DAHAN-DAHANG inihinto ni Zhamara ang bisikleta niya sa harap ng lupang katabi ng farm niya. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang mga malalaking backhoe, dump track, at iba pang kagamitan na ginagamit sa konstruksyon ng gusali. Nagtaka siya nang makitang ang kanang bahagi ng malaking bahay ay sinimulan ng gibain.
"Gagamitin na siguro ng may-ari ang lupa," bulong niya sa sarili. "Matagal-tagal ding naging bakante ang lupang ito," dugtong niya. "Pero sayang, ang ganda pa naman ng bahay."
Nagkibit lang siya ng balikat at muling tinahak ang daan papunta sa farm gamit ang bisikleta niya. Muli niyang pinihit ang break ng bisikleta niya nang makita niyang may plastik na basurang sumabit sa malaking karatula na nakasulat ang 'Hacienda de Montemayor'.
Itinabi niya ang ang bisikleta sa daan at inabot ang plastik. Nang maabot niya ito ay inilagay niya ito sa basket na nasa harapan ng bisikleta niya at muling tinahak ang daan.
The Hacienda de Montemayor is a 15 hectares of land with different fruit-bearing trees, a rice field, and breathtaking, not-so-high waterfalls. This hacienda is very famous in their province because it is one of the largest plantations in the area and is known for being a supplier of quality products.
There is a big sign at the entrance of the hacienda wherein their surname, Montemayor, is written in a large font and in calligraphy style. In the entrance part of the hacienda, a hundred mango trees are perfectly aligned. There are also benches where the farmers can sit to relax. There is a concrete pathway, and it will lead to the mansion.
The mansion is really old, but Zhamara has managed to maintain its beauty. She renovated the part that needed to be replaced. The mansion is surrounded by different kinds of flowers. At the back of the mansion, in the left corner, are a hundred avocado trees that are also perfectly aligned. On the right side is a wide rice field with a number of scarecrows. There is a pathway between the rice field and avocado trees, and it will lead to the little forest where the waterfalls are located.
Hindi naman masyadong mataas ang talon at hindi rin malakas ang agos ng tubig nito. Banayad lang ang agos nito at malinis din ang paligid.
Dumiretso siya sa mansion dahil kailangan na muna niyang magbihis ng ibang damit bago bumalik sa palayan. Kumaway siya kay Nanay Rita nang makita niya itong nagdidilig sa mga bulaklak.
"Kumain ka ng agahan pagkatapos mong magbihis!" sigaw nito sa kanya.
"Opo, Nay!" sigaw niya pabalik at saka lakad-takbong tinahak ang hagdan papunta sa kwarto niya sa ikalawang palapag ng mansyon.
Hindi pa man siya ipinanganak ay mayodorma na ng mansion itong si Nanay Rita. Simula pagkabata niya ay isa ito sa nag-alaga sa kanya lalong-lalo na nung pumanaw ng sunod-sunod ang mga magulang niya dahil sa sakit.
Nang makapasok siya sa silid niya ay isa-isa niyang hinubad ang damit niya at inilagay sa basket. Pumasok siya sa banyo at agad na binuksan ang shower. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang maglandas ang maligamgam na tubig sa katawan niya. Napangiti siya nang biglang gumaan ang pakiramdam niya.
Pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya ng pumasok sa isip niya ang lalaking nakasalamuha niya kanina. Idinilat niya ang mata at saka kinuha ang shampoo.
"Ano kaya ang ginagawa ng lalaking iyon dito sa probinsya?" tanong niya sa sarili.
Nilagyan niya ng madaming shampoo ang buhok niya at saka sinimulang masahiin ang ulo niya. "Siguro may kamag-anak lang itong binibisita."
Nilagyan niya ulit ng shampoo ang buhok niya at marahan itong sinuklay gamit ang kamay niya. "Hindi kaya may kaugnayan siya sa may-ari nung lupang katabi ng farm?"
Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang sabon sa katawan. "Matanong ko nga mamaya si Nanay kung may alam siya tungkol sa kabilang lupa."
Pagkatapos niyang sabunan ang buong katawan niya ay muli niyang binuksan ang shower at pumikit. Pero nagulat siya nang biglang lumitaw ulit sa isip niya ang mukha ng estrangherong lalaki.
"Sana hindi ko na 'yon makita pa," mahinang bulalas niya sa sarili.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis. Mabilis niyang sinuklay ang buhok niya at nang matapos siya ay agad siyang bumaba at dumiretso sa kusina. Naabutan niya si Nanay Rita na naghahanda ng agahan sa mesa.
"Maupo ka na, iha," nakangiti nitong sabi sa kanya at agad din naman siyang umupo.
Una niyang kinuha ay kanin at naglagay sa plato niya. Kasunod niyang kinuha ay ang gulay na ginisang ampalaya na may itlog at saka pritong bangus.
"Sabayan mo na ako, Nay," sabi niya rito.
"Oo, iha. Heto't nagtitimpla pa ako ng kape," sabi nito.
Nang makaupo ito ay nagsimula na rin itong kumain. At habang kumakain sila ay muling pumasok sa isip niya ang tungkol sa katabing lupa.
"May balita po kayo Nay kung anong gagawin dyan sa katabing lupa?" panimula niya rito.
"Ay! Oo, iha. Nabalitaan kong magtatayo ng resort yata ang may-ari ng lupa," seryosong sagot nito sa kanya.
Agad na kumunot ang noo niya. "Resort po? May mga turista kayang pupunta sa lugar natin? Wala namang mga beautiful spots na malapit rito para magtayo sila ng resort."
"Abay ewan ko, iha. Iyan ang nadinig ko kanina. May nagtanong kasi sa mga construction workers doon kung bakit gigibain ang malaking bahay. At 'yon na nga, gagawan daw ng resort," sabi nito.
"Medyo kukulangin ang lupa nila para sa isang malaking resort," mahinang bulalas niya. Sa tantiya niya kasi ay medyo talagang alanganin ang lupa nito. Kung resort ang pag-uusapan, kailangan talagang malawak na lupain ang gagamitin.
"Iyan din ang sabi ng karamihan, iha. Kaya sabi nung isang construction worker, eh bibilhin daw itong lupa na kinatitirikan nitong malaking bahay, pati na rin ang sakahan," may pag-aalalang sabi nito.
Nagulat naman siya. "Po? Bibilhin itong lupain?"
"Iyon ang sabi, iha," malungkot nitong sagot at saka nagbuntong-hininga. "Heto na yata ang kinatatakutan naming umaasa dito sa sakahan, iha. Natatakot kami na baka bilhin itong lupa at wala na kaming mapagkukunang hanapbuhay."
Napaisip siya sa sinabi nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Hindi pwedeng ipagbili itong lupa. Hindi siya papayag.
"Huwag kayong mag-alala, Nay. Sabi-sabi lang naman 'yan. Baka isang bahay bakasyunan lang ang gagawin doon sa kabilang lupa," sabi niya rito.
"Sana nga, iha. Sana hindi ito bibilhin. Paano na lang kapag bibilhin ito at pumayag ang nga Tito at Tita mo.... Talagang wala din kaming magagawa," malungkot nitong sabi.
"Mas may karapatan po akong magdesisyon para sa farm, Nay. Pitong-taon kong inalagaan ang sakahan kasama ninyo. Hindi nila pwedeng ibenta itong lupa ng walang pahintulot sa akin," seryosong saad niya rito. Talagang ipagsisigawan niyang inalagaan niya ang sakahan dahil kursong agriculture ang kinuha niya noong nasa koliheyo siya para magkaroon siya ng malawak na kaalaman sa pag-alaga ng mga pananim.
"Kung sana buhay pa ang iyong Lolo siguradong hindi nito ibebenta ang lupa."
"Huwag kayong mag-alala, Nay. Kakausapin ko si Lola. Luluwas ako ng Maynila bukas."
Nakita niya ang pagliwanag sa mukha nito dahil sa sinabi niya. "Talaga, iha?"
"Yes, Nay. Kahit na sabi-sabi lang na bibilhin itong lupa, pupuntahan ko pa rin si Lola para sa ikakapanatag ng loob ng lahat," nakangiti niyang sabi.
"Maraming salamat, Zhamara," masaya nitong sabi.
Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa kwarto niya. Babalik sana siya sa palayan ngayon pero kailangan niyang ihanda ang ilang gamit na dadalhin niya sa Maynila bukas. Dalawa o hanggang tatlong araw siyang mananatili sa Maynila sa bahay ng Lola niya kung kaya't kailangan niyang magdala ng saktong gamit.
Napahinto siya sa paghahanda ng gamit na dadalhin nang mahagip ng paningin niya ang pendant ng kwentas niya mula sa salamin. Hinawakan niya ito at tinitigan. Muling pumasok sa isip niya ang napag-usapan nila kanina ng mayodorma.
She will never let this land go, not because of money but because of those people whose source of income is working on the farm. And aside from that, she's waiting for someone who promised to come back.
Kailan ka ba babalik?
Kailan mo tutuparin ang pangako mong babalikan ako rito?
I have been waiting for you.
Pabagsak siyang humiga sa kama at tinitigan ang kisame. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit naghihintay siya sa taong walang kasiguraduhang babalik. Pero bakit ganito? Bakit parang sigurado siyang babalik ito? Bakit naghihintay pa rin siya?
"Why am I even waiting?" tanong niya sa sarili. "Siguro dahil nasanay na akong maghintay."
Muli siyang nagbuntong-hininga ng malakas. "Sa ngayon, hindi ako papayag na ibenta itong farm."
********