MALAPAD na ngumiti si Marcus kay Zhamara nang inihinto niya ang kotse sa harapan ng bahay ng ina niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito nang mapansin niyang kinakabahan ito. “Don't be nervous, Mara. Kakain lang naman tayo ng dinner kasama si Mama at mag-uusap lang naman,” nakangiti niyang sabi rito. “H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” nahihiya nitong sabi. "Hehehe - natatakot akong baka hindi niya akong magustuhan." “Just be yourself, Mara. My mother will surely like you.” Humugot ito ng malalim na hininga at saka ngumiti sa kanya. “Okay. J-Just don't leave me alone with her. I'm not good at talking.” “Sure, baby. No problem,” nakangisi niya sabi at saka hinalikan ito sa pisngi. “Let's go?” paniguradong tanong niya. Dahan-dahan itong tumango. “Yes.” Lumabas na s