Chapter 23 - Secret

1449 Words

MULING ininom ni Marcus ang alak na nasa basong hawak niya. Ipinalibot niya ang paningin sa maliit na bar kung saan siya umiinom. Napatingin siya sa kaibigang si Clark nang inubos nito ang alak nito at saka pabagsak na ibinaba sa mesa ang baso. Umaakto itong parang nasusuka habang umiiling-iling. "Hindi na talaga ako sanay na uminom ng alak. Iniwan ko na ang bagay na ito simula noong mag-asawa ako," natatawa nitong sabi sa kanya. Natawa na lang din siya. "Bakit ba hindi ka na umiinom? Pinagbabawalan ka ba ng asawa mo?" Dalawang araw na ang lumipas simula noong nakabalik siya ng probinsya. Dalawang araw na rin niyang pinipilit itong kaibigan niya na samahan siyang uminom. May malapit naman pala na maliit na bar mula sa resort kung kaya't dito siya palaging pumupunta lalong-lalo na kap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD