Chapter 3 - Zhamara

1458 Words
"ANONG nangyari sa iyo, Zhamara?" gulat na tanong ng kakilala niyang si Manang Fely. Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan niya. Punong-puno kasi ng putik ang buong damit niya kung kaya't nagulat ito nang makita siya. Natatawang nagkamot siya ng ulo. "Tumulong po ako sa palayan kanina, Manang Fely. Ang dulas naman po kasi ng daan kaya ilang beses akong nadulas." "Ang lakas naman kasi ng ulan kagabi kaya sobrang dulas ng daan ngayon," sabi nito. "Kaya nga po," nakangisi niyang sagot. Lumapit siya sa mga pandesal na naka-display sa bakery nito at tinuro niya ang pandesal na bibilhin niya. "Pumasok ka muna dito, iha." "Naku! Dito lang po ako sa labas, Manang. Sobrang dumi ko kasi." "Oh sya, sandali lang ilalabas ko lang itong mga upuan." Tinulungan niya itong ilabas ang mga upuan at nang matapos niyang ayusin ang mga ito ay umupo siya. Kasalukuyang kinukuha ng ginang ang pandesal na bibilhin niya. Kakagaling niya lang sa farm kanina. Madaling araw pa lang ay nagtungo na siya sa palayan para manguna sa pag-asikaso ng mga tanim. Sobrang lakas kasi ng ulan kagabi kung kaya't kinabahan siya at naisip na baka nalunod ang mga palay sa tubig. Pero mabuti na lamang at ayos lang ang mga ito nang makita niya kaninang madaling araw. Maayos naman kasi ang kanal ng irigasyon sa palayan kung kaya't hindi nanatili ang maraming tubig sa palayan. Sa ngayon ay kumakain na din ang mga magsasaka na kasama niya sa farm, kaso sakto lang ang pandesal na nabili niya kagabi para sa mga magsasaka kung kaya't ngayon ay nagpunta siya rito sa bakery ni Manang Fely. "Heto na ang iyong pandesal, iha," sabi nito at ibinigay sa kanya ang paper bag na puno ng pandesal. "Heto po ang bayad, Manang." "Salamat iha." Pumasok ito sa loob at saka muling lumabas at umupo sa katapat na upuan. "Hindi ka ba iinom ng kape? May mainit akong tubig rito." "Hindi na po, Manang, ayos lang." Habang kinakain niya ang pandesal ay napansin niyang pinasadahan siya ng tingin ng ginang. Medyo naiilang siya at nahihiya rin dahil sa suot niyang damit na puno ng putik. Kahit sinong makakakita sa kanya ay siguradong mandidiri. "Tinabihan mo ata kagabi ang kalabaw niyo sa sakahan, Zhamara." Napalingon siya sa lalaking nagsasalita at ang asawa ito ni Manang Fely. Bigla itong tumawa ng malakas at umupo sa tabi ng asawa nito habang nakatitig sa kanya. Natawa na lang din rito si Manang Fely. Natawa na lang din siya sa sinabi nito. "Kayo talaga, Manong," ang tanging nasabi niya. "Ba't ba kasi ang dumi ng damit mo. Kahit sinong makakakita sa'yo talagang mag-aakalang natulog ka katabi ng kalabaw," sabi nito at saka ininom ang tasa ng kape na dala nito. "Ang dumi po kasi sa palayan." "Hindi bagay sa'yo ang pagsasaka, iha." Bigla itong sinapak ni Manang Fely sa balikat. "Ang daldal mo talaga, Antonio." "Hayss! Ang sakit naman," nakangiwi nitong sabi habang hinimas-himas ang balikat nitong tinamaan ng sapak. Pero muli itong bumaling sa kanya. "Huwag kang magalit sa akin, Zhamara. Ang ibig ko lang naman sabihin ay dapat ka ng mag-asawa. Hindi ka na pabata. Huwag mong igugol ang lahat ng oras at enerhiya mo sa sakahan." "Eh— hehe," ang tanging nasabi niya at muling sunod-sunod na kumain ng pandesal. "Ilang taon ka na ulit, Zhamara?" curious na tanong ni Manang Fely. "Bente singko po," sagot niya habang ngumunguya. "Nasa tamang edad ka na para bumuo ng sariling pamilya," sabi ni Manong Antonio, asawa ni Manang Fely. "W-Wala pa po 'yan sa isip ko." "Kailangan mo ng pag-isipan ang mga bagay na iyan, Zhamara," suhestiyon ni Manong Antonio. "Sagutin mo na 'yong doctor sa lungsod na nanliligaw sa'yo," nakangiting sabi ni Manang Fely. "P-Pag-iisipan ko pa po ang mga bagay na iyan. Alam ko naman po kasing hindi madali ang bumuo ng pamilya," seryoso niyang sagot sa dalawa. "Simulan mo ng pag-isipan ang mga bagay na iyan, iha. Huwag mo ng hintayin na lumagpas pa sa kalendaryo ang edad mo," dugtong ni Manang Fely. "Kilala mo si Maria di'ba? Umabot na ng trenta iyon bago nagpakasal at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaanak," pabulong na sabi ni Manong Antonio na agad din namang sinapak ng asawa nito. "Pumasok ka nga sa loob, Antonio. Ang daldal mo talaga at baka marinig ka pa ng iba," nanggigigil na sabi ni Manang Fely. Agad naman itong tumayo at pumasok sa loob ng bakery. Tumayo na din siya at saka ngumiti sa ginang. "Aalis na din po ako, Manang." "Sige iha, mag-ingat ka," nakangiti nitong sabi. Nagsimula na siyang maglakad habang dala-dala ang natirang pandesal. At habang naglalakad ay isinuot ulit niya ang telang itatakip niya sa mukha niya. Sobrang init kasi sa palayan. Mapapagod agad siya kapag nainitan siya. Naglakad siya papunta sa bisikleta niya at kumunot ang noo niya nang mapansin niyang may kotseng nakaparada sa tabi nito. Ngayon lang ulit siya nakapansin na may nagdala ng kotse dito sa lugar nila. Sino kaya ang may-ari nito? Napahinto siya nang mapansing may asong pagala-gala. Bigla itong lumapit sa bisikleta niya at sinisinghot ang gulong nito. Agad siyang naghanap ng bato para batuhin ang aso para lumayo ito sa bisikleta niya dahil siguradong sa gulong ito ng bisikleta niya iihi. Kaso wala siyang nakitang maliit na bato. Wala siyang choice at agad niyang kinuha ang medyo may kalakihang bato na malapit sa kanya. Hindi naman niya tatamaan ang aso, tatakutin lang naman niya para lumayo ito sa bisikleta niya. "Ssshooo! Alis!" mahinang sigaw niya sa aso. Nang ibinato na niya sa aso ang hawak niyang bato ay bigla siyang may naapakan na maliit na sanga ng kahoy dahilan para mawalan siya ng balanse. Naibato naman niya ito ng tuluyan at hindi naman siya natumba pero laking gulat niya nang bigla nabasag ang likurang bahagi ng kotseng nakaparada sa tabi ng bisikleta niya. Gulat siyang napatingin sa kotse at nakaawang ang labing nilapitan ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya habang lumalapit. Ang kotse pala ang natamaan niya. Jusko po! Napaigtad siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang isang matangkad na lalaking ngayon lang niya nakita. Nakasuot ito ng shades. Naka-long sleeve polo na kulay puti at naka-slacks na kulay itim. Halatang hindi ito taga rito sa lugar nila dahil sa pananamit at tindig nito. Tinanggal nito ang suot na shades habang naglalakad papunta sa likuran ng kotse nito at bumakat sa sleeves nito ang muscular nitong braso. Halatang palagi itong nagpupunta sa gym dahil malaki ang katawan nito. "P-Pasensya na po. Hindi ko sinasadya. 'Yong aso sana ang babatuhin ko," mabilis niyang sabi rito. "F*ck!" bulalas nito. Napaigtad naman siya sa gulat. Hindi ito makapaniwalang napatingin sa basag na salamin ng kotse nito. "You really have to pay for that!" galit nitong sabi at tumingin sa kanya. Pero bigla itong napaatras nang makita siya. Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan niya at tila nandiri dahil sa mga putik na dumikit sa damit niya. "H-Hindi ko naman sinasadya. Baka pwedeng patawarin mo na lang ako, Sir? Wala kasi akong pera," sabi niya rito. Lumapit siya sa bisikleta niya at kinuha ito pero bigla itong hinawakan ng estrangherong lalaki. "No! Babayaran mo 'yan ngayon din. Kasalanan mo kung bakit nabasag 'tong likuran ng kotse ko," matigas nitong sabi. "I-Ilan ba ang kailangan kong bayaran," nagdadalawang-isip na sabi niya. "Approximately fifty thousand," mabilis nitong sagot. Ano!? Fifty thousand!? Sobrang laking halaga naman ata nun para lang sa nabasag na salamin sa kotse niya! "Babayaran ko ng pakunti-kunti," kagat-labing sabi niya at mabilis na sumakay sa bisikleta niya. Siyempre, hindi niya babayaran 'yan. Halata namang mayaman ito kaya hindi na nito kailangan ng pera. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang makaalis rito. Hehehehe! Aalis na sana siya pero mabilis nitong nahawakan ang likuran ng bisikleta niya. Hinawakan nito ang maputik niyang jacket at mabilis na tinggal ang telang itinakip niya sa mukha niya. Magsasalita na sana ito pero bigla itong natigilan nang magtama ang paningin nilang dalawa. Napatitig ito sa mukha niya at parang namangha pa nang makita siya nito. Hindi man lang ito kumukurap at parang nawala pa sa sarili. Ipinahid niya sa damit niyang may putik ang kamay niya at mabilis na hinawakan ang pisngi ng lalaki. Tila nabalik ito sa katinuan at nagulat sa ginawa niya. Nabitawan siya nito at napaatras. Hinawakan nito ang pisngi at nang makitang may putik ang kamay nito ay galit na galit itong tumingin sa kanya. "Sorry!" sigaw niya rito at mabilis na sumakay sa bisikleta niya at agad siyang nakalayo rito. "Come back here woman!" sigaw nito pero kumaway lang siya. "I will find you!" pahabol nito. "Sige lang," natatawang sabi niya sa sarili. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD