Chapter 26 - Reasons

1452 Words

NAGTATAKANG inihinto ni Zhamara ang bisikletang sinasakyan niya nang may marinig siyang nagtatawanan. Kunot-noo niyang tinignan si Tatay Roy na nasa palayan at may kasama itong lalaki. Medyo madilim pa ang paligid kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaking kasama nito. "Sino kaya iyon?" takang tanong niya sa sarili. Magpapatuloy na sana siya pero bigla niyang narinig ang boses at pagtawa ng lalaki. Kunot-noo niyang tinitigan ito ng maigi. "Marcus?" mahinang bulong niya sa pangalan nito. "Mukhang si Marcus nga. Ano na naman kaya ang trip ng lalaking ito nang ganito kaaga?" Nagmamadali siyang pumunta sa bahay-kubo at saka inilapag sa mesa na nasa labas ang dalawang basket na dinala niya na may lamang pangmeryenda. "Magandang umaga, Manang Pasing," bati niya sa ginang e

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD