SIX: "Gustong-gusto ka ni Wayne."
(Joseph's POV)
"Wayne, enough!" Awat ni Paulo habang sinusubukang pahupain ang init ng ulo ni Wayne.
"Kayong mga tropa ko, alam ninyong lahat na sa grupong 'to, ako at si Tyrone lang ang matino. Hindi kami nakikipag-relasyon just for fun. Lahat ng mga naging relasyon ko ay nagtatagal dahil nagseseryoso ako. Ngayon, sabihin n'yo kung sino ang mas nababagay sa isang inosente, mapagmahal at mabait na babaeng tulad ni Serenity, ako na nagmamahal at nagpapahalaga o ang isang womanizer na tulad ng isang Joseph Monteamor? 'Di ba ako naman? Kaya sorry na lang, dude hilingin mo na ang lahat-lahat, but definitely not Serenity, dahil hinding-hindi ko s'ya ibibigay sa'yo!" Patapos na ani Wayne kasabay ng marahas na pagtanggal ng magkabilang braso n'ya mula kina Rick at John.
Then he left.
Hindi pa doon natapos ang lahat dahil desidido talaga akong mapasaakin si Serenity, ano pa man ang mangyari.
Nakatambay akong mag-isa sa isang lumang classroom sa may bandang corridor, isang hapon. Inaabangan ko ang pagdaan ni Serenity dahil sa pagkakaalam ko, magkikita silang dalawa ni Wayne. At magtatapat na ang huli patungkol sa tunay niyang nadarama para sa dalaga.
Sa ilang sandaling paghihintay, sa wakas naaninag ko rin ang inaabangan kong dumaan. Nagulat pa siya nang hawakan ko ng mahigpit ang isang kamay niya na ikinahinto at ikinalingon niya sa akin.
"Captain Joseph, nandiyan ka pala? Anong ginagawa mo d'yan? Nag-iisa ka?" Sunod-sunod na tanong niya nang makabawi sa pagkagulat.
"Saan ka pupunta? Sa library ba kung saan naroon si Wayne?" Seryoso kong tanong habang matamang nakikipagtitigan sa kanya ng mata sa mata, ignoring all of her questions.
Agad na iniwas niya ang mga mata niya sa akin. Tulad ng lagi, hindi pa rin niya kayang salubungin ang mga tingin ko. Para bang nahihiya na naiilang pa rin siya sa akin o ano.
"Ah oo, sa library ako pupunta, may ibibigay raw si Wayne eh saka may kailangan raw siyang sabihin." Aniya.
"Huwag kang pumunta." Diretsong naisatinig ko.
"Ha? Bakit naman?"
"May kailangan akong sabihin sa'yo. Doon tayo sa loob ng classroom." Hindi pa man siya nakakasagot ay hinila ko na siya papasok.
Pagdating sa loob binitawan ko ang kamay niya. Nagpalakad-lakad ako habang alam kong nakasunod naman s'ya sa likuran ko. Nagtataka yata s'ya sa kakaibang ikinikilos ko ngayon.
"Seph, ano bang sasabihin mo? Pwede bang sabihin mo na kasi hinihintay na ako ni Wayne sa library." Wika niya.
Nagulat s'ya nang tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya tapos ay walang pakundakang ipinangko ko s'ya sa white board. I concerned and pinned her there. Nasa magkabilang gilid ng ulunan n'ya ang dalawang kamay ko kaya wala s'yang kawala.
Bakas sa mukha n'ya ang pagkabigla at pagkataranta. Nahuli ko din ang biglang pamumula ng kanyang mukha.
"Nakikiusap akong huwag mo nang puntahan si Wayne dahil magtatapat lang s'ya sayo ng nararamdaman niya. Gusto ka nya, Seni." Ipinagtapat ko na ang gusto kong malaman n'ya.
Nagulat na naman s'ya. "Ha? Ano bang sinasabi mo, Joseph?"
"Gusto ka ni Wayne."
"Gano'n ba? Gusto ko din naman s'ya ah, kayong lahat na barkada niya kasi mababait kayo sa amin nina Sasha at Celine. Saka si Wayne, para ko na rin talaga s'yang nakatatandang kapatid." Inosenteng sagot n'ya.
"Look! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is, he likes you, gusto ka niyang maging higit pa sa kaibigan. Gusto ka niyang ligawan."
Mas ikinagulat pa nito ang huling sinabi ko. Hindi sya makapaniwala.
"Gustong-gusto ka ni Wayne." Pag-uulit ko pa.
Damn! Maniwala ka na, Serenity! It's not impossible na magkagusto si Wayne sa'yo in a way you didn't expect! Kahit sino pang lalaki at kahit ilan pa ang sabihin ko ngayon na nagkakagusto sa'yo ay magiging kapani-paniwala dahil hindi ka ganoon kahirap na magustuhan ng kahit na sino, Serenity Manrique!
Hindi s'ya nakasagot.
Pwes kung hindi s'ya madadala sa masinsinang usapan, ako na rin mismo ang magdadala sa kanya sa santong paspasan!
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya hanggang sa halos maramdaman ko na ang paghinga niya at naririnig ko na din ang lakas ng pagkabog ng dibdib n'ya.
Tuluyan na ulit siyang nawalan ng lakas ng loob na makipagtitigan sa akin ng mata sa mata dahil sa kaba at ilang na nadarama niya.
"Hindi mo naman s'ya gusto, 'di ba?" Seryoso kong tanong.
I'm sorry Wayne, but I really have to betray you this time in order for me to completely make Serenity mine.
Nagtangka ulit s'yang tingnan ako sa mga mata pero alam kong hindi pa rin n'ya magawang mahagilap kung ano man ang sasabihin n'ya.
"I can see it in your eyes, hindi mo gusto si Wayne tulad sa paraan ng pagkagusto n'ya sa'yo dahil may gusto ka nang iba. Alam kong sa gagawin ko ngayon iisipin ng lahat na masama ako, na wala akong kuwentang kaibigan, and I am so selfish but Seni.. I like you, and I could feel it that you feel the same way for me too." Pagtatapat kong hindi na itinago ang pagsuyo sa aking tinig.
I want to do it now. I want to win her heart.
Sa maraming pagkakataon, nagulat na naman s'ya. But then again, she looked away.
"Seni, please look at me and tell me I'm right. Seni, nagagawa ko 'to dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. I also want to say sorry dahil sa kapangahasan na nagawa ko sa'yo noon sa locker but I want you to know, kahit doon pa lang sa insidenteng iyon nagkagusto na ako agad sa'yo hindi pa man kita nakikila at hindi ka pa man naging kaibigan ni Wayne. Nasanay akong laging ako ang hinahabol ng mga babae, na sila ang unang lumalapit sa akin. All my life, ngayon lang ako naging desperado ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman na ako ang unang nagkagusto sa isang babae. Seni, after my father's death, hindi na ulit ako naging lubos na masaya. Lagi akong nagpaparaya para sa kapakanan ng iba, ibinabahagi ko ang ano mang mga bagay-bagay na mayroon ako sa mga taong nakapaligid sa akin, nagpapaubaya ako. But not this time dahil sa ngayon gusto ko na ring maging makasarili, kahit ngayon lang talaga. I like you, Serenity. Every little moment na magkasama tayo, nagiging totoong masaya ako. Maniwala ka man o hindi, ngayon lang ako nakadama ng sincerity para sa isang babae." Mahabang litanya ko, with all the sincerity in my heart.
"Noon pa lang kuntento naman na ako na tinitingnan ka lang mula sa malayo, Seph, kahit may iba kang kasama, ayos lang sa akin, at least nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo. Makasama lang kita noon o makasabay sa paglalakad kahit saglit, ang saya ko na kasi nakakausap kita pero Seph, hindi na ako naghangad pa ng higit roon dahil alam kong hindi ka naman marunong magmahal at magseryoso sa isang babae." Malungkot na pagtatapat n'ya.
Pakiramdam ko nabuhayan talaga ako ng loob. Sana nga tama ang instinct ko na may pag-asa ako sa kanya.
"And I'm willing to change now, Seni. Willing na akong magpakatino dahil gano'n na ako kadesperado sa'yo. Kung nagagawa nga ng ibang mga lalaki na magmahal ng totoo at magseryoso sa babae, bakit ako hindi? Just tell me that you like me too, Serenity, then I'll take all the risk and consequences." I said begging her.
"I like you, Seph, from the moment that I laid my eyes on you. Hindi mo pa ako nakikilala noon, hindi pa nangyari yung insidente sa locker room at hindi pa tayo naging tuluyang magkakilala, lihim na kitang hinahangaan. Gustong-gusto na kita, Joseph mula pa man noon.. "
"Talaga?" Masayang-masayang ako.
Parang hindi ako makapaniwala sa sobrang saya. Hindi ko inaakalang maririnig ko ang mga ito mula sa kanya. I didn't even expect na may gusto din pala s'ya sa akin, noon pa...
"Oo, Seph, and I'm willing to give you a chance." Makangiti at masaya nang pahayag niya.
Damn! Ang saya ko. Ang saya-saya ko!
Sa sobrang tuwa ay nayakap ko siyang bigla. Mahigpit na mahigpit na yakap.
"Salamat, Serenity. I promise to take good care of you, pasisiyahin kita, we'll savor and cherish every moment na magiging magkasama tayong dalawa. Mamahalin kita." I said happily not being able to notice that I even closed my eyes to savor this moment.
Oh heaven.. I haven't feel so much happiness like this before! Sayo lang, Serenity. Sayo lang.. What did you do to me...
"And I want you to know that giving you a chance, also means, trusting you. I trust you, Joseph." Dagdag pa niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya then I held her waist tight at buong suyo na inangkin ang malalambot niyang mga labi. Nagulat man s'ya pero nakabawi rin naman agad at saka tinugon ang mga halik ko.
It was different from the kiss we had at the locker room before, this time it was more passionate. This time, she is more willing to respond. Anyway, I am also her first kiss, after all.
"Anong ibig sabihin nito? Seni? Joseph?"
Noon lang kami natigil nang marinig ang nagsalitang iyon na nakatayo sa may pintuan at pinanunuod kaming dalawa ni Serenity. There, we saw the guy with full of misery and pain in his eyes. Helpless and sorrowful. Si Wayne.
Galit na galit akong sinugod ng kaibigan ko at sinuntok ng malakas na halos ikinahiga ko sa sahig.
"My god! Wayne! Joseph!" Nagulat at natatarantang naibulalas ni Serenity habang sinusubukang harangan at pigilan si Wayne sa muling pag-atake sa akin.
Hindi ko sinubukang labanan ang kaibigan ko dahil alam ko namang may kasalanan nga naman talaga ako. I'm sorry, bro.
"Manunulot ka talaga ng pag-aari ng iba, Joseph Monteamor! Wala kang kuwentang kaibigan!" Galit na galit na patutyada niya.
Tumayo ako.
"Wayne, tama na, please. Tama na." Patuloy na pag-aawat ng dalaga sa kanya.
Napalingon s'ya rito. From his anger expression, naging sobrang lungkot bigla niyon.
"Bakit pumayag kang halikan ka niya, Seni? Did you already gave him the chance? Alam mo bang sa araw na 'to sana ang pinakaespesyal na araw ko dahil ipagtatapat ko na ang tunay kong nararamdaman para sa'yo, but it turned to be the worst day ever."
"Wayne, I already gave Joseph a chance. I already like him from the moment I met him but I'm sorry kung masasaktan kita. You know how much you mean to me, kayo ng lahat na magkakabarkada, you were already like brothers to me. You're like a big brother to me, Wayne.. "
"Big brother?" Pagak na tumawa s'ya. "And how I wish na sana nga naging biological younger sister na lang kita, nang sa gano'n ay hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon nang dahil sa'yo, at nang sa gano'n ay may karapatan akong pagsabihan kang hindi tulad ni Joseph ang nararapat para sa'yo. But you're just not my sister, you are Serenity Manrique, the girl I like, the girl I love."
Hindi nakasagot si Serenity, napayuko lamang ang dalaga at natahimik habang si Wayne naman ay mabibigat ang mga paa na humakbang palapit sa akin.
"Dahil pinagkatiwalaan ka ni Serenity, pagkakatiwalaan na rin kita sa puntong 'to. Huwag na huwag mo s'yang paiiyakin at sasaktan dahil sa oras na ginawa mo 'yon, babawiin ko siya sa'yo at hinding-hindi na muling ibabalik pa. Tandaan mo 'yan. Nag-iisa lang s'ya dito sa mundo kaya alagaan mo at mahalin." Basag ang tinig na sabi n'ya saka tinapik ako sa balikat at sobrang lungkot na umalis.
Hell! Sobrang nakukunsensya ako sa ginawa ko! Pero gayunpaman, alam kong ito pa rin ang dapat kong gawin. Ito ang tama kong gagawin.
Hihintayin ko na lang ang araw na mapatawad mo pa ako, Wayne. I'm really sorry, bro...
Doon na nga nag-umpisa ang lahat. Niligawan ko nang tuluyan si Serenity at sinagot n'ya naman agad ako. Umabot ng halos isa at kalahating taon ang seryosohang relasyon namin at aaminin kong totoong naging masaya kami sa piling ng isa't-isa.
Simula din noon ay naging tapat akong boyfriend sa kanya. Nagbago ako nang tuluyan at iniwan ang pagiging womanizer. Nagkabati na rin kami ni Wayne pero ramdam kong may lamat na ang pagkakaibigan namin at hindi na kami mababalik pa sa dati.
Masaya kami ni Serenity hanggang sa dumating ang isang-araw na may kumalat bigla sa buong University na video scandal ko kasama si Kaela, isa sa mga ex-girlfriend kong na-obsessed nang husto sa akin.
Hindi na ako nagulat nang maramdaman kong muling tumama ang kamao ni Wayne sa mukha ko.
"Yung video scandal ninyo ni Kaela na kumakalat ngayon sa buong University, totoo ba 'yon?! One year ago, kahit masakit, ibinigay ko ang babaeng mahal ko sa'yo dahil ikaw ang gusto niya. I just thought na titino ka rin nang dahil sa kanya. Kahit labag sa kalooban ko, pinaubaya ko pa rin s'ya sa'yo dahil inagaw mo siya sa akin. I trusted you na hindi mo s'ya lolokohin. Akala ko totoo na, but what now? You cheated on her! And for sure, oras na malaman niya ang tungkol sa video scandal na 'yon, masasaktan siya nang sobra!" Galit na galit na dinuro-duro niya ako.
Hindi ako sumagot sa kanya. 'Ni hindi ko s'ya matingnan at wala rin akong planong tulungan ang sarili kong tumayo mula sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok n'ya sa akin.
Dahil sa simpleng pananahimik ko kaya mas ikinainit iyon ng ulo n'ya. Nanggigigil siyang kinuwelyuhan ako.
"Ano?! Hindi ka ba magsasalita?!. Oras na makita kong umiiyak si Serenity nang dahil sa'yo isa sa mga araw na 'to, tandaan mo, ako ang magsisilbing kakampi niya. You cheated on someone so lovely and innocent like her, and now it's my time para bawiin ang noon pa man ay dapat sa akin." Patapos na sabi niya saka tuluyan nang umalis.
Napabuntong hininga ako. May maniniwala man o wala, nahihirapan at nasasaktan din ako nang mga panahong iyon.
Pero sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa ko, isa lang ang alam ko, nagawa ko ang mga iyon dahil may rason ako. Isang masakit na rason...