Chapter 5 - Grandma's Offer

1490 Words
"KUMAIN ka muna iha bago ka umalis," sabi ni Nanay Rita sa kanya nang maabutan siya nitong chini-check ang kotse niya. "Ayos lang, Nay. Uminom na ako ng gatas kanina at kumain din ako ng sandwich. Busog na po ako," nakangiti niyang sabi rito. "Oh sya, mag-iingat ka sa pagmamaneho. Huwag kang magmadali sa daan dahil makakarating ka naman sa paroroonan mo," paalala nito sa kanya. "Maraming salamat, Nay," sabi niya rito. Inilagay muna niya sa backseat ang maliit niyang backpack at saka binuksan ang pinto ng kotse. "Aalis na ako, Nay. Maaga pa naman kaya siguradong hindi ako maabutan ng traffic sa Maynila." "Sige, iha, mag-iingat ka." Pumasok na siya sa loob ng kotse at pinaandar ito. Kumaway siya sa matanda at ngumiti rito hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. Bigla niyang binagalan ang takbo ng kotse nang mapadaan siya sa kabilang lupa. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang lalaking nakasalamuha niya kahapon at nakasandal ito sa kotseng nakaparada. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang mapansing titingin ito sa kanya. Nang malagpasan niya ito ay nakita niyang tumayo ito at sinundan ng tingin ang sasakyan niya. "Nakilala kaya niya ako?" bulong niya sa sarili. "Ano kaya ang ginagawa niya doon?" dugtong niya. Nagkibit lang siya ng balikat at inalis ang estrangherong lalaki sa isipan. Binuksan niya ang cellphone niya at nagpatugtog ng musika. Halos anim na oras din ang naging byahe niya. Humihinto siya paminsan-minsan para kumain, gumamit ng banyo, o magpahinga. Napangiti siya nang makita niya ang malaking karatula na may nakasulat na 'Hacienda de Martinez'. Ito ang malaking lupain na pag-aari ng Lola niya. This hacienda is different from the hacienda that she managed. Hacienda de Martinez is a farm for livestock. It is near the city but is made sure to be far away from households to maintain the safety and good health of other people. The hacienda is known for supplying quality chickens, eggs, goats, cows, and pigs. Her grandmother, Stephanie, the owner of the farm, also breeds horses intended for sports. She also made sure that the animal waste wouldn't contaminate any rivers nearby. The entrance part of the hacienda is a wide field filled with different kinds of flowers. The mansion is also visible from the street. In the back part of the mansion, mahogany trees are scattered. And next to it are the covered courts intended for the animals. Bumusina siya sa harapan ng mataas na gate at agad naman na lumapit sa kotse niya ang guard na nagbabantay. Nang makitang siya ang may-ari ng kotse ay ngumiti ito sa kanya at agad na binuksan ang gate. Ipinarada niya ng maayos ang kotse niya sa parking lot at saka kinuha ang bag niya. Nakangiting sumalubong sa kanya ang mayodorma ng bahay. "Miss Zhamara, mabuti at napadalaw ka," masaya nitong sabi sa kanya. Kukunin sana nito ang dala niyang bag pero tinanggihan niya ito. "Ayos lang, Nay Mely, ako na po ang magdadala. Kamusta po kayo rito?" masigla niyang bati. "Heto't tumatanda na ako, iha. Ikaw mas lalo ka yatang gumanda." Natawa siya sa sinabi nito. "Salamat naman, Nay, hehehe." "Nga pala iha, wala pa rito ang iyang Lola. May business trip siyang pinuntahan. Pero dadating iyon ngayong gabi o di kaya ay bukas." "Ayos lang, Nay." "Oh sya, magpahinga ka na muna. Malayo rin ang binyahe mo. Bumaba ka na lang mamaya para sa hapunan." "Sige po, Nay." Nagpaalam siya rito at saka tinahak ang hagdan papunta sa ikalawang palapag ng mansion. Pumunta siya sa silid na palagi niyang ginagamit sa tuwing bumibisita siya rito. Nang makahiga siya sa kama ay mabilis siyang nakatulog. Paggising niya ay madilim na sa labas at tumutunog na din ang tiyan niya. Naligo muna siya at pagkatapos niyang magbihis ay bumaba siya. Dumiretso siya sa kusina at naabutan niya si Nanay Mely na nagliligpit ng mga pinggan. Hindi pa rin dumating ang Lola niya kaya pagkatapos niyang kumain ay muli siyang bumalik sa kwarto niya at natulog. ******** "MISS Zhamara, nasa may pool si Madam Stephanie. Sabay na daw po kayong mag-agahan." Nakangiting tumango si Zhamara kay Nanay Mely. "Thank you," sabi niya rito. Mukhang dumating ang Lola niya ng madaling araw. Walang ingay niyang tinahak ang hagdan pababa. Malaki-laki rin itong mansion. Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakalabas. Naabutan niya itong nagbabasa ng dyaryo. May mga pagkain na ring nakahain sa mesa na nasa harapan nito. "Good morning, Lola," bati niya rito. Mabilis naman itong lumingon sa kanya at malapad na ngumiti. