MALAKAS na nagbuntong-hininga si Zhamara. Kanina pa siya nagpa-ikot-ikot sa kama niya dahil wala siyang ganang bumangon. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nawalan ng ganang pumunta sa sakahan ngayon. Eh noon ay pumupunta na siya kahit medyo madilim pa ang paligid. Mahigpit niyang hinawakan ang unan at ipinatong ito sa mukha niya at saka sumigaw siya ng malakas. "Aaaaahhhh!" Naiinis siya sa sarili niya. Naiinis siya dahil bigla-bigla na lang pumapasok sa isip niya si Marcus. Hindi niya maintindihan ang sariling utak kung bakit palagi itong lumilitaw. Limang araw na niyang hindi ito nakikita. Nagtataka siya kung bakit hindi ito nagpunta sa bahay niya pero bigla siyang sinampal ng katotohanan. Bakit siya naghihintay na pumunta ito sa bahay niya? Di'ba nga gusto pa niyang hindi ito