Chapter 7 - Knight in Shining Raincoat

1582 Words
NABALIK sa katinuan si Marcus nang biglang kumulog ng malakas. Mabilis niya itong nilapitan at inalsa ang sanga ng kahoy na natumba sa binti nito. Nang matanggal niya ang sanga ng tuluyan ay mabilis niyang hinila ang dalaga papalayo sa nasirang bahay-kubo. “Can you walk?” nag-aalalang tanong niya rito at agad naman itong tumango sa kanya. Inalalayan niya itong tumayo at nakita niyang nakagat nito ang pang-ibabang labi at napaimpit sa sakit. Inikot niya sa bewang nito ang braso niya at inalalayan itong makalakad. Minsan pinagmamasdan niya ito at nakikita niyang nahihirapan ito sa paglalakad kaya huminto siya. Mukhang sumasakit ang binti nito dahil sa paglalakad. Kunot-noo itong tumingin sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang dalawa nitong kamay at lumuhod siya sa harapan nito habang nakatalikod rito. Hinila niya ang kamay nito at napakapit naman ito sa leeg niya. Hinawakan niya ang hita nito at mabilis na tumayo. “K-Kaya ko namang m-maglakad,” sabi nito. “Aabutin tayo ng isang oras dahil sa bagal nating lumakad. Just keep quit and tell me if may sangang mapuputol para makaiwas tayo,” sagot niya rito. “O-Okay.” Habang naka-piggy back ride ito sa likuran niya ay ramdam na ramdam niya ang dibdib nitong dumidikit sa likuran niya. Sa kabila nang malakas na bagyong sinusuong nila ngayon ay talagang pumasok pa isip niya ang dibdib nitong ramdam na ramdam niya sa likuran niya. I'm just infatuated. Hindi ko alam na may magagandang babae din palang nakatira sa bundok. Although, mukhang hindi siya taga-bundok dahil sa itsura't pananamit niya. Bigla niyang naisip kung birhen pa ba ito o hindi na. Pero nang mapagmasdan niya ito kanina ay napaka-inosente nitong tignan. May posibilidad na wala pa itong experience lalong-lalo na at sa bundok ito nakatira. “Dito! Dito!” Narinig niya ang boses ng dalawang matandang kasama niya kanina. Mabilis itong lumapit sa kanila at nilagyan ng tuwalya sa likuran ang dalagang karga-karga niya. “Bilisan natin! Mukhang mapuputol ang sanga ng manggang iyon!” “Jusko! Bilis!” Nakahinga siya nang maluwag nang malagpasan nila ang puno ng mga mangga at natanaw na niya ang mansion. Nang makapasok sila ay mabilis na sumalubong ang matandang si Nanay Rita. “Salamat sa Dyos at ligtas kayo! Salamat ng marami, iho!” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “Where's her room? Kailangang malinisan ang mga sugat na natamo niya at malagyan ng ice ang pasa sa binti niya,” mabilis niyang sabi rito. “Dito, iho, sumunod ka sa'kin,” sabi nito at nauna nang maglakad. Umakyat sila sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Ilang pinto ng mga silid ang nadaanan nila bago huminto ang matanda sa isang silid at mabilis itong binuksan. Sumunod siya rito at dahan-dahan na inilapag ang dalagang karga niya sa isang couch. Lumuhod siya sa harapan nito at tinuro kay Nanay Rita ang mga maliliit na sugat at pasa sa hita at binti nito. “Kailangan muna kitang paliguan, Mara, may mga putik kasi ang buhok mo. Bibilisan lang natin,” sabi ng matanda. Akmang hahawakan na ng matanda ang balikat ng dalaga para tulungan itong makatayo pero pinigilan niya ito. “Ako na, Nay. Masakit ang binti niya kaya mahihirapan siyang makatayo at makalakad.” “Naku! Salamat, iho,” sabi nito at saka mabilis na binuksan ang pinto ng banyo. Kinarga niya ang dalaga, bridal style, papunta sa banyo at dahan-dahan niya itong inilapag paupo sa nakasaradong toilet bowl. Lumapit rito ang matanda at siya naman ay naglakad na palabas. Nilingon niya ulit ang dalaga at nakita niyang dahan-dahan itong tumayo. Tinanggal ng matanda ang puting dress na suot nito at kitang-kita niya ang pagbagsak ng dress sa sahig. Napalunok siya nang makita ang likuran ng dalaga. Ang tanging saplot na naiwan sa katawan nito ay ang underwear nitong suot. Sobrang kinis ng kutis nito at sobrang ganda ng hubog ng katawan nito. Maraming babae na siyang nakita, hubo't-hubad pa ang mga ito at nakaniig pa niya, pero iba ang dating nitong dalaga. Nakatingin pa lang siya ay tila nagsimula nang uminit ang pakiramdam niya at tumigas ang alaga niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang matandang lalaki. “Magbihis muna kayo, Sir. Ito muna ang isuot ninyo pansamantala,” sabi nito at agad naman niyang tinanggap ang damit na binigay nito. “Dito po kayo magbihis sa kabilang silid,” sabi nito at agad naman siyang sumunod. Isang hoodie at isang basketball shorts ang ibinigay sa kanya ng matanda. Nang maisuot niya ito ay komportable naman at hindi na siya giniginaw. Pagkatapos niyang magbihis ay muli siyang bumalik sa silid ng dalaga. Ngayon ay nakasarado na ang pinto ng banyo kung kaya't hindi na niya makita ito. Naisipan na lang niyang mag-ikot-ikot sa loob ng malaki nitong kwarto. Lumapit siya sa mesang may mga larawan at tinignan niya ang mga ito. May larawan itong kasama nito marahil ang mga magulang nito. May isang larawan na marami itong kasamang magsasaka. May isang larawan na nakasakay ito ng kabayo. At napahinto siya nang makita niya ang isang larawan na nasa palayan ito, puno ng putik ang damit, at nakangisi ito. Tila ang saya-saya nito noong kinunan ang litratong ito. Bigla niyang naalala ang babaeng nakasalamuha niya nung isang araw. ‘Yung babaeng bumasag sa likurang bahagi ng kotse niya. “It was her,” bulong niya sa sarili. “So she's the owner of this farm.” Muli niyang pinagmasdan ang ilang larawan. “Ang bata pa niya para maging owner nitong farm. Ilang taon na kaya siya? Mukhang mas bata pa siya kaysa sa akin.” Biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang matanda habang inalalayan ang dalaga sa paglalakad. Lalapit sana siya rito para tulungan ito pero ang tanging saplot sa katawan nito ay isang tuwalya lamang. Hinayaan na lamang niyang makapasok ang dalawa sa malaking wardrobe para makapagbihis. Ilang sandali lang ay lumabas ang dalawa at nakasuot na ito ng dress na pampatulog. Inalalayan ito ng matanda na muling makaupo sa couch. Lumapit siya rito habang dala-dala ang ice bag na pinakuha niya sa matanda kanina. “Kukuha lang ako ng first aid kit para sa mga sugat mo, Mara,” sabi ng matanda. Lumuhod siya sa harap ng dalaga at hinawakan ang binti nito at ipinatong sa hita niya. Dahan-dahan niyang idinampi ang ice bag at napaimpit ito sa sakit. “Don't worry, you'll be fine,” seryoso niyang sabi rito. Kagat-labi itong tumango-tango sa kanya. Napansin niya ang mamasa-masa nitong mga mata kaya naisip niyang baka umiiyak ito kanina. “Thank you for saving me,” seryoso nitong sabi. “You're welcome,” sagot niya rito at muling binalingan ang binti nito. “Marunong ka bang maggamot ng sugat, iho?” tanong ng matanda na nakalapit na pala sa kanila. “Opo,” sagot niya rito. “Pakigamot si Mara, iho. Kailangan kong tapusin ang pagluluto para makakain na kayo ng tanghalian,” sabi nito. “No problem, Nay. Ako na ang maggagamot sa kanya,” sagot niya sa matanda. Sinimulan niyang lagyan ng alcohol ang hita ng dalaga at napaigtad ito marahil sa sakit na naramdaman nito. Hinawakan niya ang hita nito at hinanap ang ilang sugat. Mabuti na lang at hindi ito nagreklamo nang lagyan niya ng alcohol ang ilang sugat. Pagkatapos niyang lagyan ng alcohol ay kasunod niyang inilagay ang betadine. Pagkatapos niyang gamutin ito ay umupo siya sa katabing couch. "I'm Marcus, by the way," panimula niya rito at saka inilahad ang kamay niya. Dahan-dahan naman nitong tinanggap ang kamay niya. "Zhamara. Thank you again for saving me." Ngumiti siya rito at kampanteng sumandal sa couch. "It's not free, darling," nakangisi niyang sabi na ipinagtaka nito. "A-Anong ibig mong sabihin?" "Kailangan mo pang bayaran ang damage sa car ko." "Eh," kinakabahan itong nag-iwas ng tingin. He find her gestures very cute. "Akala mo siguro hindi na tayo magkikita." "N-No. B-Babayaran ko naman talaga 'yon." Tumayo siya at kinuha ang kumot sa kama at inilagay sa balikat nito. "Mukhang giniginaw ka." "Sabi ni Nanay Rita gusto mo raw akong makausap," sabi nito. Muli siyang umupo sa couch at tumingin rito. "Yup! But let's talk about it tomorrow. You're not feeling well right now." "Are you going to buy this farm?" prangkang tanong nito na ikinagulat niya. "Well.... yes," mabilis niyang sagot. "Hindi ko ibinibenta itong farm," mabilis nitong sagot. Bigla nitong tinanggal ang kumot na inilagay niya sa balikat nito at tumayo ito. Nakailang hakbang pa lang ito ay bigla itong nawalan ng balanse kaya mabilis niya itong sinalo. Mahigpit niyang ipinalibot sa bewang nito ang braso niya at napatitig sila sa isa't-isa dahil sa sobrang lapit ng mukha nila. Napatitig siya sa mukha nito. Namangha siya nang mapatitig siya sa mga mata nito na tila kumikislap. Bumaba ang paningin siya sa mapula-pula nitong labi. Wala sa sariling idinampi niya ang labi niya sa labi nito. Mainit at malambot ito. Parang ang sarap nitong halikan araw-araw. Parang hindi nakakasawa ang labi nito. Wala sa sariling iginalaw niya ang labi rito pero sa isang iglap lang ay natagpuan niya ang sariling sinampal nito. Gulat siyang napatingin rito at galit na galit itong nakatingin sa kanya. Bigla itong naglakad paalis. Nahihirapan itong maglakad pero nagawa nitong makalabas ng silid. Hindi man lang niya namalayan ang sariling katangahan. Hinalikan niya ito ng walang paalam. Hinalikan niya ito bigla. Hinalikan niya ito ng hindi nag-iisip. Natangay siya sa bugso ng damdamin. "F*cking sh*t!" ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD