SEVEN: "Tell him to stop courting you." (Serenity's POV)
Medyo umabot rin ang itinagal ng isa at kalahating oras ang kuwentuhan at kumustahan naming dalawa ni Wayne.
Matapos kasi ng aksidenteng pagkakabanggaan namin kanina sa kompanya ng Monteamor ay inimbitahan n'ya akong kumain kami sa labas na agad ko namang pinaunlakan. Naging sobrang mabuti namang kaibigan sa akin Wayne at matagal rin kaming hindi nagkita kaya wala naman sigurong masama kung pagbigyan ko.
Dinala n'ya 'ko sa isang sikat na restaurant at napahaba-haba ang kuwentuhan namin. Pati ang lola ko at anak kong si Gabby ay kinumusta na rin niya.
Talking 'bout Gabby, matagal na niyang alam ang tungkol sa anak ko. Seven years ago, sinundan n'ya ako sa New York para kumustahin and also to ask me for a chance. Ipinagtapat ko sa kanya ang buong katotohanan tungkol kay Gabby, na anak ko ang bata kay Joseph kaya sinabi ko na ring pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay wala na muna akong planong umibig muli dahil kuntento na akong ibuhos ang lahat ng oras at pagmamahal sa anak ko. Buong puso naman niyang iginalang ang kagustuhan ko.
Pati ang ipinakiusap ko sa kanyang ilihim ang tungkol kay Gabby sa ama nito ay pinagbigyan rin n'ya kaya masasabi kong naging totoong tapat at maaasahan ring kaibigan si Wayne.
Inihatid n'ya ulit ako sa parking lot ng Monteamor's Legacy kung saan iniwan ko ang kotse ko.
"Take care, Seni. Thank you sa time at pakikumusta mo na rin ako kay Gabby ah?" Aniya.
"Ikaw din, ingat ka. Thanks din, Wayne at oo, huwag kang mag-alala, sasabihin ko kay Gabby na kinukumusta s'ya ng tito Wayne niya."
"Good, girl." Kinindatan n'ya ako bago siya tuluyang umalis.
Pinatay ko ulit ang nai-start ko nang makina ng kotse ko nang maalala kong naiwan ko pala ang briefcase file ko sa office ni Joseph kanina.
Nagmadali akong bumalik sa loob ng kompanya at pumasok sa office niya.
Pagkapasok ko, pakiramdam ko napahiya ako. Nagmamadali kasi ako kaya nang makapasok ay agad kong naagaw ang atensyon nito. Nakatanga lang naman s'ya mula sa malayo habang relax na relax na nakaupo sa swivel chair n'ya saka napatingin sa akin.
Without any expression in his face, tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa na ikinayuko ko naman sa sobrang pagkailang.
Para bang sinusuri n'ya ako sa isang kaso. What the?
"Naiwan ko kasi 'yang briefcase ko kaya kukunin ko lang sana." Nakayuko pa ring sabi ko.
Hindi s'ya sumagot. Nang iniangat ko ang ulo ko para tingnan s'ya ay nakatitig lamang siya sa akin. Naiilang na talaga ako!
Mabilis na inihakbang ko ang mga paa ko palapit sa table niya at nang abot kamay ko na ang briefcase ay mabilis niyang hinablot iyon palayo sa akin.
"At anong akala mo? Na gano'n at basta mo na lang makukuha ulit 'to?" Aniya.
Bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Ano bang karapatan niyang ipagdamot sa akin ang naiwan kong briefcase file? Eh akin naman iyon!
"Bakit, Mr. Monteamor? Wala na ba akong karapatan para kunin kung ano ang sariling akin?" I asked him sarcastically.
What do he expect? Na hindi ko s'ya papatulan sa inaasal nya ngayon? Yes, he's my client so I have to be nice to him as much as I can pero s'ya rin kasi mismo ang gumagawa ng paraan para mainis ako sa kanya!
Mula sa kinauupuan niya ay tumayo s'ya at naglakad papunta sa akin. Seryosong-seryoso ang mukha n'ya at matitiim ang mga titig na ibinibigay sa akin.
What now? Nagalit ko ba s'ya dahil sa sinabi ko? Heck! I should be the one who act angry here at hindi s'ya! Gayunpaman, kinabahan ako.
Humahakbang s'ya papalapit sa akin kaya napapaatras rin ako. Wala na akong mapag-atrasan nang maramdaman kong bumangga na ang likod ko sa desk table n'ya. Pagkatapos ay agad n'yang iniharang sa akin ang dalawang kamay niyang mabilis niyang nailagay sa table sa magkabilang gilid ko. He pinned me there!
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko nang sobra talagang lapit. Halos kulang na lang maglapat ang mga labi namin sa sobrang lapit ng pagmumukha niya.
Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango n'ya na tila nagpapainit sa pakiramdam ko kahit ang lakas naman ng air-con dito sa office n'ya. I can already feel his breathing.
"Ibabalik ko sa'yo ang briefcase file mo kung sasagutin mo ng totoo ang itatanong ko." He commanded almost whispering.
"I saw you with Wayne just a while ago. We all knew na dati pa lang ay may gusto na 'yon sa'yo. Now, tell me, may namamagitan na ba sa inyong dalawa? Nanliligaw na ba ulit s'ya?" Sunod-sunod na mapang-usisang tanong niya.
Damn that kind of questions! Syempre, hindi na manliligaw ulit sa akin si Wayne dahil matagal na niyon alam na parang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. And besides, kung manliligaw nga ulit si Wayne sa akin, the heck this man cares!
Ikinakunot naman ng noo ko ang mga tanong niya. Bakit ba magtatanong ito ng mga ganoong tanong sa akin? Anong karapatan nitong umusisa sa personal kong buhay gayong business matters na lang naman ang kaugnayan naming dalawa at higit sa lahat, ano bang pakialam niya sa akin at kay Wayne?
"I'm sorry but your question is too personal, Mr. Monteamor." Pormal na sagot ko sa kabila ng kabang nadarama ko dahil sa lapit n'ya sa akin.
"Just answer the damn question!" Apuradong utos n'ya. Mahina pero mas madiin na ang boses n'ya.
Mas kinabahan na ako sa disgustong nakikita ko sa mukha niya ngayon. Sinubukan ko pa ring salubungin ang mga matitiim n'yang mga mata.
"What if I say yes? That there's something between me and Wayne. That he's planning to court me again? Ano bang pakialam mo?" Matapang na pagsisinungaling ko.
Magkasubukan na kami kung magkasubukan. Talagang nakakainit na siya ng ulo, napakasuplado na nga, napakapakialamero pa!
Napasinghap s'ya bago nagsalita. "Then tell him to stop courting you." Maawtoridad na utos n'ya...