"PUPUNTA ka pa rin sa bukid, Marcus?"
Napalingon si Marcus sa kaibigan niyang si Clark. Naabutan siya nitong papalabas ng resort na pag-aari nito. Alas siete pa lang ng umaga pero pupunta na siya sa bukid para agad masimulan ang proyektong gagawin niya.
30 minutes ang byahe mula sa resort ng kaibigan niya papunta sa lupang pagtatayuan niya ng mountain resort. Pansamantala siyang dito sa resort ng kaibigan niya titira habang ongoing ang project na ima-manage niya.
"Yup! I need to. Kailangan kong bilhin ang lupang katabi ng lupa na pagtatayuan sana ng resort," pagliwanag niya rito.
"Ipagpabukas mo na 'yan, pare. May bagyong paparating kaya siguradong malakas ang buhos ng ulan at ihip ng hangin doon," sabi nito.
"Ayos lang. Kotse naman itong gamit ko kaya huwag kang mag-alala, Clark."
"Umuwi ka na lang agad mamayang tanghali. Siguradong umuulan na ng malakas sa bukid ngayon."
"Plano ko talagang umuwi ng maaga mamaya. Kapag nakausap ko na ang may-ari ng lupang katabi ay babalik muna ako sa Maynila," confident na sabi niya sa sarili.
"Sige, pare. Ingat sa byahe."
Tumango siya rito at saka pumasok sa loob ng kotse niya. Pinaandar muna niya ito ng ilang minuto bago ito pinaharurot. Habang nasa byahe ay nakatanggap siya tawag mula kay Danica pero hindi niya ito sinagot. Uunahin muna niya itong trabaho niya bago ang babae. Total babalik din naman agad siya sa Maynila mamaya kaya siguradong makikita niya ulit ito sa bar.
Hindi pa man siya nakarating sa bukid ay nagsimula ng umulan ng malakas. Nang mapadaan siya sa bahay ng mga magulang niya kung saan itatayo ang resort ay kalahati na nito ang nagiba. Nagpaalam sa kanya ang foreman na inihinto muna nila ang pagtatrabaho ngayon dahil sa bagyo.
Dumiretso siya sa lupain na nasa katabi. Medyo hindi na niya makita ang daan dahil sa lakas ng ulan at sa kapal ng fog. Ibang-iba ang klima sa lungsod kompara sa bukid. Kanina lang ay maliwanag pa ang langit pero dito ay dumidilim ang paligid dahil sa bagyo.
Dumiretso siya sa mansyon ng mang-ayri ng lupa. Bumusina siya sa harapan at laking pasalamat niya dahil agad na may lumapit sa kanyang matandang lalaking may dalang payong. Binuksan niya ang bintana para kausapin ito.
"Ano pong kailangan ninyo, Sir?" tanong nito nang makalapit sa kotse niya.
"Gusto ko sanang makausap ang may-ari nitong farm?" sagot niya rito.
"Naku, Sir. Wala po rito ang may-ari. Lumuwas po ng Maynila kahapon. Baka bukas pa po uuwi dahil sa bagyo," sabi nito habang nahihirapang pigilang hindi liparin ang payong na dala nito dahil sa malakas na hangin.
F*ck! Kung minamalas ka nga naman!
Mukhang bukas pa ako makakauwi ng Maynila nito.
"Salamat po, Manong," sabi niya rito. Isasarado na sana niya ang bintana ng kotse niya pero biglang may matandang babaeng lumapit sa kanila. May dala rin itong payong at nakasuot din ng raincoat.
Nakipag-usap ito sa matandang lalaking unang lumapit sa kanya at saka bigla siya nitong binalingan.
"Sir, mas mabuting manatili na muna kayo ngayon dito. Sobrang lakas na po ng bagyo at baka mapaano po kayo sa daan," sabi nito sa kanya.
"Ayos lang po, Nay, kotse naman itong gamit ko kaya walang mangyayaring masama sa akin," nakangiti niyang sabi rito.
"Naku, Sir! May poste na pong natumba doon sa may unahan kaya hindi na po makakadaan ang kotse ninyo. May ilang puno na din po ng mangga ang natumba," puno ng pag-aalalang sabi nito.
"Iparada niyo po sa loob ng parking lot ang kotse ninyo," sabi sa kanya ng matandang lalaki.
Bigla niyang hindi maintindihan ang sariling nararamdaman. Nasisiyahan siya dahil sa dalawang matandang nag-aalala sa kaligtasan niya. Hindi niya akalain na may ganito pang klase ng tao ang nabubuhay sa mundo. It feels like he is completely in another world. Hindi siya kilala ng mga taong ito pero heto ito at nag-aalala sa kanya.
"Sumunod kayo sa kanya, Sir," sabi ng matandang ginang habang tinuturo ang kasama nito.
Hindi na siya nagmatigas pa ng ulo at sumunod siya rito. Napansin din naman niyang medyo mas lumakas na nga ang ulan at ihip ng hangin. Hindi niya inakala na malakas nga pala talaga ang bagyong dadating.
Pagkatapos niyang iparada ang kotse niya ay pinapasok naman siyang ng ginang sa loob ng mansyon. Ipinalibot niya ang paningin at medyo namangha siya sa maaliwalas na awra. Hinuha niya ay babae ang may-ari ng mansion dahil sa maliwanag na kulay ng kurtina’t mga desinyo at sa mga bulaklak na maayos na nakalagay sa flower vase.
“Maupo muna kayo dyan, Sir. Nandyan din ang remote ng TV kung gusto ninyong manuod ng balita,” sabi ng ginang.
“Thank you,” sagot niya rito.
Sa halip na manuod ng TV ay kinuha niya ang magazine na nasa ibabaw ng coffee table. Sinimulan niya itong basahin pero nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at dalawang matandang lalaking basang-basa ng ulan ang pumasok.
“Rita! Rita!” sigaw ng dalawa.
Tumayo siya at nakitang agad na lumabas ang matandang ginang na lumapit sa kanya kanina.
“Anong nangyayari!?” agad nitong tanong sa dalawa.
“May nakakita ng kotse ni Zhamara sa may manggahan!”
“Ano!? Jusko! Anong gagawin natin!?”
Lumapit siya sa tatlong matanda. “May problema po ba?” takang tanong niya.
“Naku, Sir! Ang may-ari nitong lupain ay nasa manggahan! Ang batang talagang iyon! Bakit umuwi siya!? Hindi ba niya nabalitaang may bagyong paparating!?” mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda.
“Pupuntahan namin siya, Rita. Sigurado akong naglalakad iyon papunta rito dahil hindi makakadaan ang kotse nun,” sabi ng isang matanda.
Pero pinigilan ito ng nagngangalang Rita. “Delikado kapag kayo ang pumunta. Matanda na rin kayo. Tatawagan ko si Roy at Alex.”
“Wala ng oras, Rita. Baka ano pang mangyari kay Mara.”
“Sasama po ako. Ituro niya lang sa akin kung ano ang gagawin at kung saan safe dumaan,” seryoso niyang sabi sa tatlong matanda. Gulat namang napatingin sa kanya ang mga ito.
“S-Sigurado ka ba, iho?” mangiyak-ngiyak na tanong ng matandang ginang.
“Opo,” determinadong sabi niya. Naisip niya kasing kapag iniligtas niya ang buhay ng may-ari ng farm ay siguradong magkakaroon ito ng malaking utang na loob sa kanya. At syempre, magtatanong ito kung ano ang dapat nitong gawin upang mabayaran ang utang na loob nito sa kanya. At doon na niya hihilinging pumayag itong ibenta ang farm sa kanya.
Easy peasy!
Tumango sa kanya ang matanda at agad siyang binigyan ng raincoat. Sumunod siya sa dalawang matanda at nagulat siya nang makalabas sila ng mansion. Mas domoble ang lakas ng buhos ng ulan at ihip ng hangin kompara kanina. Biglang pumasok sa isip niyang umatras na lang pero pagkakataon na niya ito para mapadali ang proyekto niya.
Lakas-loob niyang sinundan ang dalawang matanda. Pinagmasdan niya ang mga nadadaanan nila at ilang mga sanga ng mangga ay nabali na. Napahinto sila dahil isang puno ng mangga ang tuluyang nabuwal at natumba sa daan.
“Saan po ba ang kotse niya? Ako na po ang bahalang magpatuloy. Bumalik na lang po kayo sa mansion at humingi ng rescue,” sigaw niya sa dalawa.
“Sigurado ka ba, iho?”
“Sa palagay ko ay umalis na ng kotse niya si Mara. Siguro ay nagpunta iyon sa bahay kubo sa gitna ng manggahan,” sabi ng isa.
“Saan po ba ang bahay-kubo? Uunahin kong puntahan iyon,” tanong niya.
“Dito ka dumaan, iho. Mag-ingat ka sa mga sanga ng mangga at baka matamaan ka.”
“Sige po.”
Mabilis niyang tinahak ang ibang daan na tinuro nito. Napaigtad naman siya sa gulat nang biglang nabali ang sanga ng mangga na hindi kalayuan sa kanya. Malakas itong bumagsak sa lupa.
Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Umagang-umaga pero sobrang lakas ng ulan at hangin. Ngayon lang siya nakasaksi nang ganitong klaseng bagyo.
Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang bahay kubo na tinutukoy ng dalawang matanda kanina. Lalapit na sana siya pero biglang nabuwal ang malaking puno at natamaan ang bahay-kubo.
“F*ck!” Mabilis siyang lumapit rito.
“Tulong!”
Bigla siyang kinabahan nang makarinig ng boses ng isang babae. “Nasaan ka!?”
“Dito! Tulong! Ang sakit ng binti ko!”
Inakyat niya ang puno ng mangga na natumba para makalipat sa kabilang bahagi ng bahay-kubo. Agad siyang may nakitang babae na ngayon ay basang-basa na rin ng ulan. Nakasuot ito ng puting dress at nadudumihan na.
Nilapitan niya ito at nakaupo ito sa lupa habang umiimpit sa sakit dahil naipit ang binti nito. Napansin din niya ang ilang gasgas at maliliit na sugat sa hita nito.
“It's okay. Nandito na ako. Tutulungan kita!” sigaw niya rito.
Tumingala ito sa kanya pero bigla siyang napahinto nang magtama ang mata nilang dalawa. Parang biglang huminto ang oras lalong-lalo na ang bagyo. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata nito.
She looks so unreal. She is like a Disney princess lost in the middle of the woods. She looks so innocent and vulnerable, and she needs her knight in shining armor. She is so different from other women. She has these powerful eyes where those men who bravely looked at her will be paralyzed.
She is a beauty in the middle of a raging storm.
********