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm glad you visited me, Mara," kumikislap na mga matang sabi nito. "Na-miss kita, Lola," nakangisi niyang sabi at muli itong niyakap. "Na-miss din kita, apo," mangiyak-ngiyak nitong sabi. "Dalasan mo ang pagdalaw dito sa akin. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisa kong apo." Napangiti siya sa sinabi nito. "Opo, Lola. Dadalasan ko po." "Halika at maupo ka. Sabay na tayong kumain." Inalalayan niya itong umupo bago siya umupo sa katapat nitong upuan. Her grandmother is 73 years old, kind, down to earth, and very understanding grandmother. She is old, but she still rides a horse every morning on her farm. She has one and only daughter, and it was Zhamara's late mother. And now, she considers Zhamara not just her granddaughter but also her own daughter. She always thought about Zhamara's well-being and would do everything for her. "Mabuti naman at napadalaw ka rito, Mara," panimula nito habang kumakain sila. "O sadyang may gusto kang sabihin sa akin?" hulang sabi nito. "Balak ko talagang mag punta rito, Lola sa susunod na buwan. Pero napaaga nga lamang dahil may gusto akong sabihin sa iyo," seryoso niyang sagot. "May problema ba doon sa farm ng Lolo mo?" tanong nito. Ang Lolo niyang may-ari ng farm na inaalagaan niya ay asawa ng kaibigan ng Lola niya. Mas pinili niyang alagaan ang sakahan sa probinsya dahil wala sa mga kapatid ng ama niya ang gustong mag-alaga roon. Pero may iba pa siyang dahilan bukod dun. "I think someone is going to buy the land. May gagawing resort sa katabing lupa at hindi iyon sapat para sa resort na gagawin kaya bibilhin ang sakahan ni Lolo," may bahid ng lungkot ang boses na sabi niya. "It will happen, Zhamara. Mangyayari't-mangyayari 'yan and you know it," prangkang sagot nito. Napalunok siya ng sariling laway. Nasaktan siya sa katotohanang sinabi nito. "I managed the farm for seven years, Lola. May karapatan din akong magdesisyon para sa sakahan." "You're not the owner, Mara." Muli siyang nasaktan sa sinabi nito. Totoo iyon. Hindi siya ang may-ari dahil hanggat ngayon ay nakapangalan pa rin sa Lolo niya ang titulo ng lupa. Mas may karapatan ang ibang anak nito kumpara sa kanya na apo lang. "Baka pwede mo akong tulungan na huwag ipagbili ang lupa?" Malungkot itong umiling sa kanya. "I'm sorry, Mara. Alam mong wala akong magagawa. Your grandfather's last will was to give the land to his male children who got married first." Uminom ito ng tubig at muling tumingin sa kanya. "Ang iyong ama ang naunang nag-asawa pero hindi niya iyon tinanggap dahil itong farm ko ang gusto niyang asikasuhin kasama ang mama mo." Malungkot siyang napasandal sa upuan. May apat kapatid ang ama niya, tatlong babae at isang lalaki. Nakapag-asawa na ang tatlong babae pero ang isang kapatid ng ama niya na lalaki ay wala siyang balita kung nag-asawa na rin ba ito. "Paano na lang kapag biglang bumalik ang kapatid ni papa at kukunin sa akin ang sakahan?" "Let the farm go, Mara." "Maraming mawawalan ng trabaho, Lola kapag ibinenta ang farm." "Wala tayong magagawa diyan iha kapag iyang ang naging desisyon ng tiyuhin mo." "Please, help me, Lola." "Just let the farm go," ulit nitong sabi. "Ibibigay ko sa iyo ang farm ko," seryoso nitong sabi. "I'm already 73 years old. I'm not getting any younger. Wala akong ibang apo na pwede kung pagkatiwalaan sa farm. Move in with me here, and I will give you everything, Mara." "L-Lola," hindi makapaniwalang sabi niya. "You have the knowledge and skills to manage a farm. I trust your capability." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. "Why can't you let the farm go, iha? May iba pa bang dahilan?" Napatigil siya sa tanong nito. "Concern lang po ako sa mga magsasaka," mahinang sagot niya. "Makakakita rin sila ng ibang pangkabuhayan, Mara, kapag nagkataon na maibenta ang sakahan." Kagat-labi siyang umiwas ng tingin. Hindi pa rin siya papayag na ipagbili ang lupa. Gagawin niya ang lahat na hindi ito maibenta. "Are you still waiting for him?" Gulat siyang napalingon sa Lola niya nang marinig niya ang sinabi nito. "Po?" "That kid who saved you before? Are still waiting for him to come back?" Napalunok siya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. "Waiting is okay, Mara. But it is painful if there is no certainty that he will return." ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD