Chapter 45 - Not Playing

1525 Words

KINAKABAHANG lumapit si Zhamara kay Marcus. Wala siyang nakikitang kahit isang emosyon sa mukha nito kung kaya't nagdadalawang-isip siyang lumapit rito. Napahinto siya nang ito na mismo ang naglakad papalapit sa kanya at saka kinuha ang mga pinamili niya. Nagmamadali niyang binuksan ang backseat na agad naman nitong inilagay. Bigla nitong inilahad ang kamay nito sa kanya. "Where's your car key?" "H-Hindi mo dinala ang kotse mo?" kinabahan niyang tanong. "Sumakay ako ng tricycle papunta rito. Na flat ang gulong ng kotse ko," seryoso nitong sabi. Napansin niyang nakatingin ito sa likuran niya kaya nahihinuha niyang nakatingin ito kay Ryan. Mabilis na lang niyang ibinigay rito ang susi ng kotse niya at nauna na siyang pumasok sa front seat. Ilang sandali lang ay sumunod din naman agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD