Chapter 44 - Jealous

1462 Words

KAKATAPOS lang maligo ni Zhamara nang marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas. Mabilis siyang tumingin mula sa bintana ng kwarto niya at napangiti siya nang makitang kotse ito ni Marcus. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya hanggang sa matapos siyang magbihis. Nagmamadali siyang bumaba at saka tinungo ang pinto. Habang naglalakad ay kunot-noo niyang tinignan ang nakaawang na pinto. Palagi namang pumapasok sa loob si Marcus kahit hindi na ito kumatok pa. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito pumasok. Bubuksan na sana niya ng malaki ang pinto pero napahinto siya nang marinig niya ang boses nito. Mas lalo siyang nagtaka nang marinig ang pagtawa nito kaya dahan-dahan siyang sumilip. May kausap ito mula sa cellphone nito at malapad itong nakangiti. "Have you eaten any food yet?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD