were in seventeen." "Sus, Wayne! Bolero ka pa din hanggang ngayon!" Tatawa-tawa kong sabi sabay mahinang hinampas siya sa braso. "Aray ko po! Nakakaisa ka na kaagad kahit kakikita pa lang natin ulit ah!" Tatawa-tawa ring sabi n'ya at kunwa'y napahawak sa braso na hinampas ko. Nag-inarte pang sumakit iyon. Sus! As if namang malakas yung paghampas ko do'n no! 'Ni wala pa nga'ng kalahati yung lakas ng hampas ng kamay ko sa tigas ng muscles ng braso n'ya. Taong 'to! Haha wala pa rin talagang ipinagbago. Nakakatuwa lang. Hayan tuloy! Tuluyan na kaming nagkatawanang dalawa. Para lang kaming bumalik sa pagiging teen-ager namin no'ng mga college palang kami na nagkukulitan at nagkakatawanan... (Joseph's POV) Lingid sa kaalaman nina Serenity at Wayne, habang masaya silang nagtatawanang dalawa, ako naman ay nakamasid at nanunuod lang sa kanila. Naikuyom ko ang mga kamao ko habang pinanunuod ang kasalukuyang masayang scenario sa pagitan ng bestfriend ko at ng dati kong nobya. Naparito ako dahil sinundan ko si Serenity, ilang minuto kasi kanina nang umalis s'ya at napansin ko ang briefcase na naiwan niya sa table ko nang matapos ang maayos na business discussion naming dalawa. Agad kong kinuha ang briefcase at sinubukan siyang hanapin para sundan at ibalik sa kanya ang naiwan niya. Nang nasa likod na n'ya ako at halos abot kamay ko na s'ya, tatawagin ko na lang sana s'ya when suddenly she bumped a man. Tutulungan ko pa nga sana siyang pulutin ang mga papeles n'yang nagkalat sa sahig but when I recognized the man, I eventually changed my mind at nagtago na lang sa isang sulok while watching the whole scenario between the two of them. Kung gaano ang mga ito kasaya nang makitang muli ang isa't-isa. I cannot deny the fact that seeing them happily reunite made my heart ached. Naalala ko tuloy kung paano kong naging mortal na karibal noon si Wayne sa puso ni Serenity no'ng mga college pa lang kami... 2006, ST. CLAIRE UNIVERSITY...  Simula nang ipakilala ni Wayne ang special someone umano nito sa amin, who happened to be Serenity. Pati ang dalawang kaibigan ng dalaga ay naging close na rin namin ng barkada yung tatlong girls. True friends. Walang halong kalandian, because from the start, hindi naman kasi talaga flirt ang tatlo. Studious nga at mababait. Habang nagtatagal at lagi kong nakikita at nakakasama si Serenity, kahit hindi ko naman s'ya nakakausap dahil sa tatlo silang magkakaibigan at sa anim kaming magkakabarkada nina Wayne ay hindi rin naman talaga kami naging close na dalawa. Siguro ay dahil na rin doon sa insidente sa locker na hanggang ngayon ay walang kaide-ideya si Wayne, at ilang pa rin si Serenity sa akin. Ako naman kasi ang klase ng taong kapag alam kong ayaw akong kausapin o kaibiganin ay hindi rin ako magtatangkang maunang pumansin. Pero dumating pa rin sa puntong hindi ko na maitanggi pa sa sarili kong minsan ay nakakaramdam na 'ko ng inggit kay Wayne kapag kasama nito si Serenity. Minsan pa nga natatagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kahilingang sana ako na lang ang naunang lumapit sa dalaga dahil baka sakaling imbes na ang bestfriend ko ay ako siguro ngayon ang nasa posisyon n'ya at higit na mas may karapatan kay Serenity. Sa paglipas ng mga araw, hindi pa rin nakakahanap ng lakas ng loob si Wayne para ipagtapat kay Serenity ang tunay niyang damdamin para sa dalaga. Minsan may mga pagkakataon ring nakakasama ko si Seni nang kaming dalawa lang, kapag nakakasalubong o nakakasabay ko s'ya sa campus. Ang bawal at itinatagong lihim na pagtingin ko sa dalaga ay mas lumalim pa nang isang-araw ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkasamang dalawa and then I just realized how lovely she was. She was truly like an angel sent from above. A pretty and innocent angel. Totally different from those common women na naikama ko na. Para bang siya na ang babaeng nakita ko na ang sarap na mahalin ng tunay at seryosohin ng isang katulad ko. But many times I told to myself na hindi na pwede because this girl's already reserved for my bestfriend. Ngunit isang araw ay nagawa ko ang isang bagay na ikinagulat ng lahat, ng barkada, ng bestfriend ko na kahit ako ay hindi ko rin lubos akalaing magagawa ko... Isang hapon sa gym, sa basketball court, katatapos lang naming mag-practice ng teammates ko at kaming anim na lamang ng barkada ko ang naiwan. Tapos na rin kami magpalit ng kanya-kanya naming mga damit at nakaupo na lang sa mga bleachers para magpahinga. Todo kuha ng papuri si Wayne mula sa barkada sa maganda raw umano nitong performance sa game ngayong araw. Halos lahat kasi ng shot na nagpapanalo sa game ay nagmula sa kanya. "Ewan. Sinuwerte lang siguro ako ngayong araw." Humble na sagot n'ya sa mga kaibigan namin. "Sus! Kunwari ka pang humble, Wayne! Hahaha."Patutyada ni John. Nagkatawanan ang lima. "Maglaro ulit tayo, Wayne, but this time one on one game." Bigla kong seryosong panghahamon sa kalagitnaan ng pagsasaya nila. Nagulat silang lima, napatahimik at napatitig sa akin with a question mark on their faces. "At kung sino ang mananalo, there will be a consequence. Pagbibigyan ng natalo ang kahit na anong hilingin ng nanalo." Dugtong ko pa sabay pagsalubong sa mga mata n'ya. Kahit na nagulat at nagtaka s'ya sa una ay nakabawi din naman agad at ngumiti pa. "Sige ba. Mukhang magiging exciting 'yan ah." Nakangiting sagot niya. The game started. Sinikap kong gawin ang lahat para manalo. Sa kabila ng hindi magandang mood ko sa araw na iyon dahil sa dinami-rami ng mga tambak at sunod-sunod na mga problemang dumating sa buhay ko na hindi rin ko rin magawang masabi sa kahit kanino. Ang daming mga bagay-bagay na gumugulo sa utak ko, pakiramdam ko nga sobrang stress ako dahil sa mga problema ko. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ay ayoko pa ring magpatalo. Not just because I'm the Team Captain kaya hindi ako pwedeng matalo dahil bukod sa nakakahiyang matalo ng kanyang team member ang kanilang Captain Ball ay ayoko talagang matalo sa ngayon. Not this time. Hindi ko maitatangging medyo nahihirapan din akong ipanalo ang laban na ito kay Wayne dahil kahit ako ang team captain ng Varsity pero lahat din naman kasi sa team ko, partikular na ang limang mga kaibigan ko ay magagaling. May kanya-kanyang mga istilo at tricks para maipanalo ang bawat laban saan man kami dalhin at ipambato. But I used my excellent styles this time kahit kaibigan at ka-team ko pa ang kalaban ko that's why the game finished the way I wanted it to be. I won. "Sinuwerte ako ngayong araw sa practice natin pero hindi pa din kita nagawang talunin, Captain. Haha. Ang galing mo talaga! At dahil nga nanalo ka at natalo ako, kailangan kong pagbigyan ang kahit na anong hilingin mo ngayon. So, what do you want? A new luxurious car? My new model of DSLR? Or a chick? Sabihin mo lang at hahanapan kita." Cool pa ring ani Wayne. Syempre, lahat ng mga mamahaling bagay na kanyang nabanggit para ipambayad sa pagkatalo laban sa akin ay kayang-kaya niyang bilhin. He could afford all of those stuffs kahit ngayon pa mismo ako pumili at magpabili sa kanya. Pero wala sa mga materyal na bagay na kanyang nabanggit ang gusto kong makuha. Isa lang ang gustong-gusto kong makuha sa ngayon. Hindi pa ako nakasagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa malayo na tila may kung ano mula roon at walang naririnig saka malalim ang iniisip. "Hey, bro! Ano na? Ano'ng gusto mo?" Tanong ulit n'ya. Seryoso at matapang na tiningnan ko s'ya nang mata sa mata, then I answered him. "Serenity. I want Serenity.. " Sa sinabi ko pati barkada namin ay biglang napalingon sa gawi ko dahil sa pagkabigla at tila hindi makapaniwala. Liban na lamang kina Paulo at Tyrone na hindi na nagulat pa dahil tila alam na talaga nilang dalawa na darating ang araw na mangyayari ito. Silang dalawa ang kasama ko noon nang mangyari yung insidente sa locker kaya alam kong may duda na rin sila sa kung ano ang tunay na nararamdaman ko para kay Serenity. Samantala, si Wayne naman ay biglang nagbago ang timpla ng modo at ekpresyon ng mukha, napalis ang kaninang masigla at cool niyang ngiti. "Ano? Nagbibiro ka ba, bro? Tigilan mo 'yan dahil hindi ako natatawa." Seryoso niyang sagot sa sinabi kong gusto ko. Ramdam ko na rin ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa. I'm sorry, bro but I have to do this. "Hindi ako nagbibiro. I want Serenity." Seryoso ring ulit ko. At hindi na rin ako nagulat nang maramdamang tumilapon ako sa sahig dahil sa malakas na suntok sa mukha na ibinigay niya sa akin. "Gago ka ba?! Alam mo ba kung gaano kahalagang bagay ang hinihingi mo?! Anong klase kang kaibigan?! You challenged me on playing one on one game with a consequence at pumayag ako because never in my mind I thought na si Serenity ang hihilingin mo!" Galit na galit na bulyaw niya habang dinuduro-duro ako. "Nauna mo lang siyang nilapitan kaysa sa akin, Wayne, pero maniwala man kayo o sa hindi, matagal ko na s'yang gusto, wala ka pa man rito noon at hindi mo pa s'ya man nakikilala. Hindi nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan s'ya." Sabi ko habang hindi tinitingnan ang mukha ng galit kong kaibigan at hindi na rin ako nag-abala pang itayo ang sarili ko mula sa sahig. I deserve this. I deserve to be beaten more than this dahil sa pagtatraydor sa sarili kong kaibigan. But no matter what, I still need to get Serenity. Kailangang-kailangan ko pa ring makuha ang dalaga lalong-lalo na ang pag-ibig niya. "Tumigil na kayo'ng dalawa, Captain at Wayne. Dati-rati hindi niyo naman nagagawang mag-away dahil lang sa isang babae ah!" Sabi John habang kasama si Rick na pinipigilan ang magkabilang braso ni Wayne para muli akong sugurin at suntukin dahil sa huling sinabi ko. Sina Tyrone at Paulo naman ay tinulungan akong tumayo. Kahit kailan hindi pa nga naman kami nag-away ni Wayne dahil lang sa isang babae kaya tila hindi makapaniwala ang barkada ngayon na nag-aaway na nga kami, and it's because of Serenity. "Hindi ka nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan s'ya? Oh come on! Lokohin mo ang lelang mo, Seph! Isang famous at hunk womanizer ng University, bigla na lang natorpe? Sino niloko mo/ Gusto mong ibigay ko sa'yo si Serenity dahil lang medyo type mo s'ya? Tapos 'pag napasayo na, anong gagawin mo? Liligawan, gagawing girlfriend, tapos sasaktan at iiwan kagaya ng ginagawa mo sa mga naging ex-girlfriends mo? Gano'n ba!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